Chapter 38

4.9K 78 0
                                    

Lumabas ako para puntahan si Jax nakita ko sya sa swimming pool kasama si Elena at nag hahalikan sila

Biglang tumulo ang luha ko at dali dali akong umalis don

"I'm sorry baby if Mommy keeps on being sad, i think we should get out of this place. Aalis na tayo dito para di na mastress si Mommy huh? Wag kang mag alala sasaya tayo don"

Napag planuhan kong gabi umalis para walang makaalam na umalis ako

Inimpake ko lahat ng damit ko at iilang gamit

Palabas na sana ako ng tawagin ako ni Manang Fe

"Iha san ka pupunta?" tanong nya

"Naiistress lang po ako dito, baka makunan pako aalis nalang ako. Wag nyo nalang po sabihin sakanila, ginagawa ko naman po lahat ng toh para kay baby"

"Hays, mag iingat ka hah. San kaba pupunta iha?"

"Sa dati ko pong tirahan, sige na po aalis na po ako"

"Mag ingat ka lagi ok? Pag may kailangan ka tawagan moko eto ang number ko" ibinigay nya naman ang number nya sakin

"Wag nyo na pong sabihin ang tungkol sakin sakanila, salamat po"

"Sige na iha mag iingat ka"

Nginitian ko sya bago umalis

Kakalimutan ko lahat ng alala ko dito at mag sisimula ng panibagong buhay kasama ang magiging anak ko

Ayokong maging makasarili pero sa tingin ko ito ang tama, nakuha na nya ang loob ni Jax ano pang magagawa ko?

Sorry baby pero hindi na tayo pwedeng mag pakita sa Daddy mo

Jerome's Pov

Nagising ako ng wala sa tabi ko si Vien, agad akong tumayo at lumabas.

Lahat ng kuwarto at kasuloksulukan ng mansyon ay pinuntahan kona

Tinawagan ko rin sya pero hindi nya sinasagot, tinawagan ko din mga magulang nya pero hindi din daw nila alam at wala din naman daw sa bahay nila

"Asan si Vien!?" sigaw ko sa mga katulong dito

"Hindi po namin alam kung nasaan sya" sambit ng katulong

"Fuck!" sigaw ko

Nag lakad lakad ulit ako sa mansyon, nakita ko sila Dad, Jax at Elena na kumakain

"Kumain kana Jex, gisingin mona si Vien--" pinutol ko ang sasabihin ni Dad at nag salita

"Tangin eh paano ako kakain kung nawawala si Vien!?" sigaw ko

Kahit nakaboxer lang ako lumabas ako ng mansyon at pinuntahan lahat ng pwede nyang puntahan

Fuck! Where are you Vien? Please mag pakita ka...

Pumunta ako sa condo nya pero wala din don, halos ikutin kona lahat ng maynila makita lang sya pero wala

Bumalik ako ng mansyon, kasalanan toh ni Elena

"Nandito naba si Vien!?" tanong ko

"Wala" tipid na sambit ni Jax

Dahil sa inis ko ibinato ko yung vase malapit sakanilang dalawa at umalis don

"Argh!"

Asan ka Vien? Please mag pakita ka...

Pumunta ako ng police station para ireport sakanila na nawawala si Vien

Ginawa nila lahat para malaman kung nasaan sya pero wala, wala rin

Halos lahat ng istasyon ay hiningian ko ng tulong pero wala...

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now