Chapter 11

5.9K 105 1
                                    

Makalipas ang ilang araw at sabado na ngayon, namimili ako ng mga pasalubong ngayon

Mag isa lang akong pupunta don, nag dadalawang isip ako kung saan ako sasakay

Diko alam pero kinakabahan ako ngayon, matapos kong bumili ay bumalik ako sa condominuim ko

Mag b-bus nalang ako papunta don, matapos kunin ang iilang gamit ko ay pumunta ako sa istasyon ng bus

Habang nag hihintay ako ay may biglang lumapit sa akin

"Rhea Vientane Castro!!" sigaw nya, nanlaki naman ang mata ko. Nakita kong madaming nag lalapitan sa akin

"Pa-picture naman po kami!"

"Pa autograph!"

Paulit ulit nila yung binabanggit pero panay lang ako takip ng mukha ko, hanggang sa hilahin nako ng isa

"Pa-picture idol"

Napapaligiran na nila akong lahat at pinag kakaguluhan, pesteng yawa! Kailangan kona yata matutong mag drive hindi naman ako dapat na umasa sa iba at mag pa hatid papunta don napaka layo non

"Sorry, pwede bang lumayo muna kayo" pag mamakaawa ko

"Pa-picture lang naman kami tapos aalis na kami"

"Kaya nga!"

"Pa autograph naman po ako"

Nag simula nanaman silang mag ingay, may humila sa akin kaya agad akomg napatingin dito

Si Jax...

"Pwede ba matuto naman kayo ng respeto! Di purket sikat yung tao pag kakaguluhan nyo!" sigaw ni Jax sakanila

Nakahawak sa forearm ko si Jax, anong ginagawa nya dito?

"Bakit ano mo ba si Ms. Rhea!?" sigaw nung lalake

"Girlfriend ko bakit?" napanganga silang lahat pati narin ako

Shit! Baka ma-issue ako

Binuhat nya ang mga gamit ko at hinila ako palabas sa istasyon nayon

"Uy san moko dadalhin?" tanong ko

"Pwede ba wag ka munang mag salita" ibinaba nya ang mga gamit ko at hinubad yung coat nya tapos isinuot iyon sa akin at tinanggal ang pag kaka ponytail ng buhok ko bago ginulo iyon "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bat di ka manlang nag disguise? Alam monamang sikat ka diba" inaayos nya ang buhok ko ngayon at itinatakip ito sa buong mukha ko

Nakatingin lang ako sakanya, binuhat nya ulit ang gamit ko at hinila nanaman ako

Dinala nya ako sa isang parkingan at ipinasok ang mga gamit ko sa kotse nyang bago, malaki ito at kasya ang limang tao

"Pumasok kana ihahatid kita kung saan ka pupunta"

"Pero malayo yon" sambit ko

"Wala akong pake, alam kona kung saan ka pupunta" sambit nya "Pumasok kana" sinunod ko naman sya, mag iinarte pa ba ako? Wala nakong choice

Binuksan nya ang makina ng kotse nya bago ito pinaandar

Tahimik lang kami sa biyahe, inayos ko ang buhok ko at itinali ito

"Pano mo nalaman na nandon ako?" tanong ko

"Naririnig ko yung mga sigawan ng tao na may sikat sa loob ng istasyon ng bus na pinag kakaguluhan kaya pumunta ako, tapos nakita kita na pinapaligiran nila kaya hinila agad kita"

"Pero bat mo sinabing girlfriend moko?"

"Para manahimik sila, naiinis ako sa ingay nila"

"Hindi mo ba alam na baka ipagkalat nila yun at ma-issue tayo?"

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now