Chapter 39

5K 77 0
                                    

Jayden's Pov

Its been 2 years since Vien left us

Bumalik na ulit ako sa trabaho, pinakulong ko si Elena at Khat dahil yun ang nararapat sakanila

Si Joaquin hindi dahil hindi naman nya sadyang mapasama sa plano nayun, minahal nya lang talaga si Vien

Patuloy padin ako sa pag hahanap kay Vien pero wala pa din akong nasasagap na impormasyon

Papunta ako ngayon sa bahay ng mga magulang nya

Pag dating ko doon ay ang Mama nya lang ang nandon

"Tita please asan si Vien?" pag mamakaawa ko

"Hindi ko alam, hayaan nalang natin sya. Siguro naman ligtas sya kung nasaan sya"

"Sana naman po kung alam nyo kung nasaan sya sabihin nyo nalang sakin dahil gusto kong makita ang anak namin"

"Hindi ko nga alam, umalis kana Jax bago ka pa maabutan ng Tatay nya dito"

"Nag mamakaawa ako Tita, please lang po" sambit ko bago umalis doon

Pag uwi ko ng mansyon nilapitan ko si Nanang

"Nang please?" pag mamakaawa ko

"Bakit ba?" tanong nya

"Tawagan mo si Vien please tapos ipakausap mo yung baby..." pag mamakaawa ko

"Hays, oo na basta wag ka mag sasalita hah?"

Tumango naman ako, idinial nya ang number ni Vien at agad nya naman itong sinagot

"Oh Nang bakit po?" tanong ni Vien, iniloud speaker kase ni Nanang kaya naririnig ko

"Kamusta kayo ni Janjan?" tanong ni Nanang sakanya

Pinangalanan nga pala ni Vien ang anak namin na Janzen Rexon Miciano

"Ok lang po kami dito"

"Asan si Janjan nak?"

"Nandito po nag lalaro sa tabi ko"

"Pakausap naman ako nak"

"Baby kausapin ka daw ni Nanang"

"Ilow po" natawa naman ako

"Oh kamusta na ang baby nayan? Mabait kaba kay Mommy?"

"Okey wang po, mabwait poko kiy Mummy"

"Verygood sige na bigay mona kay Mommy ang phone babye i love you"

"wab you two Nanwang"

Diko na napigilan pa at tumulo na ang luha ko

Hindi kopa nakikita ang anak ko, sana naman umuwi kana dito Vien...

Umalis ako doon at pumunta sa kuwarto ko, marami nakong binili para kay baby Janjan para pag umuwi sya dito marami syang magagamit

Nilapitan ko ang teddy bear na ibibigay ko sakanya at niyakap koto

How i wish na si baby Janjan tong teddy bear natoh

Incoming call: Jex

"Oh napatawag ka?" tanong ko

"I knew were to find them" sambit nito

"Talaga!? Saan!?"

"They're in baguio"

"San sa baguio?" tanong ko

"Hindi ko alam, may nakakita daw sakanyang fans nya. Nasa baguio lang daw sya"

"Pumunta nako last month don sa bahay nila noon pero wala naman sya don, ang sabi pa nga ng babaeng nakatira don ay ibinenta daw sakanya yung bahay nayon at lumipat daw ng bahay si Vien at walang sinabi si Vien kung saan sya lilipat, Baka nag daw nangibang bansa nayon eh"

"So paniniwalaan mo yun kesa sa nakakita sakanya? Pumunta kana lang ng baguio ako na bahala sa kompanya"

"Salamat..." sambit ko

"First time kong marinig sayo yan ha..."

"Tss" sambit ko at ibinaba ang tawag

Inilagay ko ang mga damit ko sa bag pati narin yung mga teddy bear na gusto kong ibigay kay baby Janjan

Dali dali akong umalis ng mansyon at nag maneho papuntang baguio

Matapos ang ilang oras na biyahe ay sa wakas nakarating nadin ako sa baguio

Kumuha ako ng condo na mapag i-istayan

How can i find her? Dapat hindi nya malaman na nandito ako dahil baka takbuhan nyako

Mag sisimula nalang ako bukas, mag papahinga na muna ako

Kinabukasan ay nag simula akong mag libot libot

Halos lahat ng pinuntahan namin noon ni Vien ay inikot ko

Nasa mall ako ngayon nabili ng mga jacket at damit, pag ikot ko ng tingin ay parang nakita ko si Vien at may hawak syang bata

Iniwan ko muna ang mga pinamili ko at tumakbo palabas doon

Inikot ikot ko ang paningin ko, punta don, punta dito ang ginagawa ko. Pero wala

Bumalik nalang ulit ako sa binibilhan ko at binayaran na lahat ng pinamili ko

Nakakapagod palang maghanap ng tao, pero syempre pahinga lang ang katapat nyan bukas nalang ulit

Kinabukasan nanaman ay ganon ulit ang ginawa ko, nililibot ko naman nmyung di namin pinuntahan

Pero wala pa rin, halos sa bawat araw na pag lilibot ko wala padin hindi ko padin sya nakikita

Hays, Vien please mag pakita ka naman...

----

"Mummy!" sigaw ni Janjan, 2 yrs old na sya ngayon

Malakas nga talaga ang dugo ng mga Miciano kase banaman kung titignan mo tong si Janjan parang baby edition ni Jax

"Po?" tanong ko

"Pupupo akwo!" tatae daw sya

Binuhat ko naman sya at dinala sa CR

"Cara ipag patuloy mo nga yung niluluto ko!" sigaw ko mula dito sa banyo

"Sige po Ate" sambit nya

"Ambaho naman!" sigaw ko, tawa naman ng tawa si Janjan

"Kaw Mummy mabawho din tae!" sigaw nya

Hay nako, parang si Aron toh si Janjan eh. Panay ang sigaw

Pano kaya pag nakilala na ni Jax si Janjan? Ipag tatabuyan nya siguro kami dahil nandyan na si Elena sa tabi nya

Kamusta na kaya sila sa maynila?

Oo nga pala dito ako nakatira ngayon sa katabing bahay ng bahay namin noon dito sa baguio, ibinenta ko kase iyon tapos ito ang pinalit ko dahil medyo maliit yung bahay namin noon

Wala na din akong komunikasyon kila Mama at Papa kay Nanang Fe lang meron

Medyo nakakapag sisi na ginawa kong iwan sila pero yun ang nakabuti sakin

Sabi ng naging doctor ko muntik na daw talaga akong makunan buti nalang nagawan ko ng paraan

Nag tatrabaho ako ngayon sa isang coffee shop na pag mamay-ari nila Mama dito sa baguio pero hindi nila alam na nag tatrabaho ako sa coffee shop nila dito sa baguio

Lahat ng empleyado kilala ako doon dahil nga alam nilang anak ako ng may ari nun

"Mummy i'm done!" sigaw nya

Marunong syang mag english dahil tinuruan ko, buti nga fast learner toh si Janjan eh di natulad sa Daddy nya na napaka bagal matuto puro basketball kase ang inaatupag noon kaya hindi masyadong nakakapag aral, ginawa pakong tutor nya

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now