RSB : Bonus chapter - Still

8 0 0
                                    

Bonus chapter:
Still

Months later...

"Stephen Karl Kianou, laya ka na!" Bumungad ang pulis sa harapan ng selda at binuksan ang bakal na kulungan.

Walang bahid ng imosyon ang binata. Ni hindi siya nagulat sa binigkas ng pulis. Inasahan na niyang 'di magtatagal ay makakalaya rin agad siya.

Para saan pa ang pagiging anak niya ng Gobernador?

Nang humakbang si Stephen palabas ay doon niya nadama ang kalungkutan lalo na nang ilibot niya ang kaniyang buong paningin sa police department.

Batid niya namang walang ni isa sa kaniyang magulang ang darating para sunduin siya pero hindi niya maiwasang masaktan.

Na-iisip niya kung gaano siya ka-walang kwentang tao.

Tuluyan niyang nilisan ang prisinto.

Habang papa-uwi ay biglang sumagi sa isip niya ang mga taong naging malapit sa kaniya.

Ang mga taong tinuring siyang kaibigan at nagparamdam sa kaniya na kahit papaano ay may silbi siya sa mundo pero siya mismo ang nagpatunay na wala siyang kwenta. Dahil sa mga ginawa niya, nila ni Clark.

Nang makababa siya galing sa jeep ay umalingawngaw ang tinig ng mga alaala kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Namalayan niya na lang na umangat na ang sulok ng kaniyang labi at isang mapait na ngiti ang namutawi ro'n. Nakakapang-hinayang.

Napa-tigil siya sa paglalakad nang marinig ang mga pamilyar na tinig. Nag-uusap-usap lamang na tila naubos na ang sigla.

"S-Stephen..."

Ang boses na ilang buwan niyang hindi narinig. Na-miss niya ang malumanay na tono nito pero alam niyang wala siyang karapatan.

Nadatnan niya sina Kate, Angelica, Jessa, Emily, Gab at Saira sa madalas nilang tambayan noon sa park kung saan naka-pwesto ang mga swings.

"Naka...nakalaya ka na?" Garalgal ang boses ni Jessa. Nakita niya ang takot sa mata nito.

Naiintindihan niya ang gulat at pangamba ng mga ito. Kasalanan niya.

"S-sorry..." tanging salitang lumabas sa bibig niya.

Tumayo si Saira sa pagkakaupo sa swing saka ay naglakad ang dalaga.

Sa pakiwari ni Stephen ay bumagal ang oras at sa pagtapat nito sa kaniya ay walang ni isang sulyap siya nitong nilagpasan.

Na-doble ang sakit sa puso niya.

"S-Sai..." 'Di niya inaasahang tutulo ang luha niya.

"Stephen, ang bakla mo!"

Narinig niyang anas ni Gab na ikinatigalgal niya.

"George Adam Benidicto, gago ka ba?!" sabat naman ni Emily.

"What?" kunwa'y inosenteng tugon naman nito.

"Nagi-emote 'yong tao."

Panandaliang nawala ang lahat ng bagay na bumabagabag sa kaniya.

At sa mga sandaling ito'y muli niyang nadama ang pakiramdam kapag kasama niya ang mga ito.

Lumipas ang mga panahon at pa-unti-unting nanumbalik ang lahat. Masaya pero hindi ma-itatanggi ang isang bagay na nagpaparamdam sa kanila na may kulang.

***

SAMPUNG TAON NA ANG NAG-DAAN.

Sa bawat araw, may pagbabagong nagaganap. Hindi mo iyon mababatid sa una pero kapag binalikan mo ang nakalipas maraming bagay ang hindi na kagaya ng dati. Gano'n ang buhay, ang tanging permanente ay pagbabago.

Mag-isa akong naka-upo sa terrace na nasa mismong harap ng kwarto ko.

Rest house ko ang bahay na 'to at sa tuwing wala akong trabaho ay pumupunta ako rito, mag-isa.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ang malawak na syudad.

Hawak ang DSLR cam at pa-ulit-ulit na kinukunan ng larawan ang tanawin sa harap.

Sa mesang maliit sa harap ko ay nakapatong ang laptop at maya-maya lang ay bumungad sa group chat namin ng mga kaibigan ko ang video call request ni Emily. Sumali ako hanggang sa pati sina Gab, Angel at Kate na magkatabi, si Ysa na kakagising lang, si Saira na naka-suot ng kaniyang teacher's uniform, si Stephen na suot na ang formal office suit ay nagsi-sali na rin.

They were all have their professional career now.

I never know we could be someone that have so much of worth and have good life.

"Jessss! How are you there?" As usual ang malakas na boses ni Emily ang bumungad. Kumaway-kaway siya kaya nagsi-kawayan kami nina Ysa.

"Andaya! Kelan ka ba pupunta dito?" Angelica saka ay sumimangot siya.

"At kelan pa naging kayo ni Kate?" Balik tanong ko para mamula siya bigla.

Naghiyawan ang iba saka ay inaasar ang dalawa.

"Ba 'yan! 'Di pa nga ako sinasagot eh..." nakangusong saad ni Kate kaya nagtawanan kami.

"Mabagal ka kasi!" Stephen tapos ay malakas na tumawa.

"Bakit? Ikaw ba hindi? Ni wala nga kayong progress ni Sai eh!"

Muli kaming nag-asaran.

"Balik sa 'yo, Jess, kelan mo kami bibisitahin?" Saira.

"Hindi nabubuo tropa natin," ani Ysa habang humihigab.

Hindi ako tumugon agad. Kahit kailan naman, hindi na maku-kumpleto ang barkada. "Baka mga next month..."

"Sus! 'Yan din sinabi mo last week!" anas naman ni Gab.

"Sabi ko kasi sa 'yo, Gab, ligawan mo na si Ems tapos kapag ikakasal na kayo for sure darating ako. Syempre bridesmaid ako!"

"Baliw!" ani Gab at humalakhak.

"Sabihin mo kasi kung saang part ng Pinas 'yang rest house mo para kami na lang ang pupunta diyan!" giit ni Angel.

"Oo nga, bakit ba ayaw mong ipaalam sa 'min eh!" sang-ayon pa ni Ysa.

Tumango-tango naman sina Gab.

Nahihiya ako sa kanila. Kasi sila halatang nakalimutan na ang mga nangyari noon pero ako ito at nasa nakaraan pa rin.

Okay na sa 'kin ang parte kung saan muntik na akong mamatay kaya lang ang parte kung saan hindi ko na ulit masisilayan ang taong pinakamahalaga para sa 'kin ay hindi ko pa rin matanggap kahit siya ang dahilan ng lahat ng 'yon.

Nasasaktan pa rin ako. Naaalala ko pa rin siya, namimiss, at humihiling na sana hindi na lang siya nawala.

"Jess, gano'n pa rin ba?" tanong ni Saira.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya at oo gano'n pa rin ako, walang pag-asang maka-move on.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa may mag-doorbell kaya kinailangan kong bumaba muna para pagbuksan ang kung sino man.

At kung pinaglalaruan ako ang imahinasyon ko ay gusto kong huwag na itong tumigil.

Sa pagbukas na pagbukas ko sa gate ay lumundag ang puso ko.

"C-Clark?"

"Jess, hi?" at ang malagom niyang tinig ang nagpahina sa aking mga tuhod. "'Di mo ba 'ko namiss?"


Road Side BuildingWhere stories live. Discover now