Chapter 8 - Make It Right This Time

17 0 0
                                    

Ibang-iba ang araw ko kapag kasama ko si Jethro. Hindi lang siya sweet, may humor pa siya. I didn't expect he would be this amazing. Akala ko hanggang puro looks lang siya, may mabuti rin siyang pagkatao.

Pagkatapos ng aking mga klase ay hinatid niya ako pauwi. Nag-enjoy daw siya sa pakiki-sit in sa mga piling klase ko at tuwang-tuwa pa siya ng iannounce na perfect ako sa quiz na ipinasa niya noong dati ay tulog ako. Hindi raw siya nagsisi na pinakiusapan raw niya ang professor kong iyon na tanggapin ang late kong papel.

Kinagabihan ay nakarating kami ng bahay nang maabutan namin si Rj at Kyla sa may swing sa garden na nagke-kwentuhan at nagtatawanan. Nagkatinginan kami ni Jethro dahil mukhang parehas kami ng iniisip. There's something going on between the two..

"Having fun?" Pagsira ng moment ni Jethro sa dalawa.

"Uy! K-kayo pala!" Biglang layo ni Kyla kay Rj habang si Rj naman ay napatingin kay Kyla sa ginawa nitong paglayo.

"Akyat muna tayo best." Anyaya ko kay Kyla.

"Gago ka talaga.." Rinig kong sabi ni Rj kay Jethro na siyang nagpalingon sa amin ni Kyla sakanila.

"Dito na kayo magdinner." Sabi ni Kyla.

Walang pakundangan namang pumayag agad ang dalawa sa alok ni Kyla. Wala bang balak umuwi 'tong mga 'to? Halos buong araw na yata kami ni Jethro magkasama at sila naman ni Rj.

Naghintay sila sa baba habang kami ni Kyla ay nasa taas. Nagshower ako habang si Kyla naman ay nagke-kwento ng romansa nila ni Rj.

"Tas alam mo ba best, lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin!" Kilig niyang sabi.

"Baka naman may dumi ka lang sa mukha mo? O kaya naman napapangitan sayo? O sadyang feeler ka lang talaga?" Pang-aasar ko.

"Gago." Halakhak niya. "Seryoso best, crush ko na siya!"

Natapos na akong magshower at siya parin ay kilig na kilig at tuwang-tuwa kay Rj. Hindi naman ako magtataka na kahuhumalingan niya ito dahil gwapo rin at maporma si Rj katulad ng kaibigan niyang si Jethro. Sana lang ay hindi siya naririnig ni Rj sa baba dahil sa kakasigaw niya sa kilig.

"May nabanggit nga siya sakin tungkol kay Jethro, eh." Aniya.

Nakuha niya agad ang atensyon ko habang nagbibihis ako. Tungkol kay Jethro? Wala pa akong alam tungkol kay Jethro bukod sa mabait siya at sweet.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Malalaman mo rin. Mas maganda kung kay Jethro mo mismo maririnig." Ani Kyla at saka bumaba na. Na-curious tuloy ako.

Nahuli akong bumaba at naabutan kong abala silang hinahanda ang hapagkainan para kami'y makakain na. Feel na feel at home ang dalawa. Tumulong na rin ako sa paghahanda at pagsasandok ng kanin. Kumakalam na rin ang tiyan ko sa gutom dahil hindi ako naglunch kanina.

Masaya kaming apat na kumain ng apat. Maaga pa naman kami natapos, si Kyla ang naatasan ngayong araw sa paghuhugas ng plato kaya naman dinaluhan rin siya ni Rj at tinulungan sa paghuhugas. Alas-syete i-medya pa lang naman kaya nagdesisyon si Jethro na magstay sila ni Rj dito bago kami umakyat. Kinikilala ko pa lang naman si Jethro pero napagaan na ng loob ko sakanya. Noong unang pagkikita namin siguro ay hindi, pero habang nagkakasama kami palagi ay nagiging kumportable na rin ako sa kanya.

"Uhm, Dianne.." Sambit ni Jethro.

Napatingin ako sakanya ng nakaupo kami sa sofa sa sala. Halos buong araw ko siyang nakasama, hindi alintana sakanya na pagod siya o kaya nama'y haggard siya. Sobrang gwapo pa rin niya kaya bawat sulyap ko sakanyang magandang mukha ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon