Paano na?

4 0 0
                                    

Gawaan na naman ng cards. Huling quarter na para sa taunang aralan. Busy ako sa pagko-compute ng grades ng mga estudyante ko nang may pumasok sa silid na kinaroroonan ko.

"Sir." malungkot na sambit nito. Alam ko na kung ano ang pakay niya.

"Kung dahil sa failed grades mo kaya ka naparito, pasensya na pero wala na akong magagawa patungkol doon." ani ko at ibinaling ang ulit ang pansin sa ginagawa ko kanina. Pumunta siya sa likuran ko at laking gulat ko nang taas-baba niyang hinahagod ang dibdib ko.

"Sir naman e. May paraan pa naman." aniya habang patuloy sa paghagod. Nagkikiskisan ang pang-nguya ko. Tuminag na ako nang magtangka siyang humalik sa 'kin.

"Bree!," sambit ko sa galit na tono. "Kung sa tingin mo kakagat ako sa plano mo, nagkakamali ka. Hindi ako nag-teacher para lang magpauto. At kung itong paraan lang na 'to ang nalalaman mo, diretsahan tayo, hindi ka karapat-dapat pumasa." sunod-sunod kong sabi. Nakatayo lamang siya't nakayuko. Naaawa ako na naiinis.

"Sorry sir. Pero babayaran naman kita e. Kahit magkano okay la--" at doon na ako tuluyang sumabog sa nais niyang sabihin ngunit pinutol ko iyon.

"Hindi ako interesado. At pwede ba kung wala ka nang matinong sasabihin, get out of this room. Inaabala mo 'ko." mahinahon pero may inis kong sabi.

"Edi 'wag mo! Dami-daming sinasabi, psh." at lumabas na ng silid ang bastos kong estudyante.

Hays, kung magpapatuloy na lang ang ganoon, paano na ang iwinika ni Dr. Jose Rizal? Na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Paano na?

Paano na?

Ein SchussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon