RSB : 2 - Eerie thing

23 0 0
                                    

Eerie thing

"Sigurado na ba talaga 'to? Oh God, I can't believe it. Ayoko na guys..." anas ni Saira.

Kakababa lang namin sa jeep at nasa tapat na kami mismo ng abandoned building.

Surrounding tells it's already twilight.

Bilog na bilog ang buwan kaya maliwanag pa rin ang paligid kahit walang ni isang streetlight dito.

Kumpleto kaming siyam kahit todo reklamo si Saira ay pinili niya pa ring sumama.

Nakatayo kaming mga babae sa sidewalk habang ang apat na lalaki ay naghahanap ng madadaanan namin papasok.

Napagtanto kong walang ibang bahay sa parteng ito. Mataas ang bakod ng building. Halos bubong na lang ang natatanaw. Sa kabilang gilid ng kalsada ay pulos puno at damo ang naroon.

"Jess, pansin kong walang masyadong dumaraang sasakyan ngayon? 'Di naman strike, 'di ba?" biglang giit ni Angelica. Nakatayo siya sa tabi ko at palingon-lingon sa paligid. "Parang ayoko na..."

"Huwag mong sabihing nahahawaan ka na ni Saira ng ka-praningan? Angel, ikaw pa ba 'yan?" natatawang tugon ni Emily na hawak ang cellphone. For sure may ka-text na naman 'to.

"Of course not! Ang sa 'kin lang, bakit walang mga sasakyan. I just find it so weird?"

"Tama naman si Angel. Pansin ko rin eh," sang-ayon naman ni Jessa.

"'Yon, buti ka pa, Ysa! Ikaw, Ems, kapag may multo sa loob ikaw ang ipapakuha ko sa kaniya!"

"Baka coincidence lang. May flashlight kayo?" ani ko na lang. Nagsi-tango sila at inilabas sa bag ang dala nilang flashlight. "Wait, nagpaalam ba kayo sa parents niyo?" Sabay-sabay silang umiling kaya napaawang ang bibig ko. "No way..."

"Guys! May nahanap na kaming daan!" Sigaw ni Gab. "Tara dito!"

Nagsi-lapit naman kami papunta sa mga lalaki.

"'Yong flashlight niyo?" ani Stephen na bahagya kaming ini-ilawan ng cellphone niya.

Luma at kinakalawang na gate ang bumungad sa 'min. Naka-kadena pa rin pero alam ko na kung pa'no kami makakapasok dahil naka-usli na ang ibang bakal na animo'y ginawa talaga para madaanan.

"Bakit nasa kasuluk-sulukan ang gate dito?" curious na tanong ni Clark. Nasa may likuran ko siya at tanging flash ng cellphone lang din ang pang-ilaw.

"Sige, Clarken, tanungin mo kami, dali, alam namin kung bakit!" pamimilosopo ni Gab. Binatukan lang siya ni Clark kaya nagsi-tawa kami.

"I t-think, I can't make it..." Hawak ang maliit na flashlight at naka-yukong sambit ni Saira kaya natahimik kami.

"Sai, nandito na tayo oh. Isa pa, anong gagawin mo? Papaiwan ka dito sa labas? Uuwi? Eh wala na ngang jeep na nadaan eh," singhal ni Emily.

"But...this idea is not good..."

"Ikaw nga bahala diyan! Arte!" iritang giit ni Gab.

"I think Saira is right." Natahimik kaming lahat sa biglaang imik ni Kate. "I'm n-not feeling alright about this too."

Tila bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kate.

"Tsk! Kung anu-ano sinasabi niyo diyan! Papasok pa ba tayo o ano?" Stephen. "Titingnan lang naman natin kung anong mayroon sa building na 'to. Tara na!" Nauna na siyang lumusot sa gate.

Nagkatinginan kaming lahat at kalauna'y nag-sunuran na rin kay Stephen.

Ako ang huling pumasok at sa huling lingon ko sa kalsada ay may natanaw akong isang silhouette. Taong nagbi-bisikleta.

