21. The Clothes

11.9K 234 12
                                    



SINUBUKAN ni Julienne na pakisamahan na lamang si Axel. Subukan man niya na tawagan ang kanyang mga magulang para humingi ng patawad, hindi niya maggawa. Malamang ay naka-block siya sa cell phone ng mga ito. Wala siyang malapit na kaibigan kundi ang mga pinsan at sa lagay niya ngayon, hindi siya makakatagal sa mga ito na hindi nalalaman ang kanyang kalagayan. Isa pa, titigilan rin ba siya ni Axel? Wala talaga siyang choice kundi ang lalaki.

Pero hindi rin naman pinagsisihan ni Julienne ang choice niya. Maayos naman kasi si Axel. Inalagaan siya nito. Sa loob ng apat na araw ay halos hindi ito pumasok sa opisina. Binantayan lamang siya nito, sinigurado na nakakapagpahinga at makukuha niya ang tamang lakas na kailangan para sa kalagayan niya. Ilang beses niya itong pinilit na bumalik na sa normal na buhay niya dahil wala na naman talaga siyang tatakbuhan kung planuhin man niya na tumakas. Ayaw rin naman niyang makaabala rito. May responsibilidad at pananagutan sa kanya ang lalaki pero ayaw niyang maging pabigat. Ganoon pa man, bukas loob na ibinigay nito ang sarili sa kanya. Parang ang tanging gusto na lamang nitong gawin sa mundo ay ang alagaan siya...

Kinabukasan ay hindi makakain si Julienne. Paano, kahit niluto muli ni Axel ang paborito niyang longganisa at garlic rice ay hindi na iyon tanggapin ng kanyang sikmura. Nanghihina na siya. Sinubukan siyang pakainin ni Axel ng iba pero hindi pa rin niya kaya. Pinagpahinga siya nito. Paggising niya ay mukha na ng Doctor ang sumalubong sa kanya.

"Why---"

"Nag-panic ang asawa mo, Miss." Nakangiti naman na wika ng Doctor. "Lahat naman ng mga nararamdaman mo ay normal lang."

Tumingin si Julienne sa napagkamalang asawa. Pinagpapawisan ito. Namumutla rin. Mukhang alalang-alala. "Eh, Doc. Alangan naman na pabayaan ko siyang hindi kumain?"

"I know. Pero normal naman talaga ang ganito. 'Wag mo lang siyang pilitin agad. Or you can just call me for this. Ibibigay ko sa 'yo ang mga maaari niyang kainin. Pero sa pagkausap mo sa akin sa cell phone ay para bang mamatay na si Julienne kay nagmadali kaagad ako rito.

"But I hate to see her like this. I hate to see her hurt. Kung puwede lang sana na ako ang maglihi, ang makaranas ng ganito!"

Nagniningning ang mata ng Doctor. "You are head over heels in love with her."

Napanganga si Axel sa komento. Pero maya-maya ay ngumiti ito. "You can say that," tumingin at hinawakan nito ang kamay niya.

For a moment, gustong maniwala roon ni Julienne. Ayaw lamang niyang paasahin ang sarili.

Pero sa pagdaan ng mga araw, parang lumalala ang pag-asa ni Julienne. Napakamalalahanin ni Axel. Napakaalaga.

"Hindi naman ako imbalido." Giit ni Julienne nang kahit malakas na siya ay nagpupumilit pa rin si Axel na subuan siya. Though parang lumulundag sa saya ang puso niya sa tuwing ginagawa iyon ni Axel, gusto pa rin niya na pigilan iyon. Naisip niya na kaya lang ginagawa iyon sa kanya ni Axel ay dahil sa kalagayan niya, para rin sa anak nila.

"I want to. I want to care for you. Now say 'ah'," inilagay ni Axel ang kutsara sa tapat ng bibig. Wala na siyang naggawa.

"I feel like a baby with this."

Ngumiti si Axel. "But you are my Baby. My baby Yen..." kumindat pa ito at kinurot ang pisngi niya.

Tila ba komportableng-komportable si Axel sa ginagawa nito. Somehow, nakaramdam rin ng kaginhawaan si Julienne. Gusto rin niyang panatilihin iyon.

Kumurap si Julienne. "Why are you doing this, Axel?"

Hinawakan ni Axel ang kamay niya. "Because I want to."

The Past: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon