"Let's stop talking."
Mga salitang dumurog sa puso ko. Kahit ilang beses niyang hindi tinutugunan ang aking mga mensahe, patuloy pa rin ako sa paghihintay kung kailan niya iyon tutugunan.
Ilang beses ko na rin siyang iniyakan. Mababaw na dahilan man para sa iba pero sa akin, hindi. Nasanay ako na lagi siyang nandiyan. Pakiramdam ko espesyal ako sa kaniya noong mga panahong ayos pa kaming dalawa.
Pero 'di naglaon, nanlamig siya. Hindi ko batid ang kaniyang dahilan. Kinulit ko siya na sabihin kung bakit ayaw na niyang mag-usap kaming dalawa pero ayaw talaga niyang sabihin.
Ang sakit-sakit para sa akin nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Wala naman na akong magagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Ayaw na niya siguro talaga 'kong kausap.
Kaya't ipinangako ko sa sarili ko na huling beses na yun. Na hindi ko na ulit siya iiyakan. Alam kong darating din ang panahon na maghihilom ang mga sugat na dinulot niya.
At sana, hindi na ako maging marupok.
Ayoko nang maging marupok.