Chapter 26

4.4K 97 3
                                    

Tapos na ang drama at balik nanaman ako sa pag momodel ng mga produkto

Marami ulit nag aalok sa akin kaya hindi ako naboboring, tuwing free time ko naman nag tetest drive ako

Lagi akong busy at walang inatupag kundi ang trabaho ko

Tapos na ang bahay na ipinagawa ko kila Mama dito sa manila kaya pupuntahan ko sila sa baguio ngayon tutal wala naman akong gagawin buong araw

Hindi nako bumili ng kotse dahil in-endorsan ako ni Mr. Tsui

Hindi nga pala nila alam na pupuntahan ko sila dahil ang gusto ko ay supresahin sila

Ilang oras din akong nag biyahe bago pumunta don, walang kain kain bahala na

Pag dating ko sa bahay nila ay agad ko itong kinatok, bigla naman itong bumukas

"Vien!" sigaw ni Mama

"Ma asan si Papa?" tanong ko

"Namalengke lang sya saglit, bat ka napabisita? Bat di ka manlang nag sabi?" niyakap ko si Mama at umiyak "Oh bat ka umiiyak?"

"M-ma kinuha na si Aron ng tunay nyang magulang, t-tapos nakipag break sakin si Jax..."

"Teka... Naging kayo ni Jax?"

"O-opo..."

"Bat kayo nag hiwalay? Atsaka si Aron maayos ba ang kalagayan nya?"

"Pagod na daw sya Ma, parati nalang daw kaming nag aaway... Si Aron naman maayos ang kalagayan nya nasa mayaman syang pamilya..."

"Alam nyo hindi sulusyon ang pag hihiwalay, kung mag aaway kayo dapat gumawa kayo ng paraan. Hindi lang dapat iisa ang nagawa ng paraan subukan mo ding gumawa ng paraan"

"Eh kase naman Ma masyado na syang seloso..."

"Syempre mahal ka eh, mag taka ka kung di yun nag seselos..."

"Atsaka kung mahal nyako hindi nyako iiwan bigla bigla gagawa sya ng paraan..."

"Nak eto tandaan mo hindi lang naman dapat sya ang gumawa ng paraan gumawa ka din ng paraan... Ganon naman pag nag mamahal eh nasasaktan, boring ang relasyon kapag walang away ok? Ayusin nyo yan... Nako hindi na kayo bata"

Siguro nga tama si Mama, dapat gumawa rin ako ng paraan kung ayaw kong tuluyan kaming mag kahiwalayan

"Ma mag impake na kayo ng mga gamit nyo wag nyo na dalhin yung mga gamit rito sa bahay gamit nyo nalang"

"Huh? Bakit naman?"

"Sabi ko naman sainyo dadalhin ko kayo sa maynila at ipapatayo ng bahay, so ayun nga pinagawa ko kayo ng bahay at tapos na sya. May mga gamit na rin kaya gamit nyo nalang ang dalhin nyo ok?"

"T-talaga Vien?" gulat na tanong ni Mama

"Opo Ma... Bilisan nyo na para makita nyo na ang bagong bahay nyo"

"Sige mag iimpake nako ng mga gamit namin, pumasok ka na muna"

Pumasok naman ako, naalala ko yung unang bonding namin nila Jax at Aron. Napaka saya naming tatlo nung araw na yon...

"Ok naba Ma? Wala na kayong naiwan?" tanong ko sakanilang dalawa

"Wala na, tara na" sambit ni Mama

Excited silang makita yung bagong bahay nila kayo ayon hindi na kami kumain sa maynila nalang daw kami kumain

Ilang oras na biyahe at gabi na kami nakarating ng maynila

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now