Manipulasyon

4 0 0
                                    

"Kailangan ikaw lagi ang nangunguna sa klase niyo"

"Don't disappoint us"

"Study hard, 'wag munang papasok sa relationship"

"Huwag na huwag mo kaming bibigyan ng kahihiyan"

***

Sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral. Wala na 'kong oras para gawin ang mga hilig ko dahil bantay-sarado ako ng mga magulang ko. Nakakapagod, sobra. Daig ko pa'ng nakakulong sa hawla.

Manipulasyon.

Manipulasyon.

Hindi ko magawang magreklamo sa kanila. Lahat na lang ng gusto nila, sinusunod ko. Kahit labag sa loob ko, sinusunod ko.

Tapos kapag may nagawa akong pagkakamali, kahit 'di sinasadya, dakdak dito dakdak diyan. Ni hindi sila nakikinig sa paliwanag ko. Gusto nila sila na lang lagi ang tama.

Paano naman ako? Lagi na lang walang karapatan?

Kung puro pressure ang inilalagay ng mga magulang sa mga anak nila, 'wag silang magtataka kung masiraan ang mga ito ng ulo. Hindi naman tama na kontrolin nila ang buhay ng mga anak nila. May mga sarili silang desisyon, gustong gawin, pangarap, at iba pa.

Sana naman maunawaan nila iyon.

Sana.

Sana.

Ein SchussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon