Balang araw

2 0 0
                                    

Ano'ng mga naiisip niyo kapag tinutukoy ang mga taong nasa kulungan?

Masasama?

Kriminal?

Walang puso?

Pero lingid sa kaalaman ng ibang tao na hindi lahat ng nasa kulungan ay mga masasamang kriminal na walang puso.

Yung iba napagbintangan lang talaga. Nadiin kaya't wala nang nagawa para ipaglaban ang sarili.

Katotohanan na dinaya o ibinaon. Ginamitan ng dahas at sinilaw ng pera.

Hanggang saan?

Ilang mga inosenteng tao pa ang kailangang magbayad sa kasalanang hindi naman talaga nila ginawa?

Yung pamilya ng iba, kinalimutan na sila. Hindi sila magawang dalawin kahit minsan. Naniwalang mga masasama sila.

Sa bawat araw ng buhay nila, naroon ang pag-asa na isang araw, lalabas ang katotohanan.

Na balang araw, makakasama nila ulit ang mga pamilya nila at mabawian ang mga sandali na wala sila sa piling ng mga ito.

Sana nga, lumitaw ang katotohanan na pilit ibinabaon ng mga dapat ituring na kriminal talaga.

Balang araw.

Ein SchussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon