Chapter 9 - No to Public Display of Affection

18 0 0
                                    

"Did I hear you right? Did you just say you love me?" Gulat na tanong ni Jethro.

Tumango ako ng walang pag-aalinlangan habang nakasandal parin ang ulo ko sa kanyang balikat at nakatingin sa langit. The sky is indeed beautiful, just like this moment.

Inialis niya ang aking ulo sa pagkakasandal sa kanyang balikat para humarap ako sakanya. Nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa parehas kong braso at ang mukha niya'y hindi makapaniwala. Nakangiti pa rin ako sakanya habang siya naman ay nagniningning ang mata kahit hindi makapaniwala.

"Say it again." Sabi niyang ngiting-ngiti.

Nag-'ehem' sound pa ako para linawin ang boses ko ng maayos. Ito talagang lalaking to.

"I. Love. You. Jethro. It's. A. Yes." Diin kong sabi.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko na lamang ang luha ko sa aking mga pisngi sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Yes. I'm finally his. I'm finally Jethro's.

"Damn girl. I love you more!" Sabi niya kahit humihikbi pa rin.

Sobrang saya dahil ngayon, kanya na ako. Bahala na kung nakain ko man ang mga salita ko noon, basta ang alam ko, mahal ko na siya ngayon.

"Hug me like you hugged me back the first time we met." Bulong niya kaya naman niyakap ko rin siya.

"Nananatsing ka lang non." Biro ko.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko nung time na yun, nananantsing pa ba ako?" Tawa niya.

Kumawala kami sa isa't isa at sinandal na naman niya ang aking ulo sa kanyang balikat. Nakatingala kami sa langit na punong-puno ng mga nagniningning na bituin. Mas lalong sumarap ang palo ng hangin laban sa amin kaya naman niyakap ko ang kanyang katawan gamit ang isa kong kamay. Pinikit ko ang aking mga mata para damhin ang bawat panahon na kasama ko itong lalaking mahal ko.

"Grabe. Yan palang yakap mo nakakapanghina na. Paano pa kaya pag kiss mo na?" Bulong niya.

Pinalo ko ang kanyang tiyan kaya naman napanguso siya. "Kiss ka jan!" Sabi ko.

"Isang araw gugustuhin mo rin akong ikiss whole day, walang tigil-tigil.." Bulong niya sa sarili pero medyo malakas kaya narinig ko.

Hindi ko alam kung maaasar ba ako o ano. Sobrang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. I-kiss whole day? Damn! I don't even know how to kiss!

"Don't cry na ha?" Malambing kong pakiusap.

"Alright sweetie." Aniya.

First time akong tawagin ng ganon. Masyado ba akong baguhan? First time ko lang to naramdaman eh! Pulang-pula na siguro pisngi ko ngayon.

"Are you sleepy?" Marahang tanong niya.

"Hmm. Medyo."

"Sleep in my arms." Aniya.

Wala na akong pag-aalinlangan na yumakap sa kanya ng buong-buo at saka ipinikit muli ang aking mga mata. Mainit ang bawat bisig niya kaya tamang tama ito sa lamig na nararamdaman ko dito sa pwesto namin sa park. Ang ganda rin ng katawan ng boyfriend ko. Sasarap tulog ko nito.

"Thank you for loving me back." Bulong niya.

And thank you for loving me from the very beginning, Jethro. Naiiyak ako damn. I'm really in love!

Kinantahan niya ako habang ako ay nakayakap sa kanyang mga bisig. This man can really sing. Kailan ba ako magsasawang makinig sa maganda at malamig niyang boses?

"I'll be your crying shoulder

I'll be your love suicide

And I'll be better when I'm older

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon