"Hays, okay lang yan self kahit hindi ka na kasama sa with honors. Blessed ka pa rin naman. Bawi ka na lang sa susunod."
***
Iba't ibang dekorasyon ang makikita sa paligid. Nakabubusog sa mga mata. Mainit man ang panahon ay tuloy pa rin ang pagdiriwang.
Hindi ko inakala na makakasama ako sa ganito. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga yung mga pinaghirapan mo. Na proud yung mga magulang mo sa 'yo hindi lamang dahil sa makakatanggap ka ng medalya't sertipiko kundi dahil na rin sa naging matagumpay ang yugtong ito at handa na kami sa panibagong yugto ng aming buhay.
Kagalakan ang siyang naramdaman nang umakyat isa-isa kasama ang mga magulang na magsasabit ng medalya sa kanilang mga anak.
Masasabing ang kayamanang ito ay hindi mananakaw ninuman.
Halos nawalan ka man ng pag-asa, bandang huli, magniningning ka pa rin.
Just keep on trusting, especially to God.