"Elle! Yung crush mo papunta rito!" sigaw ng bestfriend ko habang nagtatatakbo papunta sa 'kin.
"Talaga ba? As in now na?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito nang paulit-ulit. Kaagad akong nag-ayos ng aking sarili.
Nang masilayan na siya ng aking mga mata, abot tainga ang aking ngiti. Ngunit nilagpasan niya lamang ako. Masakit, sobra. Hindi kami ganito dati. Ewan ko ba kung bakit naging cold na siya. Siguro dahil sa mga mapanukso niyang kaklase, aish!
"Bes." naramdaman ko ang mga kamay ng aking kaibigan sa mukha ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Hinayaan ko lang siya na punasan ang mga ito sapagkat hindi ko maigalaw ang aking mga kamay upang ako na lang ang gumawa niyon.
"Oo bes, alam kong masakit. Pero hanggang kailan ka magiging ganito? Hanggang kailan ka aasa? Bes, deserve mong maging masaya. Hindi yung ganito, lagi ka na lang umiiyak dahil sa kaniya. Kung pinutol na talaga niya yung koneksyon niya sa 'yo, hayaan mo na bes. Hindi ka na makakasagap kung nilagyan na niya ng password. Enough na, okay?" at niyakap ako ng bestfriend ko, dahilan upang ang pakiramdam ko'y gumaan.
Siguro nga not in range na, kahit malapit siya. Kasi yung loob niya, sobrang layo na sa 'kin.
Pero kung bibigyan niya ulit ako ng chance upang magkaroon ulit kami ng koneksyon, g ako! Basta para sa kaniya, handa akong magpakatanga.
Kahit paulit-ulit pa.