Naranasan niyo na bang magkagusto sa taong hindi niyo pa nakikita nang personal? Kasi ako, oo. Magmula noong nagkausap kami at narinig ko ang kaniyang boses sa voice record.
Kahit simpleng "Hi" lamang yun, kuhang-kuha niya 'ko.
***
"Oh, ayan self. Kani-kanina lang masaya ka tapos ngayon malungkot ka na." sambit ng inner self ko. Paano ba naman kasi, nagkatampuhan na naman kami. Sa tuwing ganoon, nasasaktan ako.
Pero hindi ako mapapagod kasusuyo sa kaniya. Hanggang sa mag-reply siya sa 'kin at makausap ko ulit siya nang matagal.
Lakas ng tama ko 'no? Ewan ko ba kung confusion lang ba 'to o in love na talaga 'ko.
Umaasa 'ko na balang araw, mararamdaman niya yung nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. Na balang araw maging "mutual" yung feeling. Iba kasi siya e. Pakiramdam ko siya yung kulang sa 'kin na matagal ko nang hinahanap.
Patuloy akong aasa.
Kahit imposible.