18. Her Angel

11.2K 223 25
                                    

DAHIL sa pagkaka-ospital, alas diyes na nakauwi si Julienne. Nagpumilit rin kasi si Axel na kumain siya. Sandaling nag-dinner pa sila bago siya umuwi. Pinakiusapan niya na kailangan niya ng umuwi at kung ano man ang kailangan pa nilang pag-usapan ay sa susunod na. Naging mahaba ang araw dahil sa kanyang nalaman. Napagod siya at naintindihan naman iyon ni Axel. Ang hindi nito alam, mararamdaman niya na mas mapapagod siya kapag nakauwi siya ng bahay.

Pero kailangan kong harapin dahil mas makakaya ko ito kaysa ang makasama pa siya nang mas matagal.

"Bakit ngayon ka lamang nakauwi?" madilim ang mukha ng kanyang Mommy nang makauwi siya at itanong iyon sa kanya. Katabi nito ang kanyang Daddy.

"Nag-dinner lamang po kami ng mga katrabaho ko." Nuncang aaminin niya sa mga ito ang nangyari sa kanya.

"Nag-dinner? Tinawagan ko ang boss mo sa sobrang pag-aalala sa 'yo! Walang dinner date na nangyari! Nauna siyang umuwi kaysa sa 'yo." ang Daddy ni Julienne iyon.

Pakiramdam ni Julienne ay isa siyang teenager na ginabi ng uwi. Pero ipagtataka niya pa ba iyon? Simula nang bumalik siya sa poder ng mga magulang ay naging mas higit ang paghihigpit ng mga ito sa kanya. Bagaman naggawa niyang kumbinsihin ang mga ito na hindi siya ang anak na magpapatuloy ng mga sinimulan nito sa negosyo, hindi sa lahat ng aspeto ay pinayagan siya ng mga ito. Mahigpit pa kaysa sa dati ang mga magulang niya. Hindi na gusto ng mga itong maulit ang naging nangyari sa nakaraan. Kapag nga may nalalaman ang mga ito na lalaking may gusto sa kanya ay todo bantay ang mga ito.

Mula ulo hanggang paa ay binigyan tingin si Julienne nang Mommy. Dumako ang tingin nito sa kanyang kamay. Lumapit ito sa kanya. Itinaas nito iyon. "Ano ito?"

Namutla si Julienne. Nakalimutan niyang alisin ang tag sa kanya kanina sa ospital!

Lumapit ang Daddy ni Julienne. Namutla rin ito nang makita kung para saan ang tag. "Na-ospital ka?"

"I-I---"

"For what reasons? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin? Bakit nagsinungaling ka pa?"

Nag-iwas ng tingin si Julienne. "Hindi ko lang po gusto na mag-alala kayo..."

"Anong nangyari? Sino ang Doctor mo? Tatawagan ko! We should have known about this."

"Nothing to worry about naman po---"

Hindi na pinatapos ng ina ang sasabihin ni Julienne. Kinuha nito ang bag niya. Mula roon ay naghanap ito ng ebidensya. Lumakas ang kabog ng kanyang puso nang makuha ng Mama niya ang reseta.

"OB-Gyne, vitamins?!" malakas na sigaw ng ina.

"Julienne!" parang aatakihin rin ang ama sa naisip na ibig sabihin noon.

"You're pregnant again."

"I'm sorry..." wala ng naggawa si Julienne kundi ang umamin.

"Sino ang ama?! Binigo mo na naman kaming bata ka! Napakakati mo!" parang kulang na lang ay sabunutan siya ng ina sa galit. Hindi niya ito masisisi. Dahil kahit pati rin naman siya ay nakaramdam ng galit.

Umiyak si Julienne. Inaasahan niya na mangyayari ang ganito. Pero hindi ngayon. Masyado pa na mahirap na tanggapin sa kanya para sabihin sa mga magulang.

"S-si Axel..."

Nasampal si Julienne ng ina. Tinanggap niya iyon. Pagkatapos ay umalis ito sa kanya. Umakyat ito sa itaas. Naiwan siya sa kanyang ama na napakadilim ng mukha.

"Hindi ka na nagtanda! Anong mayroon sa lalaking iyon at patuloy mo pa rin siyang binabalikan?!"

Sinubukang yakapin ni Julienne ang ama. Naging malamig ito. Itinulak pa siya. "I'm sorry, Daddy..."

"Ano ba ang kulang sa pagpapalaki naman at binigyan kami ng anak na kagaya mo?!"

Napakasakit ng mga salitang narinig ni Julienne sa mga magulang. Pero wala ng mas sasakit pa siguro nang bumaba ang kanyang ina. May dala-dala itong maleta. Ibinigay niya iyon sa kanya.

"Lumayas ka na sa pamamahay na ito!"

"Mommy..."

Dinuro siya ng ina. "You failed us once, Julienne. I couldn't take the second time..."

"'Wag mo naman po gawin sa akin ito, Mommy." Halos lumuhod si Julienne sa ina. Nang hindi siya pansinin nito, sa ama siya nakiusap. "Daddy..."

"Kapareho ng nararamdaman ng Mommy mo ang sa akin, Julienne. Hindi ko na rin kaya ang nangyaring ito. Mabuti na nga siguro na umalis ka na sa pamamahay na ito. Puro sakit lang naman ng ulo ang binibigay mo sa amin."

Wala ng naggawa si Julienne. Ano bang mayroon sa araw na ito at tila inulan siya ng kamalasan? Nangyari ang isang bagay na hindi niya na gustong mangyari sa kanya at ibig sabihin lang rin ng pagbalik rin ng lalaking unang minahal at sinaktan siya. At ngayon, ang tanging mga tao na dapat na tumulong sa kanya ay itinaboy na rin siya sa buhay ng mga ito.

Saan hihingi ng tulong si Julienne? Wala siyang masyadong kaibigan. Ang pinakamalapit lamang sa kanya ay mga pinsan niya mula sa ama. Mababait rin naman ang mga ito. Siguro, kahit sa isa ay puwede siyang magpaampon rito at may mga magagandang trabaho. Kay Jazeel kaya? Kay Holly? Hah! Bahala na. Kung sino na lamang siguro ang masabi niya na pangalan ng pinsan sa driver ng taxi na masasakyan niya, doon na lamang siya pupunta.

Pero nang makalabas ng bahay ay may naalala si Julienne: may ginawa nga pala na pustahan sila ng mga pinsan kamakailan lamang. Hindi nila maaaring balikan ang nakaraan. Or else...may consequence. Iba't iba ang kanila. Siya, dahil mahilig sa itim at hindi na muli nagsuot ng ibang kulay simula nang mamatay si Julia ay hindi na magsusuot ng itim kapag sumuway siya sa kasunduan. Hindi gustong baguhin ni Julienne ang sarili. Morbid na at palaging agaw atensyon siya, lalo na kapag masasayang kasiyahan ay naka-itim pa rin siya pero doon na siya nasanay. Gusto niya palaging ipaalala sa sarili na nagluluksa siya kaya palagi siyang nakaitim---kahit na ba limang taon na rin na wala si Julia.

Paniguradong magtatanong ang mga pinsan kung ano ang nangyari sa kanya. Maaaring masabi rin ng kanyang ama sa mga magulang ng mga ito at malaman ang katotohananan na nakipagbalikan siya sa nakaraan niya---kay Axel. Kung bakit ba naman kasi sa lahat pa ng lalaki, si Axel lamang ang nagbibigay sa kanya ng matinding damdamin na hindi niya matanggihan!

Lord, bigyan niyo po ako ng kahit kaunting liwanag. 'Wag niyo naman po akong pabayaan... dasal ni Julienne habang palabas siya ng gate nila.

Nang makalabas sa gate, dininig ng Diyos ang dasal ni Julienne.

"Hop in." It was Axel. Hinatid siya nito sa bahay. Ibig sabihin ba ay hindi pa rin ito umaalis?

Pero kung ano man ang mga dahilan nito kung bakit ito naroroon, hindi na pinahalagahan ni Julienne. Ayaw na niyang magpaka-choosy. Pagkatapos ng lahat, wala na siyang choice.

Kinonsidera ni Julienne na siguro nga, si Axel na ang pinadala nitong anghel sa kanya.

The Past: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon