SA ISANG condominium unit na sa tingin ni Julienne ay pagmamay-ari ni Axel siya dinala ng lalaki. Nang pagpahingahin siya ni Axel ay mabilis naman siyang nakatulog. Kahit naiilang pa rin siya sa lalaki, nanaig ang pagod sa napakahabang araw kahapon. Nang maggising siya ay alas otso na ng umaga. Bahagya pa siyang nahilo kaya napahawak siya sa kanyang ulo. Nakita kaagad niya si Axel nang maggising siya.
"Not feeling well?" may pag-aalala sa mukha nito.
Pumikit si Julienne. Baka nabigla lamang ang sarili niya. Nang magmulat siya ay nawala rin naman ang kanyang hilo. Huminga siya nang malalim. Hindi naman siya pangkaraniwan na ganoon. Pero dahil siguro sa kalagayan kaya niya nararamdaman.
"I will be fine." Wala naman akong magagawa.
Tumango si Axel. "Do you want to eat or clean yourself first?"
Tumingin si Julienne sa tray sa beside table. Bigla siyang nagutom ng makita ang mga pagkain. May soup at ang paborito niyang longganisa. Mayroon rin na garlic fried rice. "Sige, kakain na muna ako."
Kinuha ni Axel ang tray at inilapit sa kanya. Kinuha nito ang kutsara. Napakunot noo si Julienne. "I can manage---"
"Ako na. Masama ang pakiramdam mo."
Hindi na nakatanggi pa si Julienne nang ilapit na ni Axel ang kutsara. Pagkatapos ng lahat, pakiramdam niya ay nanghihina rin naman siya.
"Thank you. It was good." Ramdam niya si Axel ang nagluto noon. Kalasa noon ang kinain niya sa Isla Azul.
Ngumiti si Axel. Sinubuan muli siya nito. Nang nakatatlong subo na siya ng garlic rice at longganisa, ang soup naman ang nagustuhan niyang tikman. Inilapit ni Axel iyon kay Julienne para higupin. Pero nang maamoy nang malapitan ni Julienne ang soup ay tila bumaligtad ang kanyang sikmura. Bumalikwas siya sa kama.
"Sink, CR or---" tutop ni Julienne ang bibig. Kaagad na itinuro ni Axel ang hinahanap niya. Nakapunta siya sa CR. Nagduwal siya roon. Parang balewala lang tuloy ang isinubo ni Axel. Matagal-tagal rin siya na nasa ganoong puwesto. Halos wala na nga na lumalabas sa kanya ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng kanyang tiyan. She felt like a crap. Hinang-hina siya. Kahit hawakan man siya ni Axel, alalayan siya ay parang naubos ang lahat ng enerhiya niya.
"Easy, relax..." Ibinigay ni Axel ang sarili kay Julienne. Hindi pa rin iyon sapat.
Naiyak na si Julienne sa sobrang frustration.
"Yen, lilipas rin ang lahat ng ito..."
Nainis siya. Ilang buwan pa? Dalawa? Okay lang sana kung iyon lamang ang problema niya. Pero napakarami. Masakit na nga ang emosyonal na bahagi niya, pati ang pampisikal ay ganoon rin.
"Ayaw ko na..." lalong lumakas ang hagulgol ni Julienne. Napagdaanan na naman niya iyon pero mas mahirap pa rin ang ngayon. Ang dami niyang tao na binigo.
Hinawakan ni Axel ang kamay niya. Hinalik-halikan nito iyon. Ang isang kamay nito ay pinupunas ang pawis sa ulo at ang mga luha niya. "Everything's going to be okay. I'll be here with you."
"Nawawalan na ako ng pag-asa. Ang hirap. Ang hirap-hirap. Hindi dapat nangyayari sa akin ito! Hindi dapat nabuo ang batang ito..."
Pakiramdam ni Julienne ay mababaliw na siya anumang oras. Gusto niyang isisi kay Axel ang lahat. Sa batang dinadala niya rin. Maayos na naman ang buhay niya, eh. May kalamigan ang kanyang mga magulang pero at least, hindi ganoong itinakwil siya ng mga ito. Pero dahil kay Axel at sa bata, nagulo na naman iyon.
Tinitigan ni Axel si Julienne. "Puwede mong isisi sa akin ang lahat pero 'wag sa bata, Yen..."
"Hindi ko mapigilan. Ayaw ko naman talaga, eh. Ayaw ko ng magkaroon ng anak. Pero---" hindi naituloy ni Julienne ang sasabihin nang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Axel. Hurt was all over his face.
Hindi lang si Julienne ang nasasaktan.
"Please, Yen. Not the baby. Alam ko na mahirap sa 'yo. Pero magtiwala ka sa akin. Gagawin kong maayos ang lahat. Huwag mo lang pabayaan ang baby. 'Wag mong ibunton sa kanya ang galit mo..."
Lumambot ang puso ni Julienne. Parang lalo rin siyang nanghina sa nakitang mukha ni Axel. Umiiyak na ito. Ngayon niya lamang ito nakitang umiiyak. Kahit noong mamatay si Julia, walang kahit anong luha na lumabas mula sa mata nito.
"Axel..."
Kinabahan na si Julienne. Hindi gumagalaw si Axel. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. Walang patid ang pagtulo ng luha mula sa mata nito. Mahigit isang minuto rin itong ganoon. He looked so helpless. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito, sinita. Wala pa rin na paggalaw. Nagpasya si Julienne na yakapin na ang lalaki. Doon muling umiyak si Axel.
"Don't do this, Yen. I couldn't afford to lose another child again..."
Julienne choked on Axel's words. Pinagsisihan niya lahat ng mga sinabi niya kanina. Tama si Axel. Hindi na rin niya kayang mawalan ng isa pang anak muli.