"Sorry, hanggang dito na lang"
"You deserve better"
Blah, blah, blah. Pwe!
Ayaw niya talaga sa 'kin, kung ano-ano lang sinabi. Wushu! Mga linyahang bugol!
Diretsahan dapat e, diretsahan. Hindi yung aarte na parang nalulungkot din. Na parang kinailangan talaga.
Kingina!
Masasaktan ako, oo. Pero ang gusto ko, masaktan ako sa katotohanan. Hindi sa echos-echos na dahilan.
Matatanggan ko naman e. Makakalimot din ako, 'di nga lang ganoon kadali. Pero sana naman, totoong dahilan yung ibigay sa 'kin.
Masakit e.
Masakit.
Sweet-sweet pa tayo noong nakaraan, tapos bukas-makalawa alaws na? Waaaaao!
May pa "Ikamamatay ko kapag nawala ka" pa.
Anyare? Ba't buhay ka pa rin hanggang ngayon?
Bakit? Ha?
BAKIT?