Bato

5 0 0
                                    

"Ae, kapag natapos mo na yung assignment, send mo sa 'kin yung sagot ah?"

"Ae sa 'kin din!"

"Don't forget me, Ae. TY!"

Tumango na lang ako at lumabas na sila ng room.

"Ae." ani ng bestfriend ko na kapapasok lang sa room.

"Hm? Ano yun?" tanong ko.

"Patuloy mo na lang ba silang pagbibigyan? Ae, pwede ba matuto kang tumanggi? Lalo na't sa mga ganoong bagay. Naaabuso ka na e." aniya. Hindi ako kumibo.

"Ae, oo mabait kang tao. Alam ng lahat yan. Pero hindi ibig sabihin nun, na sa lahat ng bagay e magiging ganoon ka. Limitahan mo Ae. Para hindi ka naaabuso." pumunta siya sa likuran ko at niyakap ako.

"Pasensya na. Hindi ko sila kayang tiisin e. Pakiramdam ko masama akong tao kapag ganoon. Pakiramdam ko--" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Shh. Hindi masamang tumulong, pero dapat yung tutulungan mo, yung nangangailangan talaga. Hindi yung may mga sakit sa bato."

"Sakit sa bato?" takang tanong ko.

"Oo. Bato. Bato-gan" sambit niya at sabay kaming tumawa.

Nag-bell. Hudyat na na magsisimula na ang susunod na subject.

Ein SchussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon