RSB : 7 - Revealation

14 0 0
                                    

Revelation

"YSAAAAA!" Na-imulat kong bigla ang mga mata ko. Si Ysa, sa panaginip ko naroon siya, isang masamang panaginip.

Nanlulumong ungot ang nagpakabog sa dibdib ko.

"Y-Ysa?" Pilit kong inaaninag kung nasaan ang pinanggalingan ng tinig hanggang sa makapag-adjust ang mata ko sa paligid.

May malaking bintana sa dulo ng kinaroroonan namin na nagbibigay daan sa sinag ng buwan. Ngayon gabi lang, ngayon lang sa tanang buhay ko na-appreciate ang buwan. Dahil sa mga oras na 'to ay 'yon lamang ang tanging liwanag na maaasahan namin sa dilim ng gabi.

Sa muling ungot ni Jessa ay lumingon ako at doon ko naaninag sina Angelica, Saira at Jessa na nakatali sa isa't-isa at nakasalampak sa sahig. Pabilog at nakatalikod sa bawat isa.

Tanging si Jessa lamang ang may malay at nakatingin sa 'kin. Lahat sila may busal sa bibig at ako lang ang wala kaya nakakapagtaka lalo na't nakatali ako sa bakal na upuan sa kabilang gilid.

"Ysa? Sinong may gawa nito?! Gisingin mo ang dalawa! Tatakas tayo!"

Umiling lang siya habang patuloy na umiiyak.

Hindi nagtagal ay na-alimpungatan na ang dalawa.

"Okay lang kayo? Guys sorry! Wala akong magawa..." Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan nang napahagulhol. "Sorry...sorry..."

Kitang-kita ko kung paano sila magsi-iyakan. Ayoko mang ipakitang pinanghihinaan na ako ng loob pero 'di ko magawa. Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Jess..."

Napamulgat ako sa tinig ni Kate mula sa likuran ko. "Kate?! Kate! Pakawalan mo kami! Please tulungan mo 'kong makaalis sa pagkakatali!"

"I can't."

Nanlumo ako sa sinabi niya. "Parang awa mo na..."

"Nakatali rin ako."

Lalo akong nawalan ng pag-asa. "Sinong m-may gawa nito, Kate?"

Imbes na boses niya ang marinig ko ay mga papalapit na yabag ng sapatos ang bumasag sa katahimikan.

"Good thing, you guys are awake!" masigla ang tinig at pamilyar ang tonong bungad ng isang tao.

Hindi nagtagal ay sa mismong harapan ko na siya nakatayo. Balot na balot siya ng itim na kasuotan. Hawak ang butcher knife habang titig na titig sa 'kin.

"S-sino ka?!" lakas-loob kong tanong.

Narinig ko ang tarantang ungot nang tatlo sa sulok.

Lumapit ang lalaki sa kina-uupuan ko at mahinang hinagod ng ibabaw ng kaniyang palad ang buhok kong gulong-gulo. "'Wag kang atat, Jess, kulang pa ng dalawa kaya maghintay ka!" Marahas niya itong hinila kaya napa-tili ako sa hapdi. "Fuck! I wanted so bad to hurt you!" Mabilis siyang naglakad palayo habang mahinang tatawa-tawa.

At muli, yabag ng ibang tao ang papalapit sa kinaroroonan namin.

"Bullshit!" sigaw ng bagong pasok at sinipa ang lumang mesa sa gilid na lumikha ng nakakabulabog na ingay. "Hindi ko sila mahanap, tangina!" Maka-ilang ulit siyang nag-mura bago tumahimik at pa-isa-isa kaming nilingon. Hindi ko makilala kung sino dahil silhouette lang siya sa may pinto pero pamilyar ang boses.

Hanggang sa lumapit siya sa 'min at tanggalin ang face mask na suot. May hawak din siyang butcher knife.

"C-Clark?"

Isang nakakabinging katahimikan.

Kapagkuwa'y napuno ng halakhak. Tumawa siya nang tumawa na umabot sa puntong naluluha na siya. "Puntangina, Jess! Gano'n mo ba ako ka-gusto na kahit sa madilim mabilis mo akong mabisto?!" At muli siyang tumawa na nagdala ng kilabot sa kalamnan ko.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now