24. Bitter

11K 215 24
                                    

NAKUMBINSI rin ni Julienne si Axel na huwag na siyang alagaan na parang sanggol. Tatlong araw pagkatapos nitong mag-propose sa kanya ay pumasok na ito sa trabaho. Medyo nanibago si Julienne dahil nasanay na siya sa tabi nito pero tiniis niya. Gusto rin naman niya iyon. Malaki ang responsibilidad ng fiancé sa Aguillera Holdings at gusto niyang intindihin iyon. Pagkatapos ng lahat, kahit naman kasi nasa trabaho ito ay hindi niya maramdaman na napapabayaan ito. Parang wala rin ito sa malayo dahil oras-oras siya nito kung tawagan.

Wala na rin naman na dapat ipag-alala sa lagay ni Julienne. Lubos na maayos na ang pakiramdam niya, pang-pisikal at ganoon rin ang emosyonal. Masaya na siya na malaman na mahal siya ni Axel. Hindi pa man ganoon kaayos ang tungkol sa kanyang mga magulang ay hindi na niya muna gustong isipin. Sobra-sobra na ang sakit ng nakaraan kaya deserved naman siguro niya na huwag muna iyong pakaisipin at hayaan na lamang ang sarili na sumaya kahit papaano.

Ngayong araw, dahil naiinip na nasa bahay lamang siya ay sinubukan ni Julienne na gumala. Napag-usapan na naman nila ni Axel ang tungkol sa trabaho niya. Hindi naman nito minasama kung gustuhin man niya na magtrabaho. Susuportahan naman raw siya nito basta ipangako lang raw niya na ingatan niya ang sarili. Pero si Julienne na mismo ang humiling na huwag na muna na ituloy iyon. Mahal niya ang trabaho niya pero mas mahal niya ang anak na nasa sinapupunan. Kahit may pagkakataon na nagalit siya sa kondisyon ay pinagsisihan na niya iyon at ipinangako na lamang sa sarili na iingatan ang anak sa sinapupunan. Medyo nakakapagod kasi ang trabaho niya at natakot siya na baka sa pamamagitan noon ay malagay na naman sa alinlangan ang kondisyon ng bata sa tiyan niya at pati na rin sa sarili niya. Bilang ballerina, madalas rin siyang nadudulas o kaya ay nahuhulog kaya risky rin kung ipagpapatuloy niya.

Lumipat na sila Julienne at Axel ng bahay. Nanatili pa rin ang bahay na binili nito para sa kanila dati. Pero dahil nanatili na maayos iyon ay wala rin naman siyang aasikasuhin roon. Wala siyang pagkakaabalahan. Nang magpaalam siya kay Axel ay pumayag naman ito. Pero sinabi ng lalaki na hindi siya nito masasamahan. May importanteng meeting ito. Ayos lang naman iyon sa kanya. Gusto lang talaga niyang makalabas.

Naglibot-libot si Julienne sa department store ng mall. Ang gusto sana niya ay bumili ng damit para sa sarili. Hindi niya gaanong nagustuhan ang mga magagarbong damit na binili ni Axel sa kanya. Kahit kasi mga pambahay ay nagmumukhang pang-alis. Aanhin ba niya ang ganoon samantalang wala naman na bumibisita sa kanya? Wala siyang masyadong ginagawa sa bahay. Gusto niyang bumili ng simpleng damit. Pero sa halip na sa woman's section ay hinila siya ng mga paa sa toddler's section.

It felt nostalgic being there. Naalala niya ang mga panahon na kapag pumupunta sa mall ay doon lamang siya tumatambay. Palaging si Julia ang nasa isip niya. Ito ang ipinamimili niya.

Nakaramdam ng haplos sa puso si Julienne. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Wala man si Julia pero naroroon na ang bagong sanggol sa sinapupunan niya. Binigyan siya ng pag-asa, silang dalawa ni Axel. Hindi talaga niya pinagsisihan na pakawalan na ang damdamin niya kay Axel. Hindi na rin siya nagduda. Masaya siya. Para rin naman iyon sa anak niya. Siguro ay magiging masaya rin ito kapag nalaman nitong maayos na sila ng ama nito.

Nagdesisyon si Julienne na sa toddler's section na lamang maglibot. Natagpuan niya ang sarili na namimili na rin. Pero hindi niya ganoon maramdaman ang pagkaaliw nang maramdaman niya na parang may sumusunod sa kanya. Paano kasi ay kada-punta niya sa bawat stall ay naroroon na rin ito maya-maya. Medyo alarming dahil wala naman itong binibili.

Nang bahagyang makalapit sa kanya ang babae, doon sumubok na pakainin ni Julienne ang kuryosidad niya. Kinausap niya ito.

"Hi! Future mother ka rin ba?" nginitian ni Julienne ang babae pero nang tuluyan na humarap ito sa kanya ay nakaramdam siya ng inis. Hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam kasi niya ay pamilyar sa kanya ang babae. Hindi nga lamang niya maalala kung saan niya nakita.

The Past: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon