Chapter 10 - Don't Want You For Him

15 0 0
                                    

Dumiretso ako sa bahay para magreview ng maaga. Saglit lang ay midterms na namin next week. Kailan lang ay hayahay ako nung summer dahil walang aaralin. Ngayon, sunugan na naman ng kilay dahil may hinahabol akong average para maging PL.

Hindi ko nakasama si Jethro buong araw dahil busy daw sila sa rehearsal sa upcoming Foundation Day ng St. Louis after ng midterms. Nakakainis nga daw dahil siya raw ang representative ng College of Chemical Engineering. Hindi naman na ako magtataka, stand- kung stand-out ang kagwapuhan at kakisigan niya sa college nila at talented pa siya. Minsan nga ay naisip ko na hindi talaga kami bagay ni Jethro dahil ibang iba siya sa akin. Siya ay gwapo, ako naman hindi maganda. Ang mga bagay sa kanya yung mga mahilig magbar at mag-ayos o kaya ay mag-makeup na magaganda at popular. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil nasa akin si Jethro, at ako ang mahal niya.

Biglang sumingit sa isip ko si De Ocampo. Hindi kami close kaya bakit kailangan niya akong utusan at pagsabihan ako ng ganoon? At for his information, hindi kami nag-PDA. Lalong sa harapan niya! Anong karapatan niyang mairita?

Ako naiinis sa kanya! Tuwing naaalala ko yung pagkasabi niya sakin non at yung sabay na pagwalk-out niya ay nanggagalaiti ako sa galit. Ang weird niya talaga, at nakakainis dahil ang suplado pa niya!

Nakakainis dahil classmate ko lang yun every Tuesday, Thursday at Saturday. Nung una naweweirduhan lang ako sakanya pero ngayon naiinis na ako. Kahit kailan talaga hindi na ako magpapakita sa kanya na magkasama kami ni Jethro. Baka isipin niya nag-pi-PDA na naman kami!

"Hello.." Sagot ko nang mapagtantong tumatawag sa phone ko si Jethro.

"Hi beautiful. You home?" Malambing na tanong niya.

Napangiti ako kahit hindi naman talaga ako maganda. Bakit ako nafflatter eh hindi naman talaga?!

"Beautiful ka jan! Yep, I'm home. Ikaw ba?"

"Beautiful ka naman talaga, eh. Hindi pa, uwing-uwi na nga ako pero ang daming talak nung organizer ng pageant. I want to drop by on your house, I want to see you, my nerd girl."

Kinilig naman ako, pero damn it, magrereview pa ako mamaya!

"Mabilis lang, ah? Magrereview pa ako. Nerd pala ako, eh." Sagot ko.

Humalakhak siya. "I know, finals na next week. Hindi kita iistorbohin ng matagal, mabilis lang talaga."

"Fine. Sige na, practice ka muna. Idlip lang ako ha?" Sabi ko sabay hikab. Inaantok na talaga ako ngayon!

"Okay sleepyhead. I love you." Malambing niyang sabi. His voice's really sexy.

"I love you, too." Saka ko binaba ang tawag.

It feels good when the person you love, loves you back even more. Yung pinapahalagahan ka ng sobra. I suck on these romances though I really enjoy the feeling now.

Humiga ako sa kama para umidlip ng kaunti pero hindi ako mapalagay. Kanina ay hikab ako ng hikab pero ngayong nakahiga na ako, hindi ako makatulog! Hindi ako tinantanan ng mga iniisip ko kanina. Naiinis pa rin ako, hindi ko alam kung bakit!

Naalala ko yung mga mata niya na nakatitig sa mga mata ko habang sinasabing hindi kami mag-PDA ni Jethro. Bakit niya ba kasi sinabi yon? Bakit ganun siya kung makatitig sa akin? Bakit ang weird niya masyado? At bakit hindi siya mawala sa isip ko yung pangiinis niya sakin?!

Damn. Pinapahirapan ko lang sarili ko. I shouldn't be bothered. Inggit lang yun sayo, kasi ikaw Dianne, may lovelife. Siya? I don't know. Hindi naman siguro magsasalita ng ganun sa akin kung meron. O di kaya bakla yon? Crush niya siguro si Jethro. Lol.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako kakaisip sa mga walang kwentang bagay. Nagising ako sa isang door bell. Malamang ay si Kyla na yun, wala na ring araw at paniguradong siya na yung dumating. Ang bigat ng katawan ko nang bumangon ako, ang init at parang ang bigat sa pakiramdam. Ito yung nararamdaman pag natulog ng hapon at magigising na ng gabi o yung di na naabutan ng araw. Parang may lagnat. Kahit ganoon ang nararamdaman ko, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Jethro na nakahalukipkip na nakasandal sa kanyang sasakyan.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon