Present, One Month Later
NAGING mabagal para kay Julienne ang nagdaan na buwan. Paano ay medyo mahirap rin iyon. Nang makabalik sa Maynila, nagtampo siya sa mga kasamahan. Pero sa halip na mag-sorry, puro panloloko pa ang narinig ni Julienne sa mga staff at kahit sa direktor.
"Ayaw mo noon? May nakasama kang hot na lalaki sa isang isla? Pangarap ko 'yun uy!" tudyo pa kay Julienne.
"Oo nga. Saka hindi lang guwapo si Mr. Aguillera. Mayaman pa rin siya. Sa kanya kaya ang Isla Azul. Kung ako sa 'yo Juls, inakit at ginapang ko na iyon." Humagikgik pa ang isang babae.
Pinaikutan ni Julienne ng mata ang dalawa. Kung alam lang siguro ng mga ito kung anong nangyari, baka puro hampas sa kire ang nakuha niya mula sa mga ito.
Tanging ang napala na paliwanag ni Julienne sa mga staff na paliwanag kung bakit ganoon ay ang rason na nalimutan siya. Hindi niya gustong maniwala. Nang kausapin niya ang direktor, doon siya naliwanagan.
"Nang una akong kausapin ni Mr. Aguillera, tinanong ka niya sa akin, Julienne."
Tinaasan ng isang kilay ni Julienne ang director. Kaya ba nag-sponsor si Axel sa LBSOM ay dahil sa kanya? Dahil gusto siya nitong makita? Ang lahat ba ng nangyari sa Isla Azul ay plano nito?
"Mukhang gusto ka niya. Kilala mo ba siya?"
"I don't think na kailangan pa natin na ungkatin ang personal na buhay ko. Ano ba talagang totoong nangyari? May kinalaman ba si Axel kaya ako naiwan sa isla? Sinadya ba ang lahat?"
Umiling ang director. "Nalimutan ka nila. Pero hindi ako at si Reigna,"
Nagdilim ang mukha ni Julienne. "Kung ganoon...bakit hindi niyo ako ginising?"
Ngumisi ang director. "Alam ko na darating si Mr. Aguillera pagkatapos ng pagbisita natin sa isla. Naisip ko lang na gumawa ng something funny. But not really funny. Romantic. Alam ko naman na mabait si Mr. Aguillera kaya hindi ka niya papabayaan. So sinubukan kong i-set up ka. Kayo. Iniwan kita sa isla para naman kahit papaano magkaroon ng kinang ang buhay mo. Mukhang gusto ka rin naman niya. Maganda iyon lalo na at palagi ka namin na inaalala. Ang tigas mo kasi, Julienne."
Dahil sa dahilan ng boss, nag-resign si Julienne. It was a very lame excuse! Hindi niya mapapatawad iyon.
Naghanap si Julienne ng bagong trabaho. Dahil hindi naman in demand ang trabaho niya, nahirapan siya. Isama pa na hindi ba niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya na parang may kung anong sumusunod sa kanya. Nagiging paranoid siya at inisip niya na nawawala siya sa sarili. Nitong nakaraan ay parang palagi rin siyang may sakit. Inaantok siya palagi at walang gana. Parang may mali sa kanya na hindi niya maintindihan kaya hindi siya makapag-concentrate. Pero luckily, nakahanap rin naman siya. Sa ngayon ay dalawang araw na siyang nagtuturo sa maliit pero mukhang maayos naman na ballet school na iyon sa Pasay.
Mababait naman ang bata, ganoon rin ang isang kasamahan na guro ni Julienne. Kaagad na nagustuhan niya ang mga tao. Na-welcome kaagad siya ng mga ito. Pakiramdam ni Julienne ay malapit na kaagad siya sa mga bata kahit dalawang araw pa lamang siyang nagtatrabaho.
May nakita na kaagad si Julienne na "bet" niyang estudyante kagaya ni Mylene. Pitong taong gulang rin si Precy at kagaya ng paborito sa LBSOM, napaka-sweet rin nito. Ngayong araw ay na-late ang sundo nito. Bilang teacher, kinailangan niyang isipin ang welfare ng kanyang estudyante. Hindi rin siya umuuwi hangga't hindi pa nakakauwi ang lahat ng estudyante niya.
"Teacher, teacher! Puwede ba kita pakitaan ng sayaw habang nag-aantay?"
"Sure!" bibong sagot naman ni Julienne. Pagkatapos ng lahat, iyon naman talaga ang gawain niya: ang pagalingin at gabayan ang mga estudyante niya.
May sariling stage ang bagong school. Umakyat doon si Precy. Nagsimula itong magsayaw. Pinanood at patuloy na pinuri ni Julienne ang bata. Magaling naman talaga ito. Nag-enjoy rin ito sa pagsayaw. Naging engross na hindi na nito namamalayan ang lugar na sinasayawan.
Naging ganoon rin si Julienne. Sa tuwa niya sa pagsasayaw ni Precy, hindi niya kaagad napagbawalan ito na dulo na pala ng stage ang nasasayawan ng bata. Hindi niya napansin. Pero mabuti na lang at medyo malapit siya sa tapat ng bata. Bago pa man ito tuluyang nahulog ay nasambot niya ito. Pero dahil mabigat si Precy, sumadlak rin sila sa matigas na sahig.
Nanginig si Julienne sa naging sitwasyon. May naalala siyang pamilyar na eksena. Wala siyang naggawa noon. Kaya naman nang kaagad niyang tignan si Precy at makita na wala naman na kahit anong dugo at purong takot lang ang nakita niya sa bata ay nakahinga siya nang maluwag.
Niyakap ni Julienne ang bata. Naiyak siya. "Oh God, Julia..."
"Julia?"
Ano bang nangyayari sa akin? Tinignan ni Julienne si Precy. Puno ng pagtataka ang mukha nito.
"M-may naalala lang ako. I'm sorry..." napaiyak pa lalo si Julienne. Hindi man niya naggawang iligtas ang anak, at least, naggawa niya iyon kay Precy.
"I'm sorry rin, teacher. Baka po nasaktan kayo..."
Pinakiramdaman ni Julienne ang sarili. May naramdaman siyang kakaibang sakit sa kanyang puson pero hindi naman iyon ganoon kalala. Naggawa rin niyang sumunod kay Precy ng tumayo ito. Nakita nito ang Mommy nito na siyang susundo rito. Nakita rin nito ang eksena at nagpasalamat nang husto sa kanya sa ginawa niyang pagsambot sa anak.
Nakaalis na si Precy pero pakiramdam ni Julienne ay nanginginig pa rin siya. Hindi niya gustong makakita ng nahuhulog. Hindi man niya nakita ang mismong pagkamatay ng anak, ang term pa lamang na may nahulog ay nakakapagpaalala sa kanya ng masasakit na bagay. Pero hindi pa natapos ang paghihirap at panginginig ni Julienne nang makalabas siya at salubungin siya ng isang magarang kotse. Lumabas mula roon si Axel.
"Anong ginagawa mo rito?"
"You resign from your old job."
Naningkit ang mga mata ni Julienne. "Pinaiimbestigahan mo ako?"
"I need to. Sinabi ko na naman sa 'yo na kailangan natin na magkita pagkatapos ng isang buwan 'di ba?"
"Anong---" namutla at parang mas lalong sumama ang pakiramdam ni Julienne sa biglang naalala. Pinilit na niyang kalimutan ang pangyayaring iyon, ganoon rin ang maaaring maging consequence.
Tinitigan ni Axel si Julienne. "Are you pregnant or not?"
Sinubukang magpakatatag ni Julienne. "Kung ano man ang sitwasyon, you don't have to feel responsible---"
Naputol ang pagsasalita ni Julienne. Napahawak siya sa kanyang puson. Nakaramdam na naman siya ng sakit mula roon.
"Julienne? What's wrong?" napatingin si Axel sa hinahawakan niya. Hanggang parehong napatingin sila sa ibaba noon. Nanghina siya sa nakita.
"You're bleeding!" Axel cried in horror. Mabilis na pinasakay siya nito sa kotse at sa pinaghalo-halong emosyon, wala ng naggawa si Julienne. Naramdaman rin niya na sa sobrang takot ay nawalan na rin siya ng malay roon.