Chapter 3 - Accept Me

27 0 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay ng maluwat at ligtas. Sobrang sumakit ang ulo ko sa mga inasta ni Kyla. Siya ba talaga bestfriend ko? Paano nagkatagpo ang isang kill joy at walang thrill sa buhay na gaya ko sa tulad niyang party girl at masaya ang buhay? Minsan nga natatanong ko sa sarili ko kung paano kami magkaintindihan nito ni best eh both different ang interests namin sa buhay. Siguro'y talagang nakasulat na sa mga palad natin ang mga taong nakatadhana para maging parte ng buhay mo, ni-mapa bestfriend pa yan o anuman.

"Best! Uyy, best!" Sampal ko ng mahina sa kanyang pisngi. "Hindi ka maliligo? Diba hindi ka nakakatulog ng maayos pag di ka nakaligo sa gabi?"

Tinapik ko pa ng tinapik ang kanyang pisngi. Mukhang hindi na talaga siya magigising sa ngayon. Tumingin ako sa aking orasan at nakita kong mag-aalas kwatro na ng umaga. Sobrang inaantok na ang mga kawawa kong mata kaya naman dumiretso nalang ako sa aking kwarto.

Agad akong naligo dahil halatang galing ako sa bar dahil sa amoy ng suot ko, at malamang dahil sa amoy nung nangbastos sa akin kanina.

Damn it, Dianne. Naalala mo na naman.

Humiga na ako at relax na relax ang feeling ko. Sa wakas, nasa kama na rin ako, makakapahinga na ako! Kahit mga hapon na ako gisingin, sapat na yong pahinga para makapag-aral na ako ng maayos.

Umikot ang isip ko sa lahat ng mga bagay na nangyari sa akin kanina. It's very unexpected, and traumatic at the same time. Unexpected and traumatic in a way na kahit akong hindi kabastos-bastos, eh nabastos. Unang sabak ko palang sa gimikan ng mga party people sa generation namin ngayon, aba may muntik pa maka-tyansing sa akin. Laking pasasalamat ko nalang at andun si Jethro para iligtas ako.

Tinaob ko ang mukha ko sa unan sa pagrerecall lahat ng nangyari. Pinilit kong alisin ang lahat sa utak ko hanggang sa makatulog ako.

Ginising ako ni Kyla ng nakangiti at excited. Ako nama'y badtrip agad ng makita ko sa orasan na alas-dyes pa lang ng umaga. Wala akong pasok ngayon kaya balak ko sanang magbawi ng tulog, pero eto siya ngayon, nanggugulo.

"Ano ba best? 10 pa lang oh! 4 na ako nakatulog kanina nang dahil sa kabaliwan mo!" Sabi ko saka pumikit uli para matulog.

"Best naman! Gising! May nakilala ka ba sa bar kagabi after I left you?" Sabi niya na may halong excitement.

Bwiset. Onti nalang talaga masasapak ko tong bestfriend ko.

"Patulugin mo ko kyla utang na loob!" Sabi ko kahit nakapikit pa rin.

"Who's this unknown guy best? Nakita ko sa gate to oh!" Tinapik tapik niya ng malakas ang aking balikat dahilan para umupo ako sa aking hinihigaan at nanatili paring nakapikit ang aking mga mata.

"From your savior." Dagdag niya gamit ang malakas na boses.

Agad nanlaki ang mga kaninang nakapikit kong mata. What the? Anong savior?!

"Anong nakalagay?!" Tanong ko sabay hablot ng card na hawak hawak ni Kyla.

Such pleasure to encounter a geek at the bar last night. You like books, right? Looking forward to see your cute, mad face again.

Your savior.

Fuck it! Geek?

Napatingin ako sa librong ipinadala niya kasama ang card na binasa ko. May pink na ribbon ang nakapulupot roon. Kinuha ko iyon sa tabi ni Kyla na mukhang curious at clueless sa lahat ng mga bagay na iyon. Aanhin ko naman to? Buti sana kung med book. Magagamit ko pa sana pag nag-med ako after college.

Love Like It Will Ever Last by Ephony Thomas

Oh.

"So thoughtful naman of your savior. Ang ganda ng libro nito, title pa lang catchy na! Pwedeng basahin ko nalang? Wala ka namang hilig sa ganitong topic eh." Turo niya sa libro sabay pout niya ng lips. Feeling cute.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon