RSB : 6 - Untrustworthy

15 0 0
                                    

Untrustworthy

NAPASULYAP SI GAB SA WRISTWATCH NIYA AT NANGHINA SIYA SA NAPAGTANTO.

Alas-onse pa lang ng gabi. Pakiramdam niya sobrang bagal ng oras.

Tangan niya ang hinang-hinang si Saira. Na-sprained ang ankle nito kaya hirap makalakad ng maayos.

Bahagyang nauuna sa kanila ang walang imik na si Emily. Palingon-lingon lang ito sa paligid at halatang alerto ang galaw.

"Hoy Emily! Try mo namang tulungan ako oh, napapagod din ako!" sigaw niya.

"Bwisit ka, alam mo 'yon?!" singhal nito sa kaniya. "Ginusto mo 'yan, kaya magtiis ka!" Bumilis lalo ang lakad nito.

Nang bigla itong madapa. Gusto niyang matawa pero ramdam niya na ang pagod at bigat ng inaalalayan niyang dalaga kaya sa utak na lang siya bumungisngis.

Nagtaka siya dahil hindi ito bumangon agad. Tila nasasaktan ito at nahihirapang makagalaw.

"Ems? Okay ka lang?" 'Di niya mapigilang mag-alala. Kahit madalas niya itong i-bully ay kaibigan na rin ang turing niya rito. "Dito ka muna, Sai, tingnan ko lang si Emily. Baka kung anong katangahan na naman ang ginawa no'n."

Iniwan niya muna ito habang naka-upo sa concrete bench na may mga tuyong lumot saka tinungo si Emily na nakasubsob pa rin sa sahig.

Rinig niya agad ang mahinang daing nito kaya kinabahan siya at nang i-angat niya ito ay gano'n na lang ang pagkabigla niya dahil may nakatarak na palayok sa hita nito.

"Shit! Sinong may gawa niyan?!"

Nakapikit lang ito at halata ang pamimilipit sa sakit. "B-bigla na lang tumama sa 'kin. Uck! M-masakit..."

Lumuhod siya sa tapat nito, "Huhugutin ko ah? Masakit 'to, Ems." Tumingala muna siya at napagtantong kitang-kita mula ro'n ang bilog na bilog na buwan. "Tingnan mo, ang ganda ng buwan..." Nakita niyang tumingala rin ito kaya biglaan niya nang hinugot ang palayok na naka-tusok sa hita nito.

Malakas ang sigaw ni Emily na ikinangiwi niya. Ramdam niya sa sigaw nito ang sakit.

"Sorry," aniya at inalalayan itong maka-upo. Kinuha niya rin ang panyo sa bulsa at saka itinali sa sugat nito. "Shit, dalawa na pala kayong aalalayan ko!" Napalingon siya sa kinaroroonan ni Saira pero laking gulat niya dahil wala na ito ro'n. "Fuck! Asan si Sai?"

Nahintakutan si Emily sa sinabi ni Gab. Napuno ng pangamba at pagsisisi ang kaniyang sistema. "Ayoko na...Gab...gusto ko ng umuwi..." Umiyak na ito ng tuluyan kaya hinaplos niya na lamang ang ulo nito saka niyakap.

Gulong-gulo na rin siya sa mga nangyayari.

***

"Kate..." mahinang tawag ni Angelica sa lalaking kasama.

Wala itong imik sa tabi niya. Simula nang maghiwa-hiwalay sila ay hindi siya nito kinausap.

"Hmm?" simpling tugon nito.

Weirdo at napaka-misteryoso ng dating nito para sa kaniya kahit mahigit dalawang taon na niya itong kilala.

Gusto niya si Kate. Grade 11 pa lang sila ay nagustuhan niya na ang binata. Mabait, responsable, gwapo rin ito at matangkad. Masyado nga lang tahimik. Kung hindi lang siguro nito kapatid si Gab ay hindi ito sasama-sama sa kanila.

"May...may gusto lang akong sabihin," ani Angelica. Bumagal ang lakad niya samantalang nauna naman si Kate ng kaunti. Wala siyang sagot na nakuha mula rito kaya nagpatuloy siya, "First day pa lang ng klase natin...nagka-cru──"

"No." Tumigil ito ngunit hindi humarap sa kaniya. "Please, don't say anything." At sa puntong 'yon hinarap na siya nito. Tila antok na antok na ang singkit nitong mga mata habang nakatitig sa kaniya.

"Pero──"

"Just don't!" Marahas nitong sinuklay ang buhok gamit ang daliri matapos ay itinakip ang dalawang palad sa mukha na animo'y litong-lito.

"Gusto kita, Kate! Gustong-gusto..." May luhang pumatak sa mga mata niya. Hinayaan niya iyong dumaloy. Hindi niya ito maintindihan. Nasasaktan siya. Aminado naman siyang hindi ito interesado sa kaniya pero gusto niyang umasa, na baka bukas o makalawa ay magustuhan din siya nito. "Pinipigilan ko naman eh. Pero sa mga oras ngayon...na maaaring mawala ang isa sa 'tin...gusto...gusto ko lang na malaman mo na noon pa man, gustong-gusto na kita!" Lakas-loob siyang umamin pero blangko lang ang ekspresyon nito. Wala ang ngiti na kinahuhumalingan niya.

"I'm sorry." Tumalikod ito at nag-simulang maglakad palayo. "We still have to find the others."

Naiwan siyang luhaan. Naiintindihan niya na si Stephen. Kung bakit ayaw na nitong mag-seryoso at mag-stick sa isang tao. Naiintindihan niya na kung bakit ayaw na nitong magkagusto at umasa pa. Masakit pala kapag 'yong taong mismong gusto mo ay wala namang pake sa nararamdaman mo.

Natigalgal siya dahil sa pakiramdam na tila may nagmamasid sa kaniya. Pero bago pa man siya makalingon ay may panyong tumakip sa bibig niya at maya-maya'y nanlabo ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.

***

Walang kaalam-alam si Kate sa nangyari kay Angelica. Ang buong akala niya ay nakasunod na ito sa kaniya.

Napangiti siya ng mapakla. Matagal na niyang gustong marinig na aminin ng dalaga ang nararamdaman nito para sa kaniya. Pero bakit ngayon pa? Sa sitwasyon nila ngayon na wala ng kasiguraduhan kung magiging maayos pa ba ang lahat.

Simpling trip lang naman ang naisip nila pero nauwi sa gulo.

Bigla niyang naalala ang natuklasan sa secret basement kanina.

Wala naman siyang planong tuklasin ang mga bagay-bagay ro'n pero bigla niya na lamang na-diskubre ang sikretong lagusan. Ang lumang kabinet na gawa sa kahoy ay daan patungong ilalim at doon niya rin mismo sa kabinet nakita ang isang picture frame na naglalaman ng larawan ng dalawang lalaking mukhang sampu at onse pa lang ang mga edad.

Nagtaka siya kung bakit mayroong larawan doon ng taong 'yon at kung sino ang katabi nito.

Biglang may tumawag sa kaniya nang oras na 'yon kaya naitago niya sa bulsa ng hood niya ang frame at ng muli siyang bumalik sa kabinet ay dumiretso siya pababa at nagulantang siya sa nagkalat na bungo at kalansay.

Pilit niyang winaglit ang mga natuklasan at naghanap ng malalabasan.

Isang kwarto ang napuntahan niya at doon siya naghalungkat para makakuha ng karagdagang impormasyon.

Ngunit may taong dumating kaya naiwan niya ang larawan sa ibabaw ng monobloc at nagtago siya sa malaking vase sa kabilang dulo.

Hindi niya inaasahang si Angelica lang pala ang darating.

"Hindi ko in-expect na napa-katanga mo pala, Kate."

Natigil siya sa paglalakad ng bumulaga sa kaniya ang taong tinuring niyang kaibigan. Hawak nito ang butcher knife. Kung kanina ay nakita niyang balot ito ng itim na kasuotan ngayo'y ladlad ang mukha nito at may bahid ng dugo ang puting damit.

"And I expected you to be the stupidest." Wala siyang naramdamang takot sa kaharap. Naaawa siya para dito at hindi natatakot. "Sayang, pinagkatiwalaan ka nila──namin." Umiling-iling siya.

Malakas lamang itong humalakhak saka ay pumalatak. "As expected from Kate Minasteryo, tatahi-tahimik pero matalas ang utak. But you're still a foolish fuck to me. Matalinong bobo. Wanna know why?" Sarkatiko ang tono nito.

"No thanks. Your reasons, those are all I wanna hear."

"Too bad." Ngumuso ito na tila natutuwa at nang-aasar. "But every minute at the moment counts."

Malakas na hampas sa ulo ang natamo niya.

Humalakhak ang taong nasa harap niya habang pinapanood siyang humandusay.

"Great job, Karl," anito bago siya tuluyang makatulog na hindi niya alam kung magigising pa ba siya.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now