Chapter 3

7.5K 129 4
                                    

Binuksan ang kaniyang pintuan para siya'y maka labas at maka lapit sa akin upang ako'y kausapin.

"Hey, what happened to you? Bakit namamaga ang mata mo?" Tanong ni Sir Joaquin nang ma lapit sa akin.

"S-Sir, pwede n'yo po ba akong ihatid sa tinutuluyan ko? Ituturo ko nalang po ang daan," Sambit ko.

"Oo naman, tara?" Tumango ako at pinagbuksan niya ng pinto.

Habang nag lalakbay papunta sa aking tirahan ay walang umiimik sa amin ngunit bigla siyang nag tanong.

"Ba't ganiyan ang suot mo? Panlalaki yan, a..." Agad akong kinabahan at nag isip ng palusot.

Sasabihin ko ba sakaniya o hindi? Mas mabuti bang manahimik o sabihin ang nararamdaman mo?

"N-Natapunan po kase ako ng kape kaya pinahiram muna ako ni Sir Jax ng maisusuot, e wala siyang pambabaeng damit sa opisina kaya ibinigay niya ito sa akin."

"Pero ba't ka umiiyak? Did someone harm you?"

"W-Wala po, Sir! 'Wag niyo na po akong pansinin; ayos lang talaga ako," Sambit ko at nginitian siya ngunit hindi siya nag padala sa mga salita ko.

"No, tell me what happened to you, Rhea? May ginawa ba sayo si Jax? Sinaktan ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong niya.

"W-Wala nga po; ba't naman po ako gagawan nang masama ni Sir Jax? Mabait naman po siya at isa pa kaibigan mo siya alam mong hindi niya kayang gumawa ng kung anong kasamaan."

Totoong mabait si Sir Jax. Hindi ko lang alam kung bakit niya nagawa iyon. Marunong naman akong mag patawad ngunit hindi ako marunong makalimot. Mananatiling nakatatak sa isip ko ang kalaswaan ginawa niya. Oo, nakainom siya pero hindi ba dapat ay hindi nalang siya pumasok sa trabaho? Anong nangyari bakit niya nagawa iyon?

"E, bakit ka naiyak? 'Wag mong itanggi na umiyak ka halatang halata sa mata mo, o namamaga," Turo niya sa aking mga mata.

"A-Ang init po kase nung kape," Pag sisinungaling ko na mukang nag padala sa kaniya rahil bigla siyang natahimik.

Nang makarating sa aking apartment na inuupahan ay nag pasalamat ako at lalabas na sana ngunit pinigilan niya ako.

"It is important to let those emotions out, Rhea or it will keep you up at night in distress; sabihin mo lang sa akin kapag may ginawa sa'yong hindi maganda si Jax, okay? 'Wag kang mahiya nandito lang ako parati. May number naman ako sayo hindi ba? I text mo nalang ako kapag may kailangan ka rahil ako ang bahala sa'yo, okay?" Ngumiti ako bago siya tanguan at mag paalam na papasok na sa loob ng aking tirahan

Pagka pasok ay agad akong nag babad sa tubig habang umiiyak dahil sa hindi kapani-paniwalang pangyayari kanina.

Hindi ko magawang mag tanim ng galit. Bakit? Dahil ba sa pamilya niyang kumupkop at nag palaki sa akin? O dahil naging malapit na sa akin si Sir Jax at hindi ako makapaniwala ng nagawa niya iyon?

Joaquin's Pov

I'm on my way to the Miciano's building. I need to know what happened to her.

I need to talk to Jax; alam kong may ginawa siya kay, Rhea. Hindi naman ako tanga para maniwalang iiyak siya rahil lang sa natapunan siya ng kape.

Nang makarating ako sa building nila ay dire-diretso akong pumasok doon. Panay ang bati nila sa akin lalong lalo na ang mga babae ngunit wala akong panahon para pansinin sila.

Padabog kong binuksan ang pinto ng kaniyang opisina at sinuntok siya pag kalapit ko sakaniya. Dumugo ang kaniyang ilong ngunit pinunasan niya lang iyon at ipinatong ang ulo sa likod ng kaniyang inuupuan.

Jax Miciano's Secretary Where stories live. Discover now