Chapter 21

4.8K 82 4
                                    

Tinawagan ako ngayon ni Troy may shooting kami ngayon para sa episode 1 ng drama

Inayos kona ang sarili ko at dali daling bumaba ng unit ko, kasama ngayon ni Jax si Aron papakilala nya daw si Aron sa Papa nya

Agad naman kaming nakarating ni Troy sa shooting place isa itong building

Mag rerehears muna kami ng sasabihin namin at kakabisaduhin iyon

Nandito kami sa cafe ng building at nag kakabisado, kaming dalawa palang ngayon ni Klint kase kami muna ang mag shoshoot para sa ep. 1

Nakaramdam ako ng init kaya itinaas ko ang buhok ko, napatingin naman ako kay Klint na nakatingin sa leeg ko

"H-hoy anong tinitingin mo dyan!?" sigaw ko sakanya at tinakpan ang leeg mo

"A kiss mark huh?" sambit nya at umiling iling

"T-that's not what you think so!"

"Grabe kanaman makareact Ms. Vientane? Wala naman akong iniisip ngayon huh?"

"Just shut up, mag kabisado nalang tayo" inirapan ko sya at pababang itinali ang buhok ko para di nila mahalata

Bwiset ka Jax!

Ilang oras din bago kami nag kabisado, bago kami mag shoot inayusan muna ako at binihisan

Unang scene namin ay sa opisina nya, mag aapply ako bilang secretary nya

"Okay ready! Action!" sigaw ni direk

Nagsimula akong mag lakad papunta sa isang malaking pinto, that's what the script says eh

"Ok cut muna!" sigaw ni direk

Pinanood namin yung ginawa ko

"Ok good good! Lets go!" sigaw nya at nag simula ulit kami

"Goodmorning Mr. Lopero i will be your secretary for the rest of your life and i'm Kassandra Initia" sambit ko, yan nga pala pangalan ko dito

Yung character ko dito is makulit na babae at happy go lucky samantalang si Mr. Lopero naman ang kabaliktaran ko

Ilang oras kaming nag shoot ng unang episode bago kami natapos

Sa sobrang init hinubad ko yung blazer na suot ko at itinali yung buhok ko

Nakain kami ngayon ng miryenda

"Rhea is that a kiss mark?" tanong sa akin ni Julia

"H-huh? N-no! Kagat yan ng langgam" pag dadahilan ko

"I wonder what's the name of that ant..."

"What do you mean?" tumawa naman sya ng pag kalakas lakas

"Hay nako Rhea wag ka ng mag sinungaling halata namang chikinini yan oh!" sigaw nya

Nag tinginan naman silang lahat sa akin, tinaasan ko lang naman sila ng kilay

"Vien?" sabay sabay kaming napatingin sa nag salita, oh shit...

"Hi ant!" bati ni Julia kay Jax pero di sya pinansin nito

What the fuck Julia!?

"Aalis nako sabihin mona lang sakanila ok?" bulong ko kay Julia

"Ok, ingat kayo ni langgam" sinamaan konaman ng tingin si Julia at dali daling hinila palabas doon si Jax

"Bat ako tinawag na langgam nung babae?" tanong nya

"H-hah? Ewan ko, tara na. Asan si Aron?"

"Nasa opisina ko binabantayan sya ni Keith"

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now