Prologue

32 1 0
                                    

Kumikislap ang kanyang matang nakatitig sa akin. I want to be his everything for the rest of his life. I want to be the only woman he'll ever love.

"Dianne.." Sabi niyang marahan sa aking tainga.

Tumaas lahat ng aking balahibo sa aking katawan sa kiliting dulot ng pagkasabi niya ng pangalan ko. The man whom I love so much.

"Mahal na mahal kita, Lloyd.." Hinahabol ko na ang hininga ko sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Sumabay sa amin ang hangin mula sa dagat. The timing is very perfect, indeed. I wanna be with him forever. Like this very moment.

Ngumiti siya nang marinig niyang sinabi kong mahal na mahal ko siya. Kung tutuusin nga'y kulang pa iyon dahil higit pa sa sinabi ko ang pagmamahal ko sakanya. Hinawakan niya ang aking kaliwang panga na iniwestra ang kanyang sarili para ako'y mahalikan. Hinagkan niya ng dahan-dahan ang aking noo, pababa sa aking ilong, pakanan sa aking mga pisngi hanggang sa dahan-dahan itong pumunta sa aking mga labi.

"Mahal na mahal din kita Dianne.." Ngiti niya pagkatapos ang hagkan.

"Mahal-" Sabi niya pagkatapos ng isang halik. "na mahal-" patuloy pa, "na mahal-" halik pa, "na mahal kita ng sobra, Dianne." Nawala na ako ng tuluyan.

Sa sobrang tuwa ko'y halos hindi na ako makagalaw. Pagkatapos niya akong halika'y dumilat ako nang dahan-dahan. Ngunit wala siya, wala si Lloyd. Wala ang lalaking mahal ko.

Hinanap ko siya. Hinanap nang hinanap. Sinuyod ko ang buong dalampasigan, para akong nawawalang batang naghahanap ng mga nawawala niyang magulang aa tabi niya sa mall.

Hindi ko pa din siya makita, wala pa rin akong nakikitang Lloyd sa paningin ko. Unti-unti na akong nafufrustrate. God, Lloyd where are you?

"Lloyd!!" Sigaw ko.

Walang bahid ni Lloyd. Wala na akong nagawa kundi magsisigaw, mapaupo sa buhangin at umiyak sa sobrang takot at frustration.

"Lloyd?" Lloyd!"

I woke up in the middle of the night screaming and crying out his name as I realized it was only just a dream. A love that was just a dream.

A love I didn't expect to be so devastating.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon