RSB : 8 - Bits of past

13 0 0
                                    

Bits of past

Five years ago...

TAKIP-SILIM NANG SABADO.

Paliko-liko ang bisikletang pini-pedal ni Clark habang angkas naman sa likuran ang nakababatang kapatid nitong si Tamzen.

Halos isa't kalahating taon lamang ang agwat nilang dalawa.

Malakas ang tawanan nila habang ini-enjoy ang maaliwalas na sidewalk.

Malapit sa intersection ng park ay may namataan silang magtitinda ng mga street food. Galak ang batang si Tamzen kaya todo pilit ito sa Kuya.

"Tam, bawal nga kasi. 'Di ba sabi ni Mama marumi ang mga ganiyang pagkain kaya 'wag ka ng makulit, okay?" tanggi ni Clark.

Subalit hindi niya mapantayan ang kakulitan ng bata kaya kalauna'y pumayag din ito saka hininto ang bisikleta sa tabi.

"Marami, ha?" masiglang giit pa nito.

"Whatever. Diyan ka muna sa tabi. 'Wag kang maglilikot at maraming sasakyang nadaan."

Bumili na nga si Clark ng kwek-kwek, fishball at gulaman tapos ay binalingan ang kapatid na noo'y nasa gilid lang habang pangiti-ngiting naka-upo sa sidewalk.

Pero sa isang iglap ay bigla na lamang itong tumilapon dahil sa matulin at gumigiwang-giwang na van. Hindi lang ito bastang nasagi dahil mismong harapan ng sasakyan ang sumagasa rito.

Tila tumigil ang oras. Nabitawan niya ang mga binili at binulabog ng takot at kaba ang kaniyang dibdib.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman lalo na nang makita niya ang kapatid na halos hindi niya na makilala.

"TAAAAAAAM!" Rumagasa ang mga luha niya kasabay ng pag-ingay ng paligid.

Maraming nakiki-usyoso. May tumawag ng tulong at humabol sa salarin.

Literal na tumigil ang mundo para kay Clark at namalayan niya na lang na nasa loob na siya ng ambulansya sa tabi ng lasog-lasog na katawan ng kapatid. Patuloy siya sa pag-iyak hanggang marating ang ospital at marinig ang pinakamasakit na balitang natanggap niya.

"Ikaw ba ang kapamilya ng pasyente? We're sorry but he didn't make it."

Gusto niyang sapakin ang doktor nang mga panahon na 'yon.

"What happened?!" Humahangos na bungad ng kanilang ina. Suot ang pormal na kasuotang halatang galing pa sa opisina. "Where's Tam?" anito at luminga-linga sa malawak na hallway. "Baby Tamzen?!" tawag pa nito.

"Clark, anong nangyari sa inyo? Asan ang kapatid mo?" puno ng pag-aalalang tanong ng ama. Pilit nitong ina-alo ang asawa.

"Pa...si Tam...w-wala na si Tam..."

Mula nang mawala ang kaniyang kapatid nagbago ang lahat.

Wala na ang saya at sigla sa bahay nila. Pakiramdam ni Clark pati pakikitungo sa kaniya ng mga magulang ay nagbago. May mga pagkakataon pang tila hindi na siya napapansin o kaya nakikita man lang ng mga ito. Kung dati may oras pa rin ang parents nila makipag-bonding kahit siksik ang work schedule ngayon animo'y subsob na lamang sa trabaho. Halos hindi na umuuwi sa kanilang bahay.

Pakiramdam niya, pinabayaan na siya ng mga ito at para bang siya ang sinisisi sa nangyari kay Tamzen.

Isang araw, nabalitaan niya na lang na nag-divorce na ang ina at ama niya. At iniwan siya ng mga ito, mag-isa at walang ideya kung paano mabubuhay ng walang kasama.

Dumating sa punto na pati sarili niya ay nawalan na rin ng gana. Nalihis siya ng daan at doon niya nakilala si Stephen. Ang anak ng Governor sa lugar nila.

Patapon ito. Nagdu-drugs at doon siya natutong gumamit nito. May financial support naman siyang nakukuha sa magulang kaya may pinagkukunan siya ng pambili ng druga pati na rin ang bahay na inu-upahan niya.

Hanggang isang gabi, sa lumang bahay nila at doon gumagamit ng druga ay natagpuan nila ang mga kabataang nagliliwaliw sa loob nito. High na high silang dalawa ni Stephen ng mga oras na iyon at naalala niya ang nangyari sa kapatid.

Sa kinalap na impormasyon ay pawang mga baguhan pa lamang sa pagmamaneho ang may kagagawan ng pagkamatay ni Tamzen. Mga teenager. Hindi ito nakasuhan dahil underage raw ang nakasagasa.

Hindi niya matanggap ang bagay na 'yon at dahil langong-lango siya sa druga ay nakagawa siya ng malaking krimen at kasabwat niya si Stephen na wala na rin sa tamang pag-iisip.

Pinatay nila ang mga kabataang naroon sa luma nilang bahay na nasa gilid lamang ng kalsada. Itinago nila ang mga bangkay nito sa mismong basement ng bahay nila, sa ilalim ng dating kwarto niya.

Walang kaalam-alam ang ibang tao sa nangyayari sa abandunadong bahay. Dahil sa mataas na bakod ay hindi mapapansin ang loob nito o kung may ano mang nagaganap dito.

Hindi 'yon ang huli. Dahil naulit ang kanilang pagpatay. Sa puntong hindi na nila alam kung ilang bangkay ang ini-hulog nila sa ilalim.

Nang Senior year ay naging magka-klase sila nina Kate at Gab pati sina Jessica, Angelica, Saira, Jessa at Emily.

Pansamantalang natigil ang paggamit nila ng bawal na gamot.

Pakiramdam ni Clark nakahanap siya ng bagong pamilya.

Masaya at muli niyang nadama na buo siya, buo ang pagkatao niya.

Unti-unti, gusto niya ng ituloy ang pagbabago. Magsisimula siyang muli, itatama ang pagkakamali at tatanggapin ang masakit na karanasan.

Pero natapos din ang pantasyang 'yon para sa kaniya nang magkayayaan sila sa abandoned building na dati nilang tirahan.

Kung hindi sana nila napag-tripang pumunta sa building na 'yon, kung hindi sana sumama si Jessica ay wala na sana siyang planong bumalik sa naturang bahay. Wala na sana siyang planong pumatay ulit.

Kung 'di lang ni Jessa narinig ang pag-uusap nila ni Stephen. Pero huli na dahil nalaman na nito ang lahat. Kaya niya ito itinago at doon, nagsimula ang pangyayaring akala niya'y 'di na ulit magaganap.

Kagaya nang dati na kunwaring si Stephen ang hero at siya naman ang villain. Kunwa'y papatayin niya ito pero ang totoo'y voice records lang ang maririnig pagkatapos ay paglalaruan na nilang dalawa ang mga kawawang biktima.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now