Chapter 10

6.3K 89 1
                                    

Nandito ako ngayon sa opisina ni Joaquin tinitignan yung magazine ko

Ang ganda naman ng pag kakagawa ng magazine na toh, binuklat ko iyon at suot ko ang mga bagong damit na inilabas ng J&P ako lang laman nung magazine tas yung ibang page puro tungkol sa akin at ang profile ko

Nailabas na daw yung mga copy nito sa mall itong hawak ko ang origina

"Kanina pa lang inilabas toh pero kalahati na ang nabibili, well i guess we really have a good model here" sambit ni Troy

"Tumaas nga ang sales rating natin eh, as in sobrang umangat" sambit naman ni Joaquin na tutok sa laptop nya

"Yung mga article tungkol sayo Rhea nag kalat na din sa ibang bansa, mamaya ay gagawa ka na ng commercial ready kana ba?" sambit ni Troy

"As always" sambit ko

"Ayan ang gusto ko sayo eh" nginitian ko lang sya

"Hindi ba pwedeng ngayon na?"

"Ikaw kung gusto mo, ano tara?"

"Tara na, gusto ko matapos ng maaga" tumango naman si Troy at nag paalam kami kay Joaquin ngunit sasama daw sya

Ang imo-model ko daw ngayon eh yung mga accessories ng J&P tapos ang gagawan ng commercial eh yung mga skin care products

Bale dalawa ang gagawin ko ngayong araw, sana mabilis matapos

Pumunta na kame sa 5th floor at nag simula sa accessories, madali lang natapos yon at sumunod na ang gagawin kong commercial

Actually dito siguro ako mahihirapan, ipapalabas pa naman toh sa TV

Habang inihahanda yung mga gagamitin ko para sa commercial lumapit muna ako kay Troy

"Uy... Baka mahirapan ako dito tulungan moko ha?"

"Ofcourse manager moko eh syempre tutulungan kita" sambit nya at pinisil ang pisngi ko "Sige na pumunta kana kay Pauline mag paayos ka na" tumango tango naman ako, tinignan ko naman si Joaquin na pinanonood kami ni Troy nakataas ng kilay nginitian ko sya, ibinaba nya ang kilay nya at ngumiti din naman

Ilang minutong pag aayos lang at lumabas na ulit ako, i'm wearing a white semi-formal dress and a dollshoes mukha kong bata

Lahat sila nakatingin sa akin, nakatingin ako kay Joaquin na nakatitig sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay at kumunot naman ang noo nya

Bago mag simula ang pag shoot ng commercial ay nag rehears muna ako ng gagawin ko kasama si Troy, itinuro nya din ang mga gagawin kong action

Mga isang oras siguro kami nag rehears bago mag shoot

Nagsimula na ito at ng matapos ay nag salita ako sa bandang huli

"It's J&P's new girl Rhea Vientane Castor" sabay simle, pak!

Nag palakpakan silang lahat

"You really are good at doing this" sambit ni Troy at niyakap ako, close na kase kami since sya ang manager ko at palagi kaming mag kasama

"Ehem!" pag singit ni Joaquin

"Maiwan ko na kayo may meeting akong pupuntahan see you tomorrow Rhea!"

"Sige see you, mag ingat ka!" ngumiti sa akin si Troy bago ako humarap kay Joaquin "Yes boss?" tanong ko, nagulat ako ng hawakan nya ang mag kabilang pisngi ko at lapitan ang mukha ko ng nakatingin sa mga labi ko

Buti nalang at nag labasan na ang mga tao, napapikit ako

"Sabi ko sayo wag mo kong tatawaging boss, sir, at kung ano pa na parang katulong kita hahalikan talaga kita" sambit nya, dama kona ang mainit nyang hangin sa aking mukha

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now