Chapter 12 - His Margaret

33 0 0
                                    

“Tara na, uwi na tayo?” Ngiting sabi ni Jethro sa akin. Halatang inenjoy niya yung date namin dito sa seaside. Napaka-peaceful kasi ng dating panoorin ang sunset dito. Hindi na din siya natigil kakaasar sa akin dahil sa pagiging baguhan ko sa mga PDA things, eh hindi naman dapat minamaster yung ganon. Palibhasa chickboy dati.

“Mabuti pa nga.” Sabi ko saka tumayo pero bigla akong hinila ulit pababa ni Jethro mula sa aking pagkakatayo.

“Uy bakit!?” Gulat kong tanong sakanya.

Inialis niya ang salamin ko ng dahan-dahan kaya sobrang naguluhan ako sa ginawa niya. Ano na naman trip neto? Salamin ko naman ang pinakialaman?


“Ang ganda mo.” Bulong niya.

“Alam ko yun.” Natatawang sabi ko pero ako lang pala ang natawa. Binawi ko agad ang tawa ko dahil nakatingin lang siya sa akin. “Ang weird mo po, Jethro. Akin na nga yang salamin ko.” Sabay abot sa salamin ko kahit malabo ang paningin ko pero iniiwas niya iyon sa akin.

“Alam mo naman pala, edi wag ka na magsalamin.”

What? Iyang salamin na hawak niya na lang ang nagsisilbing mga mata ko. Napakauseless din ng mga mata ko dahil kahit ngayong wala akong suot ang labo na ng vision ko ni Jethro.

“Huh? Kung wala yang salamin ko, malamang hindi ko na makikita yang gwapo mong mukha. Akin na yan ang labo ng paningin k-

“We’ll do something about that.” Aniya saka isinuot ng dahan-dahan ang salamin sa aking dalawang tainga pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

Kung ano lang maisipan nito ni Jethro, parang ewan. Sabay nalang kaming tumayo at dumiretso sa kanyang sasakyan. Gabi na din, medyo mahaba pa ang daan pauwi kaya mas mabuting ngayon na kami aalis.

Sa biyahe naming pauwi’y naramdaman ko bigla ang pagod at antok. Gusto ko na lamang mahiga sa kama ko at sumalampak hanggang mag-umaga. Napatingin sa akin si Jethro nang humikab ako.

“You seem tired. Hindi ka pa kumakain. Saan mo gusto kumain? We’ll stop by.” Sabi ni Jethro habang nakatingin sa dinadaanan pabalik sa akin.

“Okay lang ako, Jeth. Dun nalang ako sa bahay kakain, iuwi mo nalang ako.” Inaantok kong sabi.

Bigla siyang prumeno ng malakas kaya halos mauntog ako dun sa aircon ng sasakyan sa harapan ko. “WHAT THE?” Sigaw ko sa sobrang pagkabigla.

Nakangiti siyang nakabaling sa akin habang ako naman ay tumaas agad ang dugo ko sa sobrang inis sa kanya. Buti nalang talaga nakaseatbelt kaming dalawa, at salamat naman dahil wala kaming kasabay ni kasunod sa daan. Ano bang kalokohan nito at bigla-bigla na naman prumeno? Halos himatayin ako sa sobrang kaba.

“Iuuwi na kita?!” Ngiting-ngiting tanong niya.

“WHAT?”

“Sigurado ka iuuwi na kita?!” Hindi parin maialis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon