Chapter 4 - Someday It Will

18 0 0
                                    

Maaga akong gumising para maghanda ng almusal namin ni Kyla at maghanda rin para sa school. Puro major quizzes ang meron kami ngayon kaya magsa-scan pa ako ng kaunti para ready na ready na ako mamaya. 10am pa naman ang first class ko kaya may mahabang oras pa ako.

Dalawa lang kami ni Kyla sa bahay na tinitirhan ko na naipundar pa ni Mommy last year nung umuwi siya rito. Isa itong 2-storey na bahay, malaki ng kaunti at maganda ngunit hindi naman ganoong kagarbo tulad ng ibang mga mansyon ng mayayaman. Dapat nga'y mag-isa lang ako rito pero isinuggest ko kay Kyla noon na lumipat nalang siya rito sa bahay ko para hindi na siya mag-dorm. Hati kami sa lahat ng gastusin sa bahay. Mas okay na ang set-up namin kaysa magdorm si Kyla. Gusto rin ni Mommy na maayos ang tinitirhan ng bestfriend ko at mabuting may kasama ako rito kaysa ako ang mag-isa. Nagtatrabaho rin ang Mommy ni Kyla sa Bahrain. Bestfriends din sila ng mommy ko kaya malamang bestfriends din kaming mga bunga. Mas panatag rin daw ang loob ni Tita Susan na mommy ni Kyla na dumito si Kyla sa bahay.

"Good morning best. Aga mo yata nagising?" Sabi ni Kyla habang kinakamot pa ang kaliwang mata, kagigising lang papasok sa kusina.

"Magscan pa kasi ako mamaya ng notes, ang dami nating quiz mamaya puro major pa. Pinagluto kita ng almusal oh." Sabi ko kasabay ng paglalatag ng mga pagkain sa lamesa.

"So sweet naman best, pinagpapractican mo ba ako? Mag-aasawa ka na? Kay savior ba?" Panunuya niya.

Umagang-umaga inaasar ako ni Kyla. Leche talaga.

"Tigilan mo nga kaka-asar sakin. Let's eat and please forget about that 'savior' guy."

Hindi na pumalag sa akin si Kyla. Kumain nalang kami at nagtanungan kami tungkol sa iqquiz namin mamaya na nagsilbing review na rin sa amin. Nang matapos kaming kumain ay agad akong naligo at nag-ayos. Nagbihis ako ng aking med uniform na all-white. Simpleng suklay lang ng aking straight at itim na itim na buhok. Walang foundation or whatsoever. Pulbo lang saka ko inilagay ang eyeglasses kong 500-500 ang grado. Sobrang labo ng mata ko I know. Dulot yan ng pag-aaral ko kahit gabi na madilim na.

Dumiretso agad ako sa sala para magreview. Alas-syete pa lang naman ng umaga kaya may 3 oras pa akong review time para mamaster ko na yung quizzes mamaya.

"Oh, ba't ang aga mo ata nagbihis? May lakad ka ba before ng class mo?" Tanong ni Kyla na busy manood ng tv, hindi pa naliligo at tamad na tamad na nakahiga sa sofa.

"Wala. Magsscan nga ako, para wala na akong makalimutan mamaya sa quizzes." Sabi ko sabay wagayway ng mga hand-outs kong ubod ng kapal.

Biglang tumunog ang doorbell ng bahay. Nagkatinginan kami ni Kyla at parehas kaming nagtataka kung sino iyon. Tumayo siya para tignan kung sino ang nagdoorbell at ako naman ay ibinalik ang pansin ko sa aking mga hand-outs.

"Putang inaaaaa!" Sigaw ni Kyla na siyang ikinagulat ko.

"Hoy Kyla! Bakit? Anong meron?!" Tanong ko habang siya naman ay tulala na nakadungaw sa bintana.

Sa sobrang curious ko ay dali-dali akong pumunta sa may entrance para buksan ang pinto. Hindi naman siguro mamamatay-tao yung nasa labas dahil panigurado hindi matititigan yun ng matagal ni Kyla kung ganoon.

Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaking maputi at matikas ang katawan sa kanyang white fit long sleeves na polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko, nakapamulsa sa kaniyang red jeans na bumagay naman sa kanyang top sider, naka-Ray Ban shades pa siya habang naka-earphones at nakasandal sa kanyang Audi. Nanatili ang titig ko sakanya hanggang alisin niya ang kanyang shades at kitang-kita ang kanyang mga mapupungay na matang nakatuon lang sa akin.

Fuck. This guy is really, damn hot.

Bumalik din ako sa aking katinuan matapos ko siyang sabihan sa isip ko na sobrang hot siya. Kumunot ang noo ko nang sasalubungin ko siya sa labas ng gate.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon