11. Responsible

10.6K 165 7
                                    

"HINDI maaaring mangyari sa anak ko ito!" ang boses na iyon ng Mommy ni Julienne ang bumungad sa kanya ng magkamalay. Nagtaka kaagad si Julienne kung bakit. Nasa business trip ito ang Daddy niya dapat. Nang magmulat siya ay nasilip niya na nasa likod ito ng green na kurtina. Nasa harap ng mga ito si Axel.

Green na kurtina? Pinagtakahan rin ni Julienne kung bakit may ganoon. Nasaan ba siya? Inalala niya ang huling nangyari. Nahimatay siya. Nasa ospital ba siya ngayon?

Ngunit minabuti muna ni Julienne na pakinggan ang usapan bago magtanong.

Yumakap ang Mommy ni Julienne sa kanyang Daddy. "Napakabata pa ni Julienne. Ginawa naman namin ang lahat para sa kanya. Prinotektahan siya...."

"Ginago mo ang anak namin!" dinuro ng Daddy ni Julienne si Axel.

Hindi mabasa ni Julienne ang reaksyon ni Axel. Pero mahinahon an naging pagsalubong nito sa kanyang galit na magulang. "Naiintindihan ko naman po. Pero pananagutan ko po si Julienne..."

"Pananagutan? Paano?! Napakabata mo pa. Napakabata pa rin ng anak ko! She's just seventeen years old for God's sake!" nangagalaiti ang boses ng ama. "Ni hindi namin alam na may boyfriend pala siya. Pagkatapos ay gugulatin mo kami ng ganito?"

"Puwede naman po kaming magpakasal kapag nag-eighteen na siya---"

Doon na hindi napigilan ni Julienne na umeksena. Magpakasal? Anong sinasabi ni Axel?

"Mommy? Daddy?" ginusto muna niyang tawagin ang mga magulang. Sa tingin niya ay mas kailangan niya ang mga ito sa tila napakagulong sitwasyon.

Tumingin ang tatlo sa kanya. Madilim na madilim ang mukha nito, lalo na ang Mommy niya. Namumula pa ang mga mata nito. "Hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon, Anton..."

Tumango ang kanyang ama. "Naiintindihan ko. Pero kailangan nating ipaliwanag---"

Tumikhim si Axel. "Ako na po ang bahala."

Matamang tinitigan ng mga magulang si Axel. Umismid ang kanyang ina pero umalis rin. Lumapit sa kanya si Axel.

Hinawakan ni Axel ang kamay niya. "Kumusta ka na?"

Sinagot ni Julienne ang tanong. Nawala na ang sama ng pakiramdam niya kanina. Siguro ay dahil sa pagkawala niya ng malay ay nakapagpahinga rin siya. "Anong nangyayari? Bakit nandito sina Mommy at Daddy? Nasa Batangas sila para sa isang business trip..."

"Tinawagan ko sila. You scared me. As of nangyari...I feel responsible for this."

"Responsible for what?"

Sinalubong ni Axel ang mata niya. "You're pregnant, Yen. One month."

Nanlaki ang mata ni Julienne. Naiisip niya na maaaring mangyari nga iyon pero nabigla pa rin siya. "Imposible. Gumamit ka naman ng---"

"The condom broke. Hindi ko na sinabi sa 'yo dahil naisip ko rin na imposible. You were a virgin. Minsan ay nabasa ko na kapag unang beses ay hindi naman talaga makakabuo. But then, chances are..."

Napaiyak si Julienne. "Oh God..." ngayon niya naintindihan ang mga magulang. She was a failure!

Niyakap siya ni Axel. "Don't cry. Makakayanan natin ito."

"Napakabata ko pa, Axel..." napaiyak pa rin si Julienne.

"Hush." Hinagod-hagod pa ni Axel ang likod niya. "I'll be here for you..."

Humihikbing tumingin si Julienne kay Axel. Sumandig siya sa dibdib nito. Hinalikan ni Axel ang kanyang ulo. "We're on this together. Hindi kita pababayaan."

Naging malaking pasabog kay Julienne ang mga nalaman. Natakot siya. Pero sa mga sinabi at ginawang iyon ni Axel, nagkaroon siya ng lakas ng loob para sa bukas.

The Past: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon