"TAHAN na, Julia, please..." mangiyak-ngiyak ng pakiusap ni Julienne sa anak. Hating-gabi na pero gising na gising pa rin ang kanyang anak. Iyak ito nang iyak. Hindi mapakali. Ganoon rin naman ang pakiramdam ni Julienne. Though alam naman niya na parte ng pagngingipin ni Julia ang dahilan ng pag-iyak nito ay hirap na hirap pa rin siyang patahanin ito.
Pagod na pagod na siya. Maaga siyang gumising kanina kaya naman antok na antok na siya. Mag-aalas onse na ng gabi. Anim na buwan na si Julia kaya may pagkamabigat na ito. Napakaligalig nito. Gusto nito ay palagi rin na buhat. Wala siyang makatulong sa pag-aalaga ng anak kaya talagang nahihirapan siya.
Nang manganak si Julienne ay pinayagan na siya ng mga magulang na lumipat sa iisang bahay kasama si Axel. Hindi niya sigurado pero naisip niyang iyon ay dahil ayaw nitong makita si Julia. Ilang beses siyang sinita ng mga ito sa bawat pag-iyak ng bata. Naiinis raw ang mga ito. Nasira ang tahimik pa rin dapat na buhay ng mga ito. Hanggang sa magdesisyon na si Axel na kung ganoon lang rin naman ang isip ng mga ito tungkol kay Julia, kinausap nito ang kanyang mga magulang mabuti ng kuhanin na silang mag-ina nito at dalhin sa iisang bahay. Pagkatapos ng lahat, pamilya na talaga sila. Kailangan rin si Axel sa tabi ni Julia. Dahil wala pa naman itong sariling bahay, nakatira sila sa Lolo nito. Mabait naman ang Lolo ni Axel. Noong buntis pa siya ay nakilala na niya ito. Hindi kagaya ng mga magulang, naging sabik ito sa pagdating ng apo. Pero nang malaman na babae ang apo ay nawala ang amor nito. Lalaki ang gustong apo nito. He became disappointed. Naging civil lang rin ang pakikitungo nito sa kanya pagkatapos at kay Julia naman ay paminsan-minsan lamang na nilalaro.
Malaki ang bahay nina Axel. May mga katulong rin sa bahay ng mga ito at ginusto siyang tulungan ng makitang nahihirapan siya ngayon sa anak. Pero walang kahit sino ang makapagpatahan sa anak, kahit siyang ina at siya ng pinag-aralan niya ay ang alagaan ito ay hindi magawa. Ginusto ni Axel na magkaroon sila ng Yaya para kay Julia pero tumanggi siya. Hindi niya yata gustong ipagkatiwala sa iba ang anak. Inalalayan na lang siya ni Axel sa kanyang desisyon. Sinisigurado nito na maagang umuwi para matulungan siya sa pag-aalaga kay Julia. Madalas ay nagpupuyat rin ito lalo na kapag ganoong may sakit ang anak.
Tumawag si Axel. Oras-oras simula nang umalis ito ay tumatawag ito. Nasa isang convention sa Laguna ang lalaki ngayon hanggang bukas. Kinumusta nito ang anak.
"Hindi pa rin siya tumitigil. I feel so helpless, Axel..."
Naramdaman naman yata ni Axel ang pagod niya. Huminga ito nang malalim. "Sige. Babalik na ako."
"Ha? Pero ang convention---"
"Malapit lang naman ang Laguna. Puwede pa akong bumalik. Plano ko na ito kanina pero masyadong nagtagal ang meeting kaya nag-hotel na ako. Masyado na kasing gabi kung umuwi. But with you and Julia like that, hindi naman rin ako makakatulog rito."
Pinatay na ni Axel ang tawag. Mahigit isang oras lang ang nakalipas ay dumating si Axel. Kaagad na kinuha nito sa kanya ang maligalig pa rin na si Julia. Hinalikan nito ang anak, nilaro-laro. Bahagyang kumalma si Julia. Hindi na niya ipinagtaka iyon. Madalas na kalmado at masaya si Julia kapag hawak ni Axel. Nakikinita na kaagad niya na magiging Daddy's girl ito.
Nang hikbi-hikbi na lamang ang narinig mula kay Julia ay lumapit si Axel sa kanya. Hinalikan nito ang kanyang ulo. "Tulog ka na. I got this."
"Sigurado ka ba?"
"Yup. I know you're tired. Sa bawat tawag ko, umiiyak na lang palagi si Julia."
"Pero pagod ka rin..."
"I can handle myself. Now go. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit..."
Niyakap niya si Axel. Napakasuwerte niya dahil napaka-understanding at maalaga talaga nito.
Mabilis na nakatulog si Julienne. Alas tres ng madaling araw nang maggising muli siya. Nakahiga na sa tabi niya si Axel samantalang nasa dibdib nito si Julia, payapang natutulog. Nakasandig ang malalambot na pisngi ng sanggol sa dibdib ng ama nito. Nakayakap. Napangiti siya sa napaka-sweet na tagpo na iyon.
Naramdaman ni Axel ang pagkagising niya. Umungol ito. Gumalaw ang isang kamay nito para palapitin siya rito. Julienne indulged. Kumapit siya sa braso nito.
Hinalikan na naman ni Axel ang kanyang ulo. "My other baby..."
Napangiti si Julienne. Pinagkiskis pa niya ang pisngi sa braso ni Axel. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagod nito at lagay nito ngayon ay naggawa pa rin siya nitong lambingin.
May lubak man na pinagdaanan ang buhay ni Julienne ay masasabi niya na masuwerte pa rin siya. Ipinagpapasalamat niya ang lahat dahil kay Axel. Sinamahan siya nito na maglakad sa lubak na iyon at sa pagdaan ng mga panahon, unti-unti na nagiging tuwid iyon.
Life had been hard. But with Axel and Julia standing by her side, everything was worth it.