Chapter 7 - Pissed Look

13 0 0
                                    

Matapos niya akong effortan ng ganito ay parang lumambot ang puso kong dati ay nagmamatigas. Akala ko ay hanggang pangungulit lang siya sa akin, may pagkaromantiko rin pala ang lalaking ito.

"Ayos ba?" Tanong niya sa akin.

Feeling ko talaga sobrang pula ko ngayon. Halong tuwa't-kilig ang nararamdaman ko sa ngayon lalo na't kaharap ko si Jethro.

Dahan-dahan akong tumango. Nginitian ko siya at kita ko rin ang mga matatamis niyang ngiti sa akin. Masaya ako, Jethro. Masayang-masaya.

"If that's the case, will you give me a chance?" Tanong niya.

Dahan-dahan uli akong tumango kaya naging dahilan ito para yakapin niya ako ng mahigpit.

"Thank you Dianne!" Aniya habang yakap-yakap pa rin ako.

Pumalakpak ang mga dalawang kasama niya na batid ko ay mga malapit niyang kaibigan. Naaninag ko rin si Kyla sa itaas sa bintana ng aming kwarto na pumapalakpak.

"Chance lang ha?" Sabi ko nang kumalas ako sa kanyang yakap.

"I will never waste that chance you gave me." Aniya.

Kinuha niya ang bouquet of red roses mula sa isa niyang kaibigan at ang dalawang boxes ng Yellow Cab pizza.

"Alam ko naistorbo ko yang pag-aaral mo kanina. Ayoko rin na nagugutom ka habang gumagawa ka ng homeworks. Eat this with Kyla, okay?" Sabi niya.

"As much as I still want to be with you tonight, uuwi na lang muna ako. I don't want to disturb my princess's study time." Dagdag niya.

Niyakap niya uli ako ng mahigpit pero hindi ako yumakap pabalik. Sa pagkakataon ngayo'y inaamin ko sa sarili kong nagkakagusto na ako sakanya, pero hindi ko pa siya mahal. It takes time nga anila. Sana lang ay hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Thank you talaga, Dianne. Thank you for giving me a chance." Aniya.

"Tama na yan, pre! Sobrang pula na ni Dianne oh." Sambit ng isa niyang kasama.

"Shut up pricks. Don't ruin the moment." Iritang sabi niya.

Humalakhak naman kami ng mga kaibigan niya. Tinapik ko ang kanyang likod hudyat na pakawalan na niya ako sa yakap niya. Dahan-dahan naman siyang kumawala sa yakap niya sa akin. Lahat ng mga paru-paro at insekto sa aking tiyan ay nagdiwang sa nangyayari. What the hell is really happening to me?

"Goodnight nerd." Sabi niya sabay kindat sa akin. Sinalubong niya ang kanyang mga kaibigan na nakaabang kotse at sumakay na rin.

"Gago ka talaga, Jeth." Dinig kong halakhak ng kaibigan niya nang papasok na sa sasakyan.

Papasok na ako ng gate na may dala-dalang ngiti sa aking labi nang marinig kong nag-goodnight sa akin ang mga kaibigan niya nung ibaba nila ang bintana ng sasakyan. Sinalubong naman ako ni Kyla sa entrance door at halos matapon yung mga bigay ni Jethro dahil natabig niya ang mga hawak kong iyon ng siya'y tumatalon-talon sa harap ko.

"Tanginaaa! Akalain mo yun may side pala ng ganun si Jethro? Ang swerte mo talaga!" Tili niya.

Dumiretso ako sa kwarto at habang si Kyla naman ay talak parin ng talak na sagutin ko na raw si Jethro. Hindi pwede. Hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Ayoko pang ipagkatiwala ang puso ko sa hindi pa ako sigurado.

"So ano na girl? Sagot na!" Pamimilit niya sakin.

"Ayaw ko pa." Sambit ko habang nilalantakan ang pizza na ibinigay ni Jethro.

"Bakit naman? Studies na naman ba pinipili mo? Kailangan mo ng dagdag motivation and inspiration!" Aniya.

"Best, nahuhulog na ako sa kanya. Yung mga sinabi niya sa akin kanina sa field, nakadagdag pa yung effort niya kanina. Gusto ko magmatigas pero bakit ganun?" Sabi ko.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon