"I'M okay now. Puwede ka ng matulog," pagpapalayas ni Julienne kay Axel. Pero sa halip na sundin ang babae, nanatiling nakaupo si Axel sa kama. Hindi niya gustong pabayaan si Julienne.
"Alas-onse na ng gabi, Axel. Hindi ka pa ba inaantok? Considering you have a long day..."
Nagkibit-balikat si Axel. "Alam ko."
Naging mahaba nga iyon. Sa buong maghapon ay walang ginawa si Axel kundi ang libutin ang buong Isla Azul na para bang sa pamamagitan noon ay matatahimik siya. Hindi niya gustong manatili sa villa dahil naroroon si Julienne. Kahit papaano naman kasi ay ayaw niyang sayangin ang bakasyon niya. Ginawa niya ito para makahanap ng katahimikan na malayong-malayo sa nararamdaman niya kapag si Julienne ay nasa tabi.
Sa pag-alis niya ng isla ay kung anu-anong ginawa niya: inikot ng limang beses ang isla, umakyat sa mga puno at ang huli: naglangoy hanggang sa mapagod siya. Madilim na ang paligid nang bumalik siya at makita niya si Julienne sa hindi kaaya-ayang kalagayan. Sa sobrang pag-aalala nito sa kanya, nanginginig na ito.
Ngayon ay ramdam niya pa rin ang epekto noon. Somehow, apektado si Axel. Para sa kanya, hindi pa rin maganda ang lagay ni Julienne. Ang gusto niyang isipin kaya hindi niya gustong iwanan ito.
"Hayaan mo na lamang ako rito. Hindi rin naman ako makakatulog sa baba." Dahilan ni Axel.
May pagkatotoo rin naman ang dahilan ni Axel. Kagabi ay hindi niya sigurado kung nakatulog nga talaga siya. It was still a shock to him that he was stuck in the island with Julienne. Yes, he dreamed of it once. Pero isa siyang lalaki na namumuhay sa realidad. Alam niya na imposibleng mangyari. Hindi sila magkasundo. Ramdam niya na hindi ang maganda ang damdamin nito sa kanya. Hindi rin naman niya ito masisisi. Pero sadyang may gustong patunayan ang tadhana sa kanya: everything is possible.
Tinitigan ni Julienne si Axel. Pagkatapos ay nahihiyang yumuko ito. Tumayo ito sa kama. "I'm sorry. Alam ko na nahirapan ka siguro kagabi. Hindi komportable doon. Ako na lang---"
"Yeah. Pero hindi ko rin naman gusto na pagdaanan mo ang pinagdaanan ko kagabi."
"I'm sure I will be fine." Insist pa ni Julienne. Nagsimula na itong maglakad palabas ng kuwarto. Simula nang makita niya ito na nanginginig sa pag-aalala sa kanya, hindi niya gusto itong maiwan na mag-isa. Kaya ito siya, hanggang sa oras ng pagtulog ay gustong bantayan pa rin ito. Hindi rin naman ito nagreklamo noong una, hanggang sa ngayon. Nahimasmasan na yata ito.
"I don't think so." Sinubukan ni Axel na maging kampante. Ito na ang huling gabi nila sa Isla Azul. Kailangan niya gumawa ng paraan para kahit papaano ay maging memorable ang muli nilang pagkikita ni Julienne kahit na ba aksidente iyon. Gusto niyang irespeto noong una at balewalain na lamang ang lahat. But having Julienne in his arms again made him think twice. Pinag-isip rin siya noon kung itutuloy ba niya ang panunuyo muli rito. Kailangan niya ito at ngayon ay may isang bagay pa rin siyang napagtanto sa pagyakap lang at pagkita niyang pag-alala nito sa kanya.
He still wanted her more than ever.
Tinaasan ni Julienne ng isang kilay si Axel.
"May daga sa baba." Hindi niya sigurado kung mayroon nga pero naisip ni Axel na sabihin iyon para hindi niya mapaalis si Julienne sa kanyang tabi. Lihim na napangisi siya. Hah, that was the good thing about knowing so much a person. Puwedeng i-blackmail.
Nanlaki ang mga mata ni Julienne. Takot ito sa daga.
"Medyo kinabahan nga ako kagabi kasi may nakita akong isa na umakyat rito." Kasabay nang pagsabi ni Axel nang mga salitang iyon, may umigik sa kung saan malapit sa kanila.
Sumigaw si Julienne. Sa takot rin nito ay napayakap ito sa kanya. Dahil kahit si Axel ay nagulat rin dahil hindi naman niya inaasahan na may iigik sa malapit na parang daga, na-out of balance siya. Mabuti na lang at nasa likod siya ng kama. Sinambot ng kama ang likod niya at dahil nakakapit sa kanya si Julienne, nakapatong tuloy ito sa kanya nang malaglag siya. Doon niya masasabing nasaktan siya. Medyo mabigat ang kamay ng babae.
"Ouch," nasabi ni Axel. Sumikip ang dibdib niya sa pagkakadagan sa kanya ni Julienne.
Napakagat-labi si Julienne. Akmang aalis na ito sa pagkakadagan sa kanya nang may umigik muli. Naka-ilan iyon at sa bawat pag-igik ay kasunod ang bawat pag-irit ni Julienne. Pinigilan ni Axel ang pagtawa. Naging madali rin naman iyon dahil nasasaktan siya lalo na at ang mga sumunod ay may kasunod ng paghampas ni Julienne.
"Ouch, ouch!" mabigat ang kamay ni Julienne.
"Axel, paalisin mo ang daga, please! Ayaw ko sa daga!"
"Aalis rin sila. Pero hindi yata kaagad ang sakit ng hampas mo sa akin," patuloy pa rin siyang hinampas ni Julienne. Napangiwi na si Axel. "Hindi ako ang daga, Baby Yen..."
Natigilan si Julienne. Tumigil rin naman ang sunod-sunod na pag-igik. Namula ito maya-maya. Napaisip tuloy si Axel. Was it because of what he called her?
But Goddamn it...he missed those times. He missed calling someone Baby. Tanging kay Julienne at kay Julia niya lamang ginagamit ang mga iyon.
He missed his family. Masasabi man na naging mas matagumpay siya ngayon kaysa noon pero iba pa rin ang pakiramdam. Matagumpay nga siya pero kung wala naman sina Julienne at Julia sa buhay niya? Parang wala rin ang lahat ng kanyang pagsusumikap.
Nandiyan naman ang kanyang Lolo at ganoon rin si Maya---ang naging nobya niya sa nakaraang dalawang taon. Pero walang kahit sino ang nagbigay sa kanya ng contentment sa buhay na mayroon siya nang nasa tabi niya si Julienne at Julia.
Wala na si Julia...pero nandoon pa si Julienne. Itutuloy ba ang unang plano niya? Ang dahilan kung bakit nagpakita muli siya kay Julienne? Isang dahilan na napunta sa mga ganitong bagay.
Gusto ni Axel na maging buo at makontento muli. At sa tingin niya, ang babaeng kasama niya ngayon ang makakapagbigay noon sa kanya. Kung sa sarili niya, hindi naman siya ganoon na nagmamadali. Pero ang kanyang Lolo Fidel...tila nagmamadali na ang kamatayan sa buhay nito. May mga bagay na hinihiling ito para sa kanya. At sa bagay na iyon ay nabigo ang inisip niya na perpektong babae para sa kanya: si Maya. Pero hindi si Julienne. Kahit sinasabi nila nila na isang pagkakamali niya ito noon, hindi ganoon ang kanyang tingin. But if she was a mistake, she was the best and beautiful mistake of his life.
Si Julienne lang rin ang babaeng sa totoo lang ay mas naiisip niya na pinakamagandang kandidato kaysa kay Maya para sa kagustuhan ng kanyang Lolo Fidel.
Makakaya ba niya na kuhanin ang gabing iyon para sa kanyang plano? If it just his decision, he surely can. Unang sulyap pa lamang niya kay Julienne ay nag-iinit na siya. The heat flares when he touched her. Pero gusto ba iyon ni Julienne? Kung gagawa siya ng paraan...makakuha kaya siya ng response mula kay Julienne?
"I'm sorry..." yumuko si Julienne, itinatago ang mga inosenteng mata nito mula sa kanya na siyang una niyang nagustuhan rito.
"Are you really?" hinawakan ni Axel ang baba ni Julienne para masalubong niya ang magagandang mata na iyon. May init na pumuno sa kanyang puso.
Sinalubong ni Julienne ang mata ni Axel. "A-anong maaari kong gawin para makabawi sa 'yo?"
Ngumisi si Axel. That question was his cue. Sinubukan niya na pagbigyan ang sarili at subukan na malaman ang mga sagot sa kanyang mga katanungan.
Axel tried to reach Julienne out and kissed her.