Chapter 2 - Clear Intentions

31 1 0
                                    

Malalim na ang gabi at andito pa rin ako sa maingay na bar na pinuntahan ko. Ngayo'y nagsisisi na akong sinamahan ko ang kaibigan ko. Ni-hindi na niya ako binalikan at heto ako ngayon, kasama ang isang lalaking makulit na pilit kinukuha ang atensyon ko.

"Alam mo na lahat tungkol sakin, now will you please leave me alone? Wala ako sa mood." Pagsusungit ko.

"I just can't leave you alone here. Mahirap na, baka may iba pang lumapit sayong masamang tao at baka kung saan ka pa dalhin." Aniya.

No wonder kung siya itong masamang tao na may balak dalhin ako kung saan.

"Tss." Sabi ko habang naghikab. Alas-dose i-medya na ng madaling araw. Kung nasa bahay ako ay dapat tulog na tulog ako sa kama ko ngayon.

Nakangisi siyang nakatitig sa akin habang ako nama'y nakapangalumbaba at nakatitig lang sa kawalan. Kitang-kita ko siya sa aking peripheral view kaya agad ko siyang binalingan ng masamang tingin.

"Why do you stare so much?" Irita kong tanong.

"So cute, so different." Sabi niya.

Para akong namula sa sinabi niya. Ano daw? Cute? Different?!

"What? Kanina interesting, ngayon naman cute? Different? Trip mo ba ako, kuya?"

Tumawa naman siya ng malakas sa sinabi ko. Halatang trip ako neto. This is probably one of the reasons why I hate bars. Jerks everywhere.

"What's so funny? Ganito ba gawain mo gabi-gabi? Ang mang-inis ng mga babae dito sa bar? God, you're pissing me off too much." Hindi ko na mapigilan inis ko.

Bago pa siya makapagsalita'y tumayo na agad ako at lumayo sa inuupuan ko kanina. Dinayo ko na lamang ang dancefloor sa gitna para hanapin ang bestfriend ko nang makauwi na kami.

Nasagi ako ng mga taong nagsisisayaw doon dahil lahat sila'y lasing na lasing nang sumasayaw. Hindi ko maimagine na isang araw ay baka maging ganito ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may humablot sa aking baywang na isang di kilalang lalaki na isinayaw ang kanyang katawan laban sa aking katawan. Pinagpapapalo ko siya gamit ang aking kamay para makawala ako sakanya pero sobrang lakas niya kahit siya'y lasing na.

What the fuck is happening to me?

"Bitiwan mo ko!" Sigaw ko.

Walang pumapansin sa amin dahil abala ang mga taong nakapaligid sa amin sa pagsasayaw.

"Why miss? You don't want this?" Sabi niya saka ginapang ang kamay niya sa aking balakang paibaba.

Naghysterical ang buong katawan ko sa ginawa ng lalaking iyon. Hindi ko namalayan na wala na ako sa kamay nung bastos na iyon nang makita kong nasa sahig siya habang iniinda ang sakit sa kaliwa niyang pisngi. Pagkatapos no'y kinwelyuhan muli ng isang pamilyar na lalaki na naka-tight polo shirt, red pants at topsider. Sinuntok muli nito ang mukha ng lalaking nambastos sa akin kanina.

Nangangatog pa rin ang binti ko sa nangyari sa akin. Ang saklap mabastos. Dapat ang mga babae'y ginagalang. Hindi nila deserve ang bastusin lang.

"Fuck! You're trembling! Let me take you out." Sabi niya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at napatingin ako roon. Walang alinlangan akong sumama sa kanya. Pumunta lang naman ako dito para samahan ang kaibigan ko pero ganito na ang nangyari sa akin.

Nakalabas na kami ng bar habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Hanggang ngayo'y hindi parin ako makapagsalita. First time kong mabastos at alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve iyon.

So Close Yet So Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon