Inisip ni Julienne na magsisimula na ang party para sa matanda. Birthday nito. Kaya naman nagulat siya nang siya ang tawagin ng sa tantiya niya ay host.
"What? Bakit ako?" nagtatakang tanong pa ni Julienne. Ngumiti lamang si Lolo Fidel. Napilitan siyang pumunta sa harapan. Nagniningning ang paligid at tila ganoon rin ang mata ng mga tao.
Pinalitan ni Axel ang host. Lalong nagtaka si Julienne. Pumainlang ang love song sa paligid: It was the popular Grow Old With You.
"Ano ba ito, Axel? Akala ko ba ay birthday ng Lolo mo?" tanda niya ang kaarawan ni Lolo Fidel ngayon. Pero kung ganito ang nangyayari, para sa Lolo ba talaga nito ang party?
"I-I know but..." tila kinakabahan si Axel. Lumapit ito sa kanya. Tumingin ito sa mga tao. Nang sumigaw ang mga ito ay nagpatuloy si Axel. "Mamaya na ako magpapaliwanag. I just want you to listen, all right?"
Naguguluhan man ay tumango si Julienne. "Go on..."
Umiling si Axel. "Just listen to the song..."
I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you
I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you
Nangangalahati pa lamang ang kanta ay napaiyak na si Julienne. "Anong ibig sabihin nito?"
Lumuhod si Axel. May inilabas itong kahon ng singsing mula sa bulsa nito. Itinuloy nito ang kanta.
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you
Lalong naiyak si Julienne. Iyon ang unang beses na narinig niyang kumanta si Axel! His voice wasn't that good pero iisipin pa ba niya iyon kung from the heart naman ang kinakanta nito?
Kinuha ni Axel ang kamay niya. "Grow old with me, Baby Yen..."
Hindi tinanggi ni Julienne ang kamay. Pero bago pa man maisuot ni Axel ang singsing, sinubukan niyang alisin ang mga bumabagabag sa kanyang isip. "B-bakit ginagawa mo ito?"
Natigil si Axel. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod. "Gusto mo pa ba na i-elaborate ko kung bakit?"
"H-hindi naman. I-I just want to know the real reasons why." I just want you to say that three magic words called I love you.
And so he did.
"I love you. No matter how many years we're apart, I will always come back to you..."
Sa pinaghalo-halong emosyon ay napayakap siya kay Axel. Pakakasalan siya nito hindi dahil sa bata! Mahal siya nito! "Oh, Axel. I love you, too."
Bahagyang kumalas si Axel ng yakap kay Julienne. "Ganoon kadali?"
"What? Ayaw mo ba?"
"N-no. It's just that, alam kong mahihirapan ako. Kaya nga kinakabahan ako." Nakahinga nang maluwag si Axel. Napasipol rin ito. "Pinaghandaan ko nang husto pero hindi ko inaasahan na ganito ka-worth it."
So iyon pala ang dahilan kung bakit ito umaalis. Pinaghandaan nito ang event. To think na nainis pa si Julienne sa lalaki at nag-isip ng kung anu-ano.
Sumigaw si Axel. "She loves me! She loves me, too!"
Natatawang tinampal ni Julienne ang dibdib ni Axel. "Keep calm. Kaya pala palagi kang naalis..."
"Yeah. Pinaghahandaan ko ito. Mabuti na lang malapit lang ang birthday ni Lolo kaya puwede kong sabihin na surprise. But well, mas ako ang na-surprise. Inaasahan ko na mahihirapan ako. I know you hate me, Yen."
Huminga nang malalim si Julienne. "Iyon rin ang nasa isip ko. But every day I spent with you, tila nag-grow iyon sa love. No, nawala pala ang galit. Dahil hindi na kailangan na mag-grow. Nanatili ang damdamin sa puso ko. I may hate you, get angry with you but I still love you. I will always love you."
Napakadali pa ng mga araw para masabi at mapagtanto ni Julienne. Pero hindi na siya magtataka at pinoproblema iyon. Napaka-powerful ni Axel sa kanya. Nang una nga sila muling nagkita at nagkasama ay naapektuhan na siya. Paano niya mapipigilan ang damdamin kung sa loob ng mga linggo ay walang dahas na ginamit si Axel kundi ang ipakita ang pag-aalaga nito sa kanya? Na espesyal siya rito? At ngayon ay mahal siya nito...
Hindi na tatanggihan ni Julienne ang grasya. Hindi na rin niya gustong patagalin pa ang lahat. Kay tagal niyang inantay ang mga salitang iyon mula kay Axel. Ayaw na niyang magpakipot pa.