Chapter 4

6.9K 113 2
                                    

Nasa tapat ng isang malaking gusali ay huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

Ang aking mga hakbang ay pabigat nang pabigat habang papalapit sa aking pinupuwestuhan. Mabuti na lamang ay dumating si Fiona at inabutan ako ng mainit na kape.

"Rhea what happened yesterday? Alam mo bang pumunta rito si Sir Joaquin, at pinag susuntok si Sir Jax..." Sambit niya sa akin.

Bakit niya susuntukin ang kaniyang pinaka matalik na kaibigan? Ano ang dahilan ng kanilang pag aaway?

"Talaga? Bakit daw?" Tanong ko.

"Bakit ang aga mong umalis kahapon? Anong nangyari sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo? May nanakit ba sa iyo?"

"Sa labas tayo mag usap mamaya. Ayokong may makarinig ng sasabihin ko."

"Fine, basta sabihin mo, ha. Wala rapat tayong sikreto sa isa't-isa."

"Yes, I will;promise. "

Sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay biglang tumunog ang aking selpon dahilan para huminto kami ni Fiona sa pag-uusap.

"Oh, Keith asan ka na?" Tanong ko.

"Papunta na po ako sa cubicle ninyo, Ma'am;tumawag lang po ako, baka po kase wala pa kayo."

"Sige, nandito lang ako sa cubicle ko, hintayin kita."

"Sige po."

Kasabay nang pag baba ko ng tawag ni Keith ay ang pag dating ni Sir Jax na diretso lamang ang tingin at parang wala pang tulog.

"Hi po, Ma'am," Bati ni Keith nang makarating sa aking puwesto.

"Wag mokong tawaging, Ma'am. Ano kaba hindi moko boss," Sambit ko at napatawad nang mahina "Just call me, Ms. Castro okaya Vientane nalang," Tumango siya bilang pag sang ayon sa gusto kong itawag niya "Tara ipakikilala kita sa magiging Boss mo," Bigla naman akong napahinto nang maalalang hindi pa pala ako handang makipag usap sa kaniya "K-Keith, yung mga application form mo d-dala mo ba?"

"Opo," Sambit niya.

"Ganito, bago ka pumasok kumatok ka muna at mag pakilala ka na bagong Sekretarya niya pag katapos i-abot mo 'tong mga form na hawak mo."

"Sige po, Ms. Castro," Napa buga ako ng malakas na hangin noong umalis siya sa harap ko ngunit ilang minuto lang ang naka lipas at bumalik kaagad siya.

"Ma'am, hindi raw po siya natanggap ng tao kapag wala raw po akong schedule sa kaniya."

Tumayo naman ako at patalikod na umirap sa narinig. Ano ba namang kaartehan yan, Mr. Jayden?

Dalawang beses kong kinatok ang pinto papasok sa kaniyang opisina bago tuluyang pumunta sa loob.

"Good morning, Sir Jax;this is Keith Cruz. She will be your new Secretary," Sambit ko habang naka tingin kay Keith.

"Good morning, Sir Jayden. I promise you that I will never dissapoint you. I will place my heart in this job. I badly need this job because I--"

"Sige, tinatanggap na kita. Keith, you may go. Ms. Castro, stay."

Para saan? Hindi ba puwedeng makinig si Keith sa sasabihin niya? Bakit kelangan kaming dalawa lang?

"What are you doing here? After the filthy thing I have done you're still here?" Tanong niya.

"I will stay here for one month to grant your wish, then after that aalis na ako at hindi na mag papakita sa iyo," Malamig kong sambit.

"I was drunk that day. I hope you will forgive me someday."

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now