Fixing and fixed- the ending
MARAMI AKONG NATUTUHAN.
Sa isang gabi ng buhay ko, maraming naganap na halos hindi ko mapaniwalaan.
Maraming katotohanang nabunyag, masasakit na alaala at hindi malilimutang karanasan.
Dalawang buwan na ang lumipas matapos ang gabing 'yon at masasabi kong hindi iyon sapat para paghilumin ang sugat at sakit na dulot ng pangyayaring 'yon sa buhay namin.
Pero pinipilit kong makalimot──namin at magsimula ulit.
Ngayon, graduation na at ito kami nina Angelica, Jessa, Saira, Emily, Gab at Kate. Sabay-sabay na ihina-hagis ang graduation cap.
Masaya kahit papa'no. Kahit masakit ang mga nangyari ay pilit kaming nagpapatuloy para mabuhay.
Si Kate, kahit maraming saksak ang natamo ay lumaban siya at ito nga't kasama naming gumraduate. Masaya rin ako para sa kanila ni Angel. Hindi sila, pero alam kong may progress na. 'Di na rin gaanong tahimik si Kate dahil minsan ay nakikipagkulitan na siya sa 'min.
Si Gab at Emily ay gano'n pa rin. Away-bati, palibhasa 'bully at bullied' kaya gano'n.
Si Jessa wala ring pinagbago. Makulit at maingay pa rin. Ewan ko dahil madalas ko siyang mahuling nakatingin kay Gab. Hayaan na nga sila.
Si Saira, okay naman siya kahit papa'no. Mas naging tahimik nga lang pero wala namang ibang kakaiba sa kaniya. Pero alam kong malaki ang impak sa kaniya lalo na sa nangyari kay Stephen.
Si Stephen, kasalukuyan siyang naka-detain dahil sa kinasangkutan niyang krimen. Pero kahit gano'n ay kaibigan pa rin ang turing namin sa kaniya. May nagbago pero siguro nga'y parte 'yon ng buhay.
"Waah! Congrats, Jess!"
Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Ang tinig na 'yon.
Pero imposible.
"Uy, Jess? Okay ka lang?" untag ni Angelica.
Tumango lang ako at muling nagtingin-tingin sa paligid. Pero maraming tao sa hall at halos hindi ko makita ang iba.
"CONGRATULATIONS SA 'TIN!" sabay-sabay naming sigaw at nag-yakapan habang nagtatalon paikot.
Sa kabila ng lahat, magpapatuloy ang buhay namin. Maaaring hindi na gaya nang dati pero alam ko, may rason ang lahat.
Matapos naming magpalitan ng masasayang pagbati ay tumungo na ako sa mesang kinaroroonan ng magulang ko.
"Jess!"
Hindi pa man ako nakaka-upo ay muli kong narinig ang boses na tumatawag sa pangalan ko. Clark? Muli kong inikot ang paningin sa paligid pero wala akong nakitang Clark.
"Nak, sinong hinahanap mo?" ani mama habang ina-alalayan akong maka-upo.
"W-wala ma. Parang may tumawag kasi sa 'kin."
Nang gabing 'yon matapos akong mag-agaw-buhay ay hindi ko inakalang masisilayan ko pa rin pala ang mundo.
Nagising na lamang ako noon sa hospital. Matapos 'yon ay halos hindi na ako palabasin ng bahay nila mama. Naging istrikto na sila sa 'kin at lahat ng puntahan ko ay gusto nilang lagi akong sinasamahan.
Naiintindihan ko naman sila.
"Anak, iri-renovate nga pala 'yong abandoned building," biglang saad ni papa sa tabi ni mama.
"T-talaga po? B-bakit, sinong titira do'n?"
"Gagawin daw itong orphanage. Good news 'di ba?"
Ngumiti ako saka tumango-tango. Masaya talaga ako dahil isa 'yong parte ng simula.
YOU ARE READING
Road Side Building
Mystery / ThrillerHindi ko inakala na ang isang simpling trip naming barkada ay ma-uuwi sa alaalang hindi ko makakalimutan habang-buhay. Date started: March 25, 2019 Date finished: March 28, 2019 @CloudEbony