Chapter 1

10.5K 182 4
                                    

Matapos mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ako sa pitong palapag na gusali ng aking inuupahan.

Maayos naman ang unit na kinuha ko rahil afford kona ang ibang malalaking gastusin dahil sa sweldo ko.

Nag hihintay ako ng taxi ng may bumusina sa harap ko isang "2019 tech car na BMW 3 Series IEEE Spectrum".

Si Sir Jax...

Nakatingin lang ako sakanya ngayon, I didn't expect this to happen anong meron sakanya?

Lumabas s'ya sa kotse niya at nilapitan ako.

"Let's go, malalate kana if you'll wait for a cab. May pupuntahan pa tayong meeting," Sambit ni Sir Jax.

Since ako yung secretary niya lagi niya akong kasama sa mga pupuntahan niya lalo na kapag business ang pag-uusapan.

Huminto kame dahil sa stoplight, tinignan ko s'ya at wala siyang necktie.

Sakto nasa bag ko pa yung necktie n'yang naiwan sa akin

Kabit ko nalang mamaya sa office nag d-drive pa naman s'ya.

"Check all of my appointments and cancel them all I have to attend this meeting with my fellow businessmen."

"Ok, Sir," Inilabas ko ang ipad ko at pinag c-cancel lahat ng appointments n'ya.

"And also..." Huminto siya bago nag-salita ulit "Stay by my side, mag paalam ka kung san ka pupunta," Sambit niya na nag-pataas ng kilay ko.

He's acting weird since yesterday. Ano bang nakain nito? O ano bang pinakain nila rito?

"Sir, I think you should practice yourself from being alone sometimes; hindi laging nandito ako. Pag nakahanap ako ng trabaho ay mag-reresign na ako, 'wag po kayong mag-alala babayaran ko lahat ng perang nagastos ninyo sa akin," Sambit ko.

Bigla namang huminto yung kotse niya, pero buti nalang at naka seatbelt.

"May trabaho kana, maganda naman ang sweldo mo sa'kin tapos aalis ka pa?"

"Hindi pa naman ako sigurado, Sir, e; malay mo wala nang tumanggap sa akin na trabaho edi sainyo pa rin ako."

"Imposible, you're smart as fuck..." sambit nya

"Then start hiring a new Secretary po, Sir, " Sambit ko

"Hindi ako sanay..." Napahinto ulit ako "Mamaya tatanga-tanga makuha kong Secretary."

"Ganon din naman ako nung umpisa tatanga-tanga. Nagagalit kapa nga sa akin kapag ang pangit ng ayos ng necktie mo, e."

Natawa ako nang maalala ang panahong nag umpisa akong mag-trabaho bilang sekretarya niya.

"You're different from others Vien..." Bigla siyang tumitig saken habang ako ay hindi na mapakali sa upuan ko rahil sa mga akto niya.

"Sir, malalate na tayo," Sambit ko kaya minaneho niya na ulet ang kaniyang mamahaling sasakyan.

Buong biyahe kameng hindi nag-uusap, hanggang makarating kame sa isang matayog na gusali kung saan gaganapin ang pag-titipon nila ng mga kauri niyang may matataas na posisyon o may-ari ng isang kompanya.

Sabay kaming nag lalakad ni, Sir Jax pero rahil nga sa matangkad siya at mahahaba ang kaniyang mga biyas ay nauuna siya madalas dahil hindi ko talaga siya kayang sabayan sa lakad. Maiikli lang kase ang mga biyas ko.

Buti naman at binagalan niya rahil hinihingal na'ko at ang sakit na ng paltos ko; sinikap kong mag-lakad nang maayos hanggang makarating kame sa isang malaking pinto at binuksan iyon ng dalawang lalakeng nakasuot ng pormal na damit, para maka-pasok kami.

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now