May nagparamdam na ba sa 'yo na importante ka? Na kahit iwan ka man ng mga mahahalagang tao sa buhay mo, e nandiyan siya?
Pero sa umpisa lang pala.
Lalo na't ang dahilan..
Nagka-jowa.
***
Hindi lumilipas ang araw nang hindi kami nakakapag-usap. Madalas nga inaabot na kami ng madaling-araw. Kahit nonsense o walang kwenta yung topic, pinag-uusapan pa rin namin. May mapag-usapan lang.
Ang bait niya. Ipinaramdam niya sa 'kin na kahit harsh ako sa sarili ko, isa pa rin ako sa mga taong 'may halaga'.
Naniwala ako.
Naniwala ako na magtatagal siya sa 'kin. Na kahit ano'ng mangyari, nandiyan at nandiyan pa rin siya. Pero hindi.
Lahat ng mga sinabi niya, nasa puso't isipan ko pa rin. Kahit na humantong kami sa ganoon, hindi ko siya kayang kalimutan.
Sa lahat ng nakasalamuha ko, isa siya sa binigyan ko ng lubos na importansiya.
Kung kailanganin man niya 'ko, nandito lang ako.
Kahit na wala siya tuwing kailangan ko siya.