"Jess?" Bigla kong narinig ang boses ni Clark kaya pumasok na ako. "Ba't ganiyan itsura mo?" Siya na lang pala ang nag-hihintay sa 'kin.

"W-wala. Asan 'yong iba?"

"Nauna na." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti lang siya saka kinuha ang hawak kong flashlight. "Dito ka lang sa 'kin para mabantayan kita."

Napa-tikhim ako.

Nag-simula na kaming maglakad at natutuwa ako dahil walang kaba o takot akong nadarama. Pakiramdam ko, safe ako dahil nandito si Clark.

Sobrang luma na ang building. Ina-amag na pader, nilulumot na sahig at kinakalawang ang mga bakal sa gilid. May mga nakakalat ding tuyong dahon na nag-dudulot ng malutong na ingay kapag na-aapakan namin. May mga daga ring panaka-nakang nag-tatakbuhan papunta kung saan-saan.

"Natatakot ka?" bulong ni Clark.

Umiling ako pero napadikit sa kaniya ng may tumakbong malaking daga sa may paanan namin. Mahina siyang natawa kaya napalayo ako pero hindi siya bumitiw sa 'kin.

"'Yong iba, asan na kaya?" tanong ko na lamang.

"Baka nasa loob na. Dalian natin!" Hinila na niya ako.

Nang tuluyan kaming makapasok ay tumambad sa 'min ang malawak at walang kabuhay-buhay na silid. May mga luma at sira-sirang upuan at mesa. Makalat, marumi.

Dahil sa liwanag ng buwan na lumulusot sa mga maliliit na bintana ay naaaninag pa rin ang mga bagay sa loob.

"Wala sila dito eh, sa'n na ba ang mga 'yon?" untag ko kay Clark na panay ang ilaw sa paligid.

"Baka nasa──" natigilan kaming pareho dahil sa malakas na tiling nanggagaling sa ikalawang palapag.

"Nando'n sila!" Mabilis ko siyang hinila at nagtatakbo pa-akyat sa hagdan.

"Jess!" awat niya pero hinila ko pa rin siya. "Jess!" Muling awat niya pero 'di ko siya pinakinggan. "Marupok na ang hagdan baka mapano tayo!"

Pero naka-rating naman kaming maayos sa taas. "Angel?! Ysa, Ems? Sai?! Asan kayo?!" Tawag ko. Alam kong isa sa kanila ang tumili kaya hindi ko mapigilang mangamba.

Sa 'di kalayuan ay narinig ko ang halakhakan kaya agad kong hinila patungo ro'n si Clark.

"Gab? Steph? Anong nangyari?"

Sina Angelica ay nasa tabi at halata ang inis sa mukha.

"Bwisit 'yang si Gab, tapunan ba naman ako ng palaka?!" sigaw ni Emily.

"Arte. Ganda ka?" Gab.

Nabuhayan ako ng loob at nawala ang kaba dahil sa sinabi niya. "Akala ko kung napano na kayo..." Napahinga ako ng maluwag.

"She was in panicked to the point we ran upstairs in just a matter of seconds," amaze na saad ni Clark.

"So it's the reason of that?" Stephen at nginuso ang magkahawak naming kamay. Bibitaw na sana ako pero hinigpitan ni Clark ang kapit niya.

"Sort of." Ngumiti si Clark.

"Teka, si Kate?" biglang tanong ni Saira na nakayapos sa sarili.

Kahit ako ay ramdam kong medyo lumalamig na ang gabi.

"Hah? Oo nga, 'no? Nandiyan lang 'yon kanina. KATE?!" ani Gab saka ay tinawag na ang kapatid.

"What?" Sa isang silid ay bumungad si Kate na medyo magulo ang buhok.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Clark sa kaniya pero 'di siya umimik at ngumisi lang saka muling pumasok sa loob.

Nagtaka kaming lahat sa inasta niya kaya nag-sunuran kami sa kaniya.

Pero nang makapasok ay inatake kami ng kaba.

"Asan na si Kate?"

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now