Chapter 1 - Very Interesting

49 1 0
                                    

"Best bilisan mo nga!" Sigaw ni Kyla sa akin.

Naghahanda kami ngayon para sa isang event sa ewan ko. Sabi lang ni Kyla na mag-ayos ako dahil may malaking event na gaganapin pero hindi niya sinasabi sa akin kung saan. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang suotin tong dress ni Kyla. It's really good. The problem is ang iksi. Hindi ako sanay na magsuot ng sobrang above the knee. I prefer jeans pero mapilit bestfriend ko.

"Bakit kasi ang iksi? Wala ka bang dress diyan na medyo hahaba kaysa dito? Hindi ako sanay sa ganito best, eh." Reklamo ko.

"Wag ka ng maarte, kapag naka-jeans ka dun ma-out of place ka. Kaysa naman sa magmukha kang kawawa dun, suotin mo nalang yang pinapasuot ko sayo!" Sabi ng gaga.

Wala na akong nagawa kundi suotin iyon. Sinikap kong maging natural sa dress na ito pero hindi ko pa rin maiwasang ihila ang dress na ito pababa.

"Oh. My. God. Dianne." Sabi ni Kyla habang nanlalaki ang mata.

"What now? Alam ko hindi baga-" Hindi na natuloy ang sinabi ko ng niyugyog ako ng lukaret kong bestfriend.

"Saan mo dinala bestfriend ko?!"

"Gaga ka. Ako to, si Dianne. Yung pinilit mong suotin tong dress na to." Natatawang sabi ko sakanya.

May talangka talaga sa utak tong babaeng to. Minsan sinasakyan ko nalang pagkabaliw niya kasi baka mabaliw na ako ng tuluyan sakanya.

"You look very stunning. Magdress ka palagi sa school. Matuto ka naman mag-ayos, dalaga ka na te! I'm very sure, hindi ka lang sasabihin puro brains, puro beauty ka na din! Take note: gorgeous." Ani Kyla.

"Ewan ko sayo. Kung saan ako mas kumportable, dun ako. Wala akong time para mag-ayos, imbes na yung oras para sa pagrereview ko ay gagamitin ko sa pag-aayos, well no thanks." Giit ko.

Sumimangot naman si Kyla na kanina'y mukhang nakakita ng pag-asa sa itaas.

"Kahit konting ayos lang naman okay na, hindi yung sobra." Pilit pa niya.

"No more debates, baka ma-late pa tayo sa event na pupuntahan natin. Saan nga ba yon? Bakit tayo pupunta dun?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Eh basta. Halika make-upan na kita!" Sabay hila niya sa akin sa harapan ng salamin.

"Ano ba talagang pupuntahan natin at kailangan mo pa akong ayusan ng ganito?"

"Pagdating natin dun, malalaman mo." Ngiting-ngiting sabi niya.

Umirap nalang ako sa kawalan. Sobrang naiintriga kasi talaga ako kung saan kami pupunta.

"Ayan, nagmukha ka ng tao." Sarkastikong sabi ni Kyla. Hindi ba ako mukhang tao pag natural lang? Nyeta.

Binatukan ko siya at tawang-tawa naman siya sa reaksyon ko. Iniharap niya ako sa salamin at laking gulat ko nang makita ko ang ibang anyo ni Dianne.

"Oha? Sabi na sayo mag-ayos ka eh." Giit ni Kyla.

Napairap nalang ako sa kawalan. Kahit gumanda ako ng kaonti ay balewala rin naman ito. Mas simple, mas maayos.

"Tara na nga, kaysa sa nilalait mo ko sa anyo ko dati umalis na tayo at baka ma-late pa tayo sa kung anong event na pupuntahan natin." Sabi ko.

Humarurot ang taxi na sinakyan namin ni Kyla. Alas-diyes na ng gabi at heto kami ngayon, ang iiksi ng mga damit. Imbes na nakapag-aral ako'y nasa bingit pa yata ako ng kamatayan sa ginagawa namin ni Kyla ng ganitong oras.

Napadpad ang taxi sa tapat ng isang maingay na bar. First time akong makapunta rito at tanaw ko agad sa loob ang mga nagsisiinuman at nagsasayawan na parang may sarili silang mundo.

