Chapter 13

5.7K 90 1
                                    

Iniwas ko agad ang tingin ko at nag patuloy sa pag huhugas

"This may sound so awkward but I think I like you" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya

"Hahaha siguro inaantok ka lang sige na matulog kana ako na bahala dito"

"Hindi pako inaantok, atsaka sabi ko 'I think' hindi pako sigurado sa nararamdaman ko"

"Ah..." nakakabinging katahimikan ang bumungad sa amin hanggang sa matapos na kame

"Momwy?" tinignan ko si Aron na nag kukusot ng mata

"Bakit baby?"

"Pwede po bang akong tuwabi sainyo ni Dadwy?"

"Hah--ah oo naman, sige tara na" sambit ko at binuhat sya, sumunod naman sa amin si Jax

"Eto yung gift ni Mommy sayo baby" inilabas ko sa isang box yung laruan na puro kotse

"Wow Momwy ang ganda naman neto!" yinakap ko sya at kiniss sa pisngi "Ikaw Dadwy ano wegalo mo sakin?"

"Hah--ah eh... Pwede bukas nalang baby?" natatarantang tanong ni Jax

"Opo Dadwy!" lumapit sya kay Jax at niyakap ito

"Do you love your Dad already?" tanong ni Jax

"Opo"

Marunong umintindi si Aron ng english dahil tinuruan ko sya nung mga 2 years old pa lang sya 4 years old na kasi sya ngayon

"Daddy love you too..." nag yakapan naman yung dalawa

Hindi ko mapigilang mapangiti, ganto siguro kapag naging Tatay na si Jax

Matutulog na sana ako ng yakapin ako ni Aron

"Momwy tabi kayo ni Dadwy pwease... Ako sa ginta Momwy pwease..." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya

Napa kamot naman sa batok si Jax, ano pa bang magagawa ko? Isang buwan din akong hindi bumisita dito pag bibigyan kona yung bata since uuwi na kami bukas

Ipinag dikit ko yung dalawang banig at dalawang comforter habang si Jax buhat buhat si Aron

"Sige na mahiga na kayo" ibinaba ni Jax si Aron at nahiga na ito "Hindi kaba mag papalit Jax?" tanong ko

"Wala naman akong extra"

"Wait may XL akong t-shirt dito" hinanap ko iyon at ibinigay kay Jax

Nag hubad sya sa harap ko at isinuot ito, agad akong humiga at niyakap si Aron na nakatulog agad

Ipinikit kona ang mata ko at natulog

Nagising ako sa sinag ng araw na dumaloy sa mga mukha ko

May yakap ako pero malaki ito, teka...

Agad akong napa tayo at nakitang si Jax ang kayakap ko

SHIT!

Agad akong tumakbo palabas at hinanap si Aron

"Ma si Aron?" tanong ko

"Lumabas kasama Papa mo bibili silang tinapay at strawberry jam"

"Ah" umupo ako sa sofa at binuksan ang TV "Uuwi na kami mamaya Ma"

"Alam ko, napaka daming binigay samin ni Jax nak mas marami pa sayo"

"Ah so gusto nyo damihan ko sa susunod, sige"

"Hahaha joke lang, ambait pala ni Jax noh?"

Hindi ko iyon pinansin at nag patuloy sa panonood sa TV, nakita ko naman yung commercial ko

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now