RSB : 5 - Not so fast

12 0 0
                                    

Not so fast

HINDI KO NA ALAM KUNG ANO BA DAPAT ANG TAMANG GAWIN.

Pito kaming magkakasama at napag-desisyunan naming maghiwa-hiwalay sa paghahanap kina Clark at Ysa.

"Three pairs tayo, may sobrang isa kaya may magiging tatlong magkakasama. Kayo na ang bahala sa gusto niyong kasama," ani Gab. "Si Saira ang kasama ko para maalalayan ko rin siya. She can't walk straight."

"Angelica, you come with me," deklara ni Kate pagkuwan ay hinila nito si Angel na tila na-ubusan ng salita.

"S-sige."

"Sa 'kin ka na lang sumama, Jess, baka patayin ako ni Clark kapag nasugatan ka ulit. Kailangan mabantayan kitang maayos." Hinalungkat niya ang bag at inilabas mula rito ang maroon jacket. "Isuot mo 'to, masyadong malamig. Kay Clark 'yan. Isasauli ko dapat pero ikaw na muna gumamit."

"Salamat." Kinuha ko ito. Bahagya akong nagtaka sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang.

"Emily." Biglang hinablot ni Gab ang sleeve ng damit ni Emily dahilan para mapasubsob ito sa kaniya. "Sa 'min ka na sumama."

Kung normal na gabi lang ito ay baka nag-asaran at tuksuhan na kami.

"Magkita-kita tayo sa may gate. Please lang, bilisan niyo!" buong pahayag ni Stephen saka hinila niya ako patungo sa kabilang direksyon.

***

"Sa'ng part na ba tayo ng building?" 'Di ko mapigilang magtaka dahil kanina pa kami liko nang liko. Madilim at hindi na masyadong naaaninagan ng buwan.

"Hindi ko alam──fuck!"

"Stephen!" Tuluyan akong napasigaw ng may bumulaga sa 'ming isang tao. Pulos itim ang kasuotan at higit sa lahat kumikinang ang hawak niyang butcher knife.

Nabitawan ko ang flashlight at gumulong ito sa likuran namin at tanging ang aming mga paa na lamang ang na-iilawan nito.

Hinila ako ni Stephen patungo sa likuran niya na tila pino-protektahan niya ako. "Jess...run... " hangin na lang ang lumabas sa bibig niya.

Kitang-kita ko kung paanong humakbang ang lalaki sa harap namin at i-angat ang hawak na kutsilyo.

"Jess, in count of three...you'll run, okay?" muling bulong ni Stephen. "One...two...fuck! argh──JESS TAKBO!" buong lakas niyang sigaw.

Sa puntong iyon alam kong tinamaan na siya ng lalaki.

Napa-atras ako at 'di ko inaasahang maaapakan ko ang flashlight na nahulog. Bagsak ako sa sahig kaya napangiwi ako.

Rinig na rinig ko ang mahinang ungol at daing ni Stephen pati ang tunog ng kutsilyo at pag-tilamsik ng likido.

"Putangingamo..." boses ni Stephen at kasunod niyon ang pagkalabog. "Akala ko...mapagk──ugh!"

Mabilis akong gumapang palayo at tuluyan ng tumayo saka nagtatakbo. Pagod na pagod na ang pakiramdam ko, kanina pa.

Hindi ko alam kung may humahabol ba sa 'kin. Kung hinabol ba ako ng lalaki kanina.

May isang silid akong nadaanan. Walang pinto at sobrang dilim.

At sa pag-tapat ko ro'n ay may kamay na humablot sa 'kin.

"Shhhhh..." aniya. Nasa likuran ko siya. Nakayapos ang isang kamay sa tiyan ko at ang isa ay nakatakip sa bibig ko. "He can hear us..." bulong niya na kusang umabot sa pandinig ko.

Ang pamilyar na amoy ng pabango at ang malalim na boses. Clark?

Humawak ako sa kamay niya at pilit itong inilalayo. "C-Clark?"

"Jess..." aniya. Mahabang katahimikan bago siya muling mag-salita, "U-umalis ka na." Binitawan niya ako.

Hinarap ko siya pero sa sobrang dilim ay 'di ko siya makita. "Clark, t-tara na, umalis na tayo. K-kanina pa kitang hinahanap..."

"Mauna ka na..."

"Si...si Stephen, sinaksak siya nang lalaki kanina. Hindi ko alam, baka p-patay na siya!"

Wala akong nakuhang sagot. Tahimik lang siya hanggang sa umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. May tumatawag.

Pero ang ipinagtataka ko ay hawak pala ito ni Clark. Sinagot niya ang tawag at itinapat sa kaniyang tenga.

Hindi ko marinig at wala akong ideya kung sino ang tumatawag.

Ikinabigla ko ang mahina niyang tawa hanggang sa lumakas na ito nang lumakas na animo'y isa siyang baliw.

"A-anong nangyayari, Clark?" Napa-atras ako dahil sa dagliang kabang nadama ko.

"Nahanap na raw nila si Ysa at naghihintay na sila sa may gate."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas.

Lakad lang kami nang lakad hanggang sa bigla siyang tumigil at marahas akong itulak dahilan para mapasandal ako sa pader.

"B-bakit?" Napa-daing ko dahil masakit pa rin ang likod ko dahil sa pagkalaglag kanina at ngayon nama'y tumama ulit sa matigas.

May mga bintana at butas sa mataas na pader kaya tumagos mula roon ang liwanag ng buwan.

Kitang-kita ko si Clark. Lumapit siya sa 'kin at hinampas ang pader na kinasasandalan ko. Mariin kong naipikit ang aking mga mata sa akalang ako ang tatamaan niya. Malalim ang kaniyang paghinga at alam kong sobrang lapit niya.

Napaigtad ako sa malamig na bagay na dumampi sa leeg ko. "C-Clark!" anas ko. Ramdam kong kutsilyo ang bagay na dumidikit sa 'kin.

"Tell me, Jess." Mahabang katahimikan ang lumipas, tapos ay muli siyang nagsalita na ikinagulat ko, "Tell me, you're the murderer... aren't you?"

Tumitig ako sa mga mata niya. Mapungay at tila pagod. "A-nong pinagsasabi mo, Clark? Hindi ako ang pumapatay!" Kinakabahan ako dahil ano mang oras ay pwede niyang itarak sa leeg ko ang hawak na kutsilyo.

Mariin niya akong tinitigan saka biglang nilapit pang lalo ang mukha niya sa 'kin at hinawakan ang likod ng aking ulo. Napapikit ako at kasabay niyon ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "I know...I know." Tuluyan na niya akong niyakap habang bumubulong. Garalgal ang tinig niya, "Sorry...I'm sorry for suspecting you."

Nawala ang takot ko. Napalitan ng kakaibang pakiramdam. "Puntahan na natin sila."

Kahit nanghihina ang tuhod ko ay bumaling na ako sa kabilang direksyon upang tumungo sa gate.

Nang biglang may panyong sumalubong sa bibig at ilong ko.

"Not so fast!" pamilyar pero may nag-iba sa tono ang boses na narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now