"So eto pala yung event na sinasabi mo ha?" Inis kong tanong kay Kyla.

"I know you won't come pag sinabi kong sa Night Life bar tayo pupunta. Ayaw ko naman na mabuhay ka lang na puro aral lang, dapat minsan ay matuto ka ring maglibang!" Sagot niya.

Hindi na ako nakapagreact. Kahit sobrang tutol ako sa ideya ng bestfriend ko ay pagbibigyan ko na lamang siya, bihira lang kasi siya humingi ng pabor sakin.

Bumaba kami ng taxi at agad kong naramdaman ang lamig ng hangin sa legs kong naka-expose. Nang papasok na kami'y ramdam ko na parang nasa ibang mundo ako. Halatang hindi talaga ako belong sa mga ganito.

"Best naman. Anong gagawin ko dito?" Halong kaba at pagka-op ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Masyado ko bang kinulong ang sarili ko sa pag-aaral?

"Drink best! Try mo yung mga drinks don. Take note, wag hard ha! Wag mo akong gulatin. Baka pagkalabas natin dito mas wild ka na sa akin." Halakhak ni Kyla.

"Sasayaw lang ako, umupo ka kung san mo gusto. Wag mo akong tatakasan ah! Babalik rin ako." Utos niya.

"Seriously? Sinama mo ako dito para lang iwan mo-" Naputol agad ito ng umalis siya agad sa harapan ko.

Wala na akong nagawa kundi humanap na lamang kung saan ako pwedeng pumwesto dito. Ayokong uminom. I've never been drunk in my entire life. At wala akong balak malasing at any moment.

Nakapalumbaba na lamang ako habang pinapanood ang mga babae at lalaking sumasayaw na akala mo'y kulang nalang maghubad sila sa sobrang pag-indak nila.

"Lonely?"

Napatingin ako sa gawing kanan ko nang makita ko ang isang chinito, maputi at mala-adonis ang katawan na lalaki sa tabi ko. God, strangers everywhere.

"Nope." Sabay tingin uli agad sa mga sumasayaw. Pinakita kong hindi ako interesado sakanya.

"Then why are you all alone?" Tanong niya gamit ang malamig niyang boses.

"Night life's not my thing. Sinamahan ko lang friend ko dito, andun siya sumasayaw sa dance floor."

"I think you need to have some company here." Aniya.

"No thanks." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Bakit ba kasi andito siya? Ugh. Hindi ko naman siya kilala. Oo pogi siya pero, duh? Stranger danger.

"Sungit." Sabi niya.

"I don't talk to strangers. Malay mo, may masamang balak ka pala sakin. Masama na ang mundo ngayon." Sabi ko.

"If you don't talk to strangers, then why did you answer all my questions? You are now talking to strangers, miss." Ngisi niya.

Bwiset! Ano bang problema nito? Kung ako siguro nasa posisyon niya at tinarayan ako ng babae, malamang lalayas na ako.

"What the hell do you want?" Tanong kong kitang-kita ang pagkainis.

"I just want us to be cool. You seemed so lonely awhile ago. Ngayon may kausap ka na, you're not alone anymore. Unless your friend might not want to ditch you here." Sabi niya.

Bakit pa kasi napili ni Kyla na sumayaw kaysa samahan ako dito? Alam ko kj ako pero, yeah kj nga ako sa mga ganito.

"Alam niya kasing hindi ako in sa ganito. I just did her a favor. Ang samahan siya dito." Paliwanag ko.

"Where are you up to?" Tanong ni unknown guy.

"I'm sorry? Pero hindi tayo close para sabihin ko kung anong meron sa buhay ko. I don't even know you!" Pag-irap ko.

"That's the case! Can't you see? I want to know about you. I want to be close enough with you."

Naguluhan ako. May gusto bang iparating to kaya ang bagal mag-generate ng utak ko ngayon?

"Okay, I'm Dianne Lorenzo, RMT in the making, umiikot ang mundo ko sa mga libro, any related sa pag-aaral. I'm not into bars, night lifes, short dresses, make-ups or whatsoever. In short, boring ako. Ayan masaya ka na?" Mabilis kong sabi sakanya.

"Very interesting." Ngisi niya habang titig na titig sa akin.

What now?

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon