RSB : 9 - How things gets broken

17 0 0
                                    

How things gets broken

GUSTO NANG TUMIGIL NI GAB SA PAGLALAKAD PERO KAILANGAN NIYANG MAGPATULOY.

Kanina niya pa akay-akay ang halos mawalan na ng malay na si Emily.

Kanina pa sila pa-ikot-ikot sa paghahanap sa iba nilang kasama. Pagod na pagod na ang pakiramdam niya at sa muli niyang pag-sulyap sa wristwatch niya ay gusto niyang mag-mura. Kalagitnaan pa lamang ng gabi.

Isa lamang ang na-iisip niya.

Lalabas siya sa building na 'to kasama si Emily para maka-hingi ng tulong.

"Gab..." anas nito na alam niyang hirap sa kalagayan.

Tumigil siya at inalalayan itong maigi. "Kailangan na nating umalis dito...hihingi tayo ng tulong!" buong tapang niyang giit. 'Yon na lang ang tanging paraan para matapos na ang lahat.

"P-paano sila?"

Hindi niya alam, wala siyang alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Kaya nga hihingi tayo ng tulong. Kumapit kang maayos..." Pagkuwan ay binuhat niya na ito ng tuluyan. Maliit lamang si Emily kaya kayang-kaya niya itong buhatin. "Kung pwedeng iwan na lang kita rito..." mahina niyang pahayag.

"Pwedeng-pwede mo n-naman akong iwan, Gab..." malungkot ang tinig nito kaya mariin niyang itinikom ang bibig.

"Yeah..." Nagpatuloy siya sa paglakad habang karga-karga ang dalaga. "...but I can't."

Hindi na ito umimik at napagtantong nakatulog na ito.

Nakalabas sila ng tuluyan kaya laking tuwa niya ng masilayan ang kalsada ngunit katahimikan lamang ang sumalubong sa kanila. Wala ni isang sasakyan. Siguro'y masyado ng malalim ang gabi kaya ganoon.

Nabuhayan siya ng loob nang may makita siyang ilaw na alam niyang nagmumula sa isang sasakyan.

Ginising niya si Emily at inalalayan itong makatayo.

Mabilis siyang kumaway-kaway at pilit kinukuha ang atensyon ng may-ari ng kotse.

Lubos siyang nagpapasalamat ng huminto ito sa tapat nila.

Nang magbaba ng bintana ang driver ay bumungad sa kanila ang isang ginang na may pormal na kasuotan. May reading glasses na suot at mukhang nasa thirty-five ang edad pataas.

"M-ma'am! Tulungan niyo kami! Kailangan kong madala ang kaibigan ko sa ospital at makapunta sa prisinto dahil may iri-report ako!" Kinapalan niya ang mukha at nagsumamo sa babae.

"A-ano bang nangyari sa inyo? Oh siya, sumakay na kayo," may pag-aalinlangang tugon nito.

Lumihis agad siya tangan si Emily at sumakay sa backseat ng kotse.

Sa biyahe ay ikinwento niya ang nangyari at ganoon na lamang ang pagka-bigla niya sa nalaman.

Ang ginang ay ina ni Clark at sobrang gulat ang nadama niya pang lalo sa mga sinabi nito.

"Clark has been sent to rehab center because he was in total messed and have been abusing himself with illegal drugs. Kakalabas niya lang two years ago, I didn't know he make friends, galit siya sa kapwa niya kabataan."

***

Hindi ni Stephen nahanap sina Gab at Emily kaya naisipan niyang bumalik sa loob.

Sa pag-bungad niya sa silid na kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan ay mahihinang hikbi at ungot ang tanging sumalubong sa kaniya.

Nagulantang siya sa nadatnan. Pare-parehong naliligo sa sariling dugo sina Kate, Clark at Jess. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang mga ito o ano. Nanlumo siya sa malabong tanawin.

Binalingan niya ang tatlong babaeng nakatali sa isa't-isa. Umiiyak ang mga ito habang may busal sa bibig.

Naramdaman niyang muli ang kagustuhang pumatay. Nag-iinit ang ulo niya at tila may bumubulong sa kaniyang tapusin ang lahat.

Hawak ang malaking butcher knife ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa tatlo. Naglakasan ang hagulhol ng mga ito kaya mas lalo siyang natuwa.

Una niyang nilapitan ang halos hindi na makamulat ang mata sa kakaiyak na si Jessa. Mugtong-mugto ang mata nito kaya natawa siya.

Sunod niyang nilapitan ay si Angelica na gano'n din ang itsura. Ngunit ito ay tulala na lamang sa kinaroroonan ng duguang si Kate.

"When a lover got in despair, poor girl..." tudyo niya rito pero hindi siya nito kinibo.

At nang tuunan niya ng pansin si Saira ay biglang dinagsa ng kakaibang damdamin ang kanyang dibdib.

Walang pinagkaiba ang ayos nito sa dalawa. Magulo ang buhok at pinagpapawisan ng husto.

Hindi niya maintidihan ang sarili.

May gumugulo sa kaniya. May gumugulo sa puso niya. Nilabanan niya ito at pagkuwa'y marahas na hinablot ang buhok ng babae.

Napatili ito pero napipigil ng busal sa kaniyang bibig.

"Pa...pa'no mo gustong mamatay?!" singhal niya rito.

Naghabulan ang mga luha nito sa pagbagsak.

Puno ng sakit ang mga mata ni Saira habang nakatitig kay Stephen.

Pumalatak naman ang lalaki saka ay hinawi ang telang nakatakip sa bibig ni Saira. "...ayan, pwede ka ng sumagot."

"Stephen..." halos hindi na niya maintindihang bulong nito. "B-bakit..."

Mariin niyang kinagat ang labi saka ay lumunok. Muli niyang hinablot ang buhok nito at ini-angat ang hawak na kutsilyo't handang-handa nang undayan ng saksak ang babae.

Pero may mahinang tinig ang pumigil sa kaniya.

"K-kapag...kapag ginawa mo 'yan...mag-sisisi ka habambuhay..." si Angelica. Nakalihis na ang telang nakabusal dito at pilit na nag-salita.

"W-what are you saying?"

"Maha──"

"No! Let him..." pigil ni Saira. "I'm willing to die, if it's you, Stephen..."

"Sai!" tarantang angal ni Angelica. Pati si Jessa ay nagpu-protesta kahit walang salitang lumalabas sa bibig nito. "Mahal...mahal ka niya, Stephen...noon pa..."

Ngunit bago pa man makasagot si Stephen ay umalingawngaw ang nakakabinging putok kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.

"STEPHEEEEEEN!" buong lakas na tili ni Saira.

Nagdatingan ang maraming pulis. Kinalagan ang tatlong babae at minadaling dalahin sa ambulansya ang mga sugatang sina Kate, Jess, Clark pati si Stephen at si Saira na may sprained.

Hinalughog ang buong building at natagpuan nga ang tambak ng mga bungo at kalansay ng tao. Nag-imbestiga ang mga kasamang detective at NBI police sa naturang lugar.

Sa paglabas nina Angelica at Jessa sa building ay papasikat na ang araw.

Pinakiramdaman nila ang paligid at tila sobrang tagal ng panahon nang huli silang makalabas kahit magdamag lang naman silang na-stuck sa loob.

Si Angelica, tahimik at walang imosyong naglalakad. Hanggang ngayon ramdam niya ang takot sa mga nangyari. Naiisip niya si Kate. Tanggap niya na, na hindi ito para sa kaniya pero humihiling siya sa diyos na sana, mabuhay ito kahit hindi na sila muli pang magkita.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now