Ang hirap kapag lumipas ang panahon tapos hindi mo nagawa o na-enjoy yung mga bagay na gusto mo. Nakakapagsisi.
***
Nakaupo ako habang pinanonood ang aking mga anak kasama ang mga kalaro, nagba-basketball.
Basketball.
Ang pinaka-paborito kong laro magmula pa lamang noong bata ako. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong malaro iyon, magpahanggang ngayong matanda na 'ko. Dala ng katandaan, nanghihina na ang aking mga tuhod. Lubos akong nagsisisi at nanghihinayang.
Hanggang imahinasyon na lamang ang paglalaro ko ng basketball.
"Pa! Malapit na'y liga ah? Dapat andun ka. 'Di ako makakapaglaro nang maayos kapag wala ka." ani ng anak kong panganay sa malungkot na tono.
"Oo naman nak. Pwede ba namang hindi ako makapunta sa espesyal na araw ng buhay ng anak ko?" at niyakap ko ito kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
"Galingan mo nak. Manalo, matalo, suportado pa rin kita. Mahal na mahal ka ni papa. Enjoy-in mo lang nak ang bawat araw ng buhay mo. Gayundin ang paglalaro mo ng basketball. Alam kong gustong-gusto mo yan, kaya laban lang!"
At pumasok na kami sa loob pagkatapos mag-drama.