Chapter 6 - Too Hard Not to Fall

21 0 0
                                    

Kita kong inis na inis si Jethro sa lalaking nakatama ng ulo ko gamit ang bolang sinipa niya sa field. Bukod sa natamaan ako nung bola, sinira nung lalaki ang moment naming dalawa.

"Gago yun, ah." Aniya matapos tignan ang lalaking naglalaro kanina na umalis na sa field.

"Hayaan mo na. Napalakas lang siguro sipa niya." Sabi ko sakanya.

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang aking buhok. "Bait mo naman. Kung siguro ibang babae yan malamang mag-freak out na yan at magagalit." Aniya.

"Sus. Kung ibang babae yan, malamang ididisregard nila yung lalaking yun kasi may dating at gwapo." Sabi ko.

Tinitigan niya ako na parang may mali sa sinabi ko. "Siya gwapo? Ako ba hindi?"

Uminit pisngi ko. Does he want me to tell him he's too damn gorgeous? Baka pag sinabi kong sobrang gwapo siya ay mag-isip pa siya na may gusto ako sakanya.

"Y-you're attractive. Too attractive." Sabi kong nakayuko pero bumalik rin ang tingin ko sakanya.

Napa-'oh' ang kanyang bibig sa sinabi ko. Damn, pwede bang bawiin ko nalang yung sinabi ko?

"Hindi sa ganun-"

"So, you are attracted.." Ngising sabi niya sa akin.

Am I really attracted? Ugh, yes? I don't know! Ilang beses ko lang naman sinabi sa sarili ko na sobrang gwapo niya. Gusto kong mapa-face palm sa kagagahan ko. Wrong move, Dianne.

Ngiting-ngiti siya sa akin nang sabihin ko yun. No, Jethro. Don't think that way!

"Kainis!" Sabi ko at agad tumayo para umalis pero agad din siyang tumayo at hinawakan ako sa braso ng mahigpit.

"Leaving means you're attracted to me." Sabi niya.

"May klase pa ako." Sabi ko na totoo naman. Hindi ko pwedeng ipagpalit ang grade na pinaghihirapan ko sa panlalandi niya sa akin.

"Fine, but that's not an exception. You're still attracted to me." Sabi niya sa akin sabay kindat.

Umalis na ako ng tuluyan ng binitawan niya ang aking braso kasabay ng kanyang matatamis na ngiti. Bahala na siya sa gusto niyang isipin. Attracted means by physical aspects or whatever, basta hindi ako in love.

Kita ko sakanyang natuwa siya sa pag-alis ko, dahil katumbas na rin to na hindi ako tumatanggi sa paratang niya. Well yes, somehow attracted ako sakanya. Sino ba namang babae ang hindi? Ang tindig, pananamit, katawan pati ang kanyang mukha ay ubod ng gwapo. Idagdag pa ang pagiging mabait niya, yun ang napansin ko sakanya ng lubos.

Dumiretso ako sa aking susunod na klase at salamat naman hindi ako late. Sakto lang ang aking dating dahil kasabay ko sa pagdating ang aming prof at lahat ng aking mga kaklase ay nakapirmi na sa kani-kanilang mga upuan.

First meeting pa lang halos namin sa professor na ito dahil palagi siyang absent at malamang ngayon lang siya pumasok. Minor lang naman siya kung tutuusin pero hindi din tama na halos 5 meetings mula ng magumpisa ang first sem na ang na-miss niya sa amin.

Nagdiscuss ng marami ang prof namin dahil hinahabol niya ang mga lessons na hindi niya naituro dahil sa mga absences niya. Tambak ng aaralin, 5 chapters in one quiz daw next meeting kaya wala kaming choice kundi ang kami na lang ang mag-adjust para sa kanya.

Nahulog ang isang fountain pen at nagrolyo papunta sa sahig sa harapan ko. Napansin ko ito at pinulot. Lumingon ako sa aking likuran para tanungin kung kanino ang pen na nahulog at natigilan ako kung sino ang nakita kong nasa likuran lang ng seat ko.

"Miss, akin yang pen." Aniya.

I was mesmerized. The owner of the pen was the one who hit me in my head with his soccer ball. Classmate ko siya dito? Ngayon ko lang siya nakita, ah?

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon