26. The Wedding

13.7K 292 42
                                    

"SIGURADO ka ba talaga sa gagawin mong ito, Julienne?" nakasimangot na wika ni Holly. Kakatapos lamang niya na maayusan. Maya-maya lang ay magiging legal na ang pangako ng habang buhay nila ni Axel sa isa't isa.

Dahil may okasyon, nagsama-sama sila ng mga pinsan. Present ang mga pinakamalalapit sa kanya na sina Holly, Clover, Zai, Valeen at Jazeel. Pero sa kanilang anim, siya at si Valeen lamang ang masaya. Maayos na rin si Valeen at ang "The Past" nitong si Landon. Ito lamang ang nararamdaman niyang suportado siya.

"Of course. I love him. I will always love him. 'Wag na kayong bitter, okay? After all, ginawa ko naman ang consequence ko. I'm happy wearing a white dress now," namumungay ang mata ni Julienne. Unti-unti na niyang natatanggap ang lahat. Wala na si Julia. Kung hahayaan niya ang sarili na magluksa habang buhay sa pamamagitan ng pagsuot ng itim, hindi ba at hindi rin naman sasaya ang anak?

Umismid si Zai. Iiling-iling sina Clover at Jazeel.

"Please just be happy for me, okay? Si Axel ang one true love ko. Sa tingin niyo ba ay lolokohin pa rin niya ako? Nakapagpaliwanag na naman siya sa inyo 'di ba? At ganoon rin ako. Hindi na mahalaga kung nasaktan namin ang isa't isa noon. Pero naiintindihan ko rin naman kayo. I know that the past cannot be forgotten and even changed. But you can learn from it and just accept it. Let your past makes you a better person. Not a bitter person."

"Tama!" nakipag-apir pa si Valeen sa kanya.

Ngumiti si Julienne.

"Fine. Tinatanggap ko na kahit kailan, si Axel pa rin ang lalaki diyan sa puso mo. Pero masaya ka ba talaga, Julienne? Hindi pa kayo nagkakasundo ng mga magulang mo." paalala ni Clover.

Nawala ang mga masasayang emosyon ni Julienne sa pagbanggit sa magulang. Kung siguro ay mayroon pang hindi maayos sa buhay niya, iyon ang nangyari sa mga magulang. Sinubukan man niyang hingiin muli ang patawad ng mga ito ay nanatili pa rin ang galit. Pinadalhan rin niya ito ng invitation para ngayong kasal niya. Pero hindi na siya umaasa na darating ang mga ito.

Masakit. Pero kagaya ng dati, hindi na nga niya rin iyon gaanong iniisip. She just wanted to accept the fact that she cannot have everything in this world.

Hinawakan ni Valeen ang balikat niya. "Everything's going to be all right. Masyado pa rin naman kasing mabilis ang lahat. Sooner or later, matatanggap ka rin nina Tito at Tita."

Ngumiti na muli si Julienne. Siguro nga. Mahigit isang buwan lang naman kasi pagkatapos mag-propose sa kanya ni Axel ang kasal. Simple lamang iyon kaya tama lamang ang maikling preparasyon. Minadali na rin nila ang lahat dahil na rin sa unti-unti ng nagiging halata ang kanyang tiyan at para na rin maging komportable siya. Kapag pinatagal pa kasi ay baka mahirapan pa siya.

Umalis na ang kanyang mga pinsan. Dahil siya ang bride, siya ang pinakahuli na darating sa simbahan. Inalalayan siya ng make-up artist at magiging personal assistant rin niya para sa kasal. Humiwalay lang ito sa kanya nang makarating na siya sa kanyang bridal car. Pero nang makapasok, nais niyang pabalikin ang make-up artist. Hindi niya napigilan ang luha nang makitang naroroon ang kanyang parehong magulang. Napayakap siya sa mga ito.

"Mommy, Daddy! Paano?"

Inalo siya ng ina. "I'm sorry, Anak."

Umiling si Julienne. "You shouldn't be. Palagi ko kayong binibigo. Kasalanan ko ang lahat."

Tumango ang parehong magulang. "Sinisisi kita pero naisip ko na nagmahal ka lang, Julienne. Hindi nga kasalanan iyon."

"Napakahirap turuan ng puso. It always leads me back to Axel. Despite of everything, it was always him."

"I know. And now, we have no problem about it. Hindi siya sumuko. He was actually the one who convinced us to attend the wedding."

Nagulat si Julienne. Wala siyang kaalam-alam roon. "Paano?"

"Palagi siyang pumupunta sa bahay. Kino-contact niya kami and made us understand everything. Tama naman siya. Napakahirap ng pinagdaanan mo nang mamatay si Julia at gusto niya na hindi na maulit na may mga taong mawala pa siya sa 'yo. You deserved to be happy, Julienne. Tao ka lang, nagkakamali ka rin. Kayo. At ganoon rin kami ng Daddy mo. Masyado kaming nabulag sa sakit para itakwil ka namin."

"Oh!" lalong napaiyak si Julienne. Bukod sa pangako ng habang buhay, ang ginawang ito ni Axel ay ang pinakamaganda ng nangyari sa kanya ngayong araw. No, parang sa buong buhay rin niya.

May mga kumokontra man sa pag-iibigan nila ni Axel ay masaya siya na hindi na niya pinansin ang mga iyon. Axel was worth it. Oo, hindi ito perpekto dahil nakakagawa rin ito ng mga pagkakamali, lalo na sa mga desisyon. Pero ang mahalaga ay bumabawi ito. Inaayos nito ang mga pagkakamali.

Hindi lang kay Julienne bumawi si Axel. Ganoon rin kay Maya. Sinunod nito ang kagustuhan niya na ayusin ang inakala ng babae na ginawa rito ni Axel. Naging madali naman na kausapin si Maya na ikinagulat nila. Nasaktan ito. Pero tinanggap rin nito ang lahat. Mabait talaga ang babae. Humingi pa ito ng pasensya dahil sa ginawang pasabog nito. Masama lamang talaga ang loob nito kaya naggawa nitong sabihin ang mga salita sa kanya. Pinagsisihan rin nito iyon dahil hindi rin naman kagandahan iyon. Nag-alala rin ito sa lagay niya. Nakonsensya ito dahilan para naging madali rin nito na matanggap ang lahat tungkol kay Axel. Alam na rin naman raw kasi nito sa simula ang lagay ni Axel pero pinagpilitan pa rin nito ang sarili. May kasalanan rin daw ito. Nakipagkaibigan na lang ang dalaga sa kanilang dalawa at para lubos na makabawi rin, sinabihan nila ito ni Axel na magiging Ninang ng anak nila.

Nang makarating sa simbahan ay sinita si Julienne nang make-up artist dahil sa pag-iyak. Aayusan rin raw muna siya nito pero hindi pumayag si Julienne. Sa halip, kaagad rin siyang tumakbo patungo sa simabahan na ikinagulat ng lahat. Hinanap niya si Axel at niyakap.

"Yen?" takang-taka ito.

Hinalikan niya ang mamaya lamang ay matatawag na niyang asawa.

"I love you and thank you so much for everything..." umiiyak pa rin siya.

Hinagod ni Axel ang likod niya. "No. Thank you for coming to my life. But please, I won't be thankful that you cry on me like this. Paano pa mamaya sa harap ng altar?"

"Hindi ko kaya. I'm just too overwhelmed. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon rin pala talaga ako ng happily ever after. Ang taong minsan na inisip ko na pagkakamali ko ay siya rin pala na magbibigay sa akin ng lubos na kasiyahan."

"I might be your best mistake that have ever made but we have held on. Together. Napatawad rin natin ang isa't isa. Napatawad mo ako. That's what the best and good on it."

Hinalikan at niyakap niya muli ito. "You are my best mistake and I've learned from you. I love you."

It was good to look back in the past. Pagkatapos ng lahat, once upon a time, it had also made her smile. And now, alam niya na ang "the past" na iyon ay pangingitiin rin siya habang buhay.

This will be the start of the promise of forever.

THE END

The Past: